I Was Busy Getting Drunk (And Coughing My Lungs Out)

Slept for just a couple of hours. Literally. 2 and a half hour to be exact.

Facebooked, watched a lot till it was 4 am. Haha.

Twas because I was stubborn. And. I was stubborn. And just plain stubborn.

So, here it is. I had a commitment this Saturday, June 27, 09, 7am at McDonald’s P. Campa. We’re attending the NFJPIA Leadership Training Seminar of Standing Committees at PSBA QC that morning. Fun! Was excited for all that. I was interested with being a Standing Committee last year. But I was heartbroken, so my interest crashed down.

Heartbroken eh?

**INSERT FLASHBACK EFFECTS HERE**

This is not the heartbroken chorva you might be thinking. The usual broken hearted feeling you get when you fall so deep for one person but things don’t go out the way you want it. Or it could be the unrequited love you always see on TV.

But NO. This is not it. I got rejected by the JPIA UST Chapter when I appplied to be one of those trying hard trainees you call Junior Coordinator (JCs), because I had one effin’ failing grade. Singko dude. They cannot accept me, because the organization is an academic organization. It has to be that way yaddah yaddah yaddah. That was when I lost interest in the organization. One officer even asked me if I wanna try being a StanCom, but I just don’t have the interest to be so pumped up with the alternative he had for me. Instead of me getting so involved and active in the organizations, I got more failing grades, and even stopped attending classes. Nothing interests me anymore. Because this is a plain example of DISCRIMINATION (in my own honest opinion). :)

I had other orgs, but I just refused to become active anymore because I was busy with some other things. Yeah, I was so goddamned busy I cannot afford to get the benefits I paid in those organizations in the form of membership fees. :)

What are those things?

I was busy drinking. Getting drunk. Coughing my lungs out. Getting drunk. Drinking again. Puff puff. And then getting so drunk.

And it didn’t stop there. It continued until the second semester of my third year.

And what the hell did I get that year? Fate paid me back with another ’singko’. It was a buy-one-take-two deal. Yay, two failing grades to add up to my history.

But now is different. When I cleared my deficiencies this summer, I was still kinda fuzzy. I skipped classes a lot, but was able to clean the mess I made. So another start eh?

Yep. I faced the UST-AMV College Of Accountancy in a different angle. Like I was a photographer who saw the better angle of the model with cleaner lenses. God did helped me a lot.

I’m still struggling though. I may backslide to the wasted me, but I would be the first one to prevent that from happening. I hated it. I hated that. I hated myself that way. It was awful! (But I didn’t regret the fact that I did gain many friends in that state, now the only question is, do they really care?) :)

**END FLASHBACK EFFECTS HERE**

So this morning I attended the NFJPIA LTS for StanCom at PSBA QC. ‘Twas a lata fun!’ as what Ramon Bautista would say. And I met new people. Nice. Responsible. Serious, but funny at the same time.

No, they did not ask if I had failing grades. And I remembered Kuya Miko (Mikey) saying that the organization would want to reach out to the other members who are not so active. Just typing out what I had in mind that moment, I thought, “Not all JPIANs are perfect. Not all have smooth grades. I wish you can reach out to them.” That was what I thought.

I’m driving on a different path now. Not entirely different, but at this state, I’m still at the point of changing lanes. I might get back to the same lane, but I’m striving to get to the other lane.

Don’t get me wrong here. I am still the fun gal everybody knew. I’m still crazy. And I’m still weird. I still break the rules (sometimes). But I would want to get to see what I can be. A better me. A fully furnished engine ready to roar and function at its best.

DSC01367

Sir Apollo Layug : “Be good, so everyone can be a better person.” (or something like that. haha!)

Spare Tire.

So, due to A(H1N1) spreading like  pollution all over the city, and Typhoon Feria (I just had to comment : what a weird name! I’ve been customized to the traditional Filipino names such as Pedro, Pepe, Pilar, Andeng, and whatthehells, and Feria, to me, just sounds kinda off. Like a daughter of Supper Ferry. HAHA!), bringing uber dark clouds with him/her/it, my classes were suspended. Will resume on Tuesday. Nah, I’m not really complaining about having to sleep all day. Facebook. Twitter. Plurk. Multiply. Youtube. And I get to daydream anytime I want, L-O-L. To sum it all up, I have all the time in the world to spare, meegahd, well, at least, until Tuesday.

I’m just sober with the thought of not having to learn anything new. That’s it.

I was supposed to watch Transformers 2 earlier with my friends. At  11am. SM San Lazaro. Guess what? I woke up at 11:20 or something like that. At kung hindi pa ako tinawagan ni Dio, malamang alas tres na ko magigising. Ang sarap matulog!

And see? It’s 6pm and I haven’t done anything worthwhile.

And what have I been doing with all these spare time?

-I Facebook. Twitter. Multiply. I play lots and lots and lots. And I plurk, about lots of things. About things that doesn’t matter at all. Haha.

-I eat. With whatever, non-nutritious food. LOL.

-I watch TV.

-I sleep again.

-And watch TV again.

-I Facebook again, and blah blah blah.

-I watch videos at Youtube. Subscriptions that have piled up. And oh, Mr YouTube 2009. That’s cool. I was torn between KevJumba and NigaHiga. Hahaha. And I ended up voting Ryan. But don’t get me wrong, I’m a superfan of Kev. Gahd, he’s gorgeuos. **drools** And funny too. And dances nice. Hey, support the JumbaFund. I’ve been promoting that one to friends and co-bloggers. Nice project! Thumbs up! GO WATCH THE VIDEOS [HERE]!

-Then I Facebook again. Played games.

-Blog about me wasting my time.

-And then I’ll take a break. Listen to some random songs, while puffing my cig off.

What a nice way to start the semester. You get studious, and all the universe conspires to return you to that bullshit you’ve been last sem.

That’s me. I was a bullshit last sem. And I AM TRYING to be different this time. Hahaha, then I’m failing.

Recap

Sabi ko, self-centerd ang mga taong gumagawa ng How Well Do You Know blah blah quizzes sa Facebook. (Add me up!). But then again, hindi ko naman sinabing hindi ako self-centered, minsan. Minsan, nagiging madalas ang minsan. Eh?

Haha.

Kachat ko kagabi sa Y!M ang kapatid kong nasa bundok para mag-aral. Nagwebcam pa ang bruha, este, bruho. Sabi ko, bat siya nakawebcam. Sabi, “baka kasi namiss mo ko.” Ayy! Hahaha. Wala lang. Nakakatawa dahil niyabangan niya lang ako na marami siyang pera samantalang ako ay naghihirap.

At ntouch ako dahil naisipan niyang magpasalamat sa paglilinis ko ng kwarto niya sa dorm nila. Naman! First time kong maglinis ng bonggang bongga! Hahaha.

So… Wazzup?

Hindi ko na talaga mate-take ang IAC2. Dahil sa maraming magugulong kadahilanan. At wala akong pakelam kung wala kang pakelam. Next sem na lang. Madami kasi akong nakikitang reaksyon sa mga mukha ng nilalang na whodahells. Pfft. Ayokong minemake face ako ng hindi ko nakikita. K? Fuckers.

Ayoko na. Ayoko na salahat ng bagay.

I wanna detach. To everything. I wanna be me. I seem to have lost myself in this journey. Kaya naman gusto ko na ulet maging ako. Hindi kung ano yung ineexpcet mo/niyo/nilang maging ako. Ayt?

Speaking of Ayt, gusto ko yung collaboration ni Gary V at Spongecola. Nice.

At nagiging masama na naman ako dahil sa all-in-one protective gear with UV light protection, and attracts attention na binebenta sa Home Shopping Network (chika lang!).

Magulo ako ngayon. Maarte ako ngayon. Madami akong ayaw. Pero isa lang ang gusto ko. Ang wallpaper sa cellphone ko. Hahaha. You’ll never guess who’s on my wallpaper. And I’ll never spill it out. ^_^

Except na lang kay Ate Tarah na nakita kagabi yung wallpaper ko, at nahirapan akong magpaliwanag. Hahaha.

P%^&mon!

Mga apat na araw na ata akong naaadik sa Pokemon. Wala lang, napagtripan ko lang, pake mo. Nilaro ko si Pokemon Fire Red. At sa matagal-tagal kong paghihirap, nakarating na ko sa Gym ni Blaine. At bago ko pa matalo ang huli niyang alipores, ayun naghang, at biglang nagshutdown ang Visual Game Boy sa di malamang kadahilanan. (3…2…1…)

PUTANGINA!

Ang nakakairita kasi, hindi ko nasave ang mga bagay-bagay. At punyeta, ano ng gagawin ko?! Ang huling save ko pa e kagabi pa no! Argh!

Yun lang. ^_^

Share lang ng rants.

Fucker!

Tanduay?!

Ang hirap kayang magpanggap na hindi ka lasing samantalang lasing ka naman talaga, at katunayan, e lumagpas ka pa nga sa dapat mo talagang babaan dahil nakatulog ka sa FX.

Offtopic insert :  Listen to Lady Gaga’s Lovegame. It’s addicting.

Anyways… Ayun, nakauwi naman ako. Salamat sa concer ng katabi kong cute sa FX, pero NO. Sorry, HINDI AKO NALILIGAW. Kasi, kahit dumirecho pa yung FX, makakauwi ako sa dapat kong uwian. THANK YOU. Sigh. Pfftt…

Pagdating dito sa bahay, lumamon akio ng bonggang bongga, dahil gutom na gutom ako. And ang sarap nung potato skins with cheese na gawa ata nung mga pinsan ko, ewan ko. Basta. Na-LSS ako super sa Fire ng 2NE1. Yung bagong girl group ni Sandara. And she’s not Sandara anymore, she’s Dara. Hahaha. Dara, The Explorer. Hahaha. Pero natutuwa talaga ako sa kanta nlang Fire. Meron ding Lollipop e. You go google it. ^_^

Hindi naman talaga ako masyadong lasing kagabi, inaantok na lang talaga ako. Sa katunayan, nakapaglead pa ako ng isang mystery nung nagrosary kami dahil nandito sa bahay namin, ehem, ng Tita ko pala, ang Our Lady Of Caysasay. See? I’m not that drunk, just effin’ lazy.

Sa kalagitnaan ng mga paguusap, bago magsimula ang aming pagrorosaryo, kumandong sakin si Monic. At ang sabi’y :

Ate, ba’t amoy Tanduay ka?

What am I to do? Hahaha. Kiber lang. At nagrosaryo na kami. Nakipagdaldalan ako kay Ate Tarah after, and fell asleep. So much for Red Horse and Marlboro. Hayy… And no, hindi Tanduay ang ininom ko. LOL.

How did your summer class end?

May asthma ka ba?

Patapos na ang summer classes. Ang init. Ang lamig. Di lang pala ako ang confused, pati si pareng weather litung-lito na din kung magiinit ba siya o bibigyan na ako ng cold treatment. Hay buhay, parang life.

Last lecture na namin kanina sa Marriage and Family. Bukas, final exams na, nagpaphotox kami ng 54-page na handout para rebyuhin, pero wala pa kong nababasa kahit yung first page. Kuntento na ko sa pagiisip, na kasama ko sa Copytrade kanina yung crush ko.

Pero hindi ko sasayangin ang 27 pesos na dugo at pawis ng mga magulang ko. Aaralin ko mamaya yung pesteng handout na yun, na sana, kung bingay na samin before pa magstart yung lesson na yon, e sana nabasa ko ng mas maaga, at konti na lang sana ang aaralin ko ngayon. (ulul).

Final exams na din namin sa Law2 bukas. Alam kong mataas yung prelim grade ko sa Law2. At alam kong hindi nambabagsak si Garayblas, pero gusto ko kasi sanang maka-uno. Para ma-in-your-face ko sana si Inoturan. Hay… Pero pano naman ako makaka-uno kung hindi pa rin ako nagbabago. Tulad pa rin ako ng dati. Laging hindi pumapasok, at tamad mag-aral. Ewan.

Well, anyway, ang drama drama naman ng post na to. Naalala ko lang naman talaga si Garayblas kasi patapos na yung summer sessions namin sa kanya. Eto kasi yun…

Isang araw… pumunta ako sa tindahan ni aling nena para bumili ng suka…

Napansin niya yung classmate naming si X…

G : bat parang parati kang absent?

X : sir, nagkasakit ako e.

G : anong sakit mo?

X : asthma sir.

G : nakupo, mahirap yang asthma na yan, lalo na sa lovemaking, mahirap pag inatake ka bigla.


Hahaha. Yun lang. Ikaw, may asthma ka ba?

YouTube-ing

Finally!! I was youtube-ing (whattaword!) kanina. Buong maghapon ata akong nagliliwaliw sa youtube. Dahil forever na akong hindi nanunuod sa youtube, napakadami ng nakatambak sa mga subscriptions ko. And I watched them all kanina. I ENJOYED them all. (except the cover-ups though, I’m unsubscribing from Alyssa Bernal. Wala lang, nafed-up na ko sa kagandahan niya. At sa ganda ng boses niya.

<–Bitter. Haha.

Masyado ko atang inabuso si YouTube. Anyway, I love kevjumba.Hahaha. Meron pala siyang bagong channel. And it’s for a cause babe. Ya heard it right. And I’m helping spread the word, kasi maganda talaga siyang project, well, if it’s for real.

You can visit and watch the videos HERE.

Here’s how it works :

++–++

I splurged on HappySlip videos too! And I’m lovin’ WhatTheBuck Show. Hahaha.

Anyways… I suddenly bumped on one of the episodes of The Ramon Bautista Show. It was aired on MTV. I really love Ramon Bautista, at sobrang naadik pa ko sa episode na nag-guest ang Quezo (Biboy and Ian). It was so funny. I had a lata fan. As what Ramon Bautista would say. Naalala ko nga bigla na eto yung mga videos na super tagal kong hinanap sa Google, pero ngayon ko lang nakita, pfftt.

See for yourself. Credits to matnick22 for uploading the video.

Disclaimer : These videos aren’t mine. I don’t own them. I don’t have the rights over them. If you’ve got issues, don’t sue me, fuck yourself.

Ramon Bautista with Ian Tayao of Quezo.

Ramon Bautista with Biboy of Quezo.

That’s it. It’s now 02:17 in the morning. And my classes starts at 7 am. Screwed! So much for youtube-ing.

**Hindi naman ako masyadong excited mag-update, kakapost ko lang kanina. Pfft.

From Down Under

Hay nako. So nabulok-bulok na ang blog ko. The good news is, I’M BACK AGAIN!

Ano namang kababalaghan ang pinaggagagawa mo at antagal mong nawala?

Well, ya know, artista, minsan busy, pero mas madalas tulog. Hinde, talagang naadik lang ako sa mga ilegal na pagd-download. At sa kakabasa ng mga manga na nakakalat sa internet. Wala akong oras para magbukas ng Friendster, Plurk, Multiply, WordPress, etc.. etc..

At dagdag pa ang aking pags-summer. Hindi ba sasakit ang ulo mo kung ang schedule mo ay 7-9 then 1-3, EVERYDAY. Oo, piga ako mula Lunes hanggang Biyernes. Bukod kasi sa Law2, na binagsak ko last sem, tinake ko na din ang SCL9, commonly known as Marriage and Family. Sayang naman kasi Miscellaneous Fee, at yung araw-araw kong pamasahe mula dito sa Lagro no! Oo, bukod sa ampanget ng schedule ko ngayong summer, mas lalo ko pang pinahihirapan ang sarili ko dahil dito ako nags-stay ngayon sa Fairview.

Bakit kasi dyan ka nag-stay?!

Wala kaya akong kasama sa condo no! Iskeri! Saka wala kaming pagkain dun ngayon. Hehehe. Kaya pansamantala kaming nagpapa-ampon dito sa Tita namin. This is the life, mehn!

Oh, anong balita sayo?

Eto, lalo akong pumapanget. Hindi ko din alam kung bakit, akala ko pa naman nung Finals na last sem yung peak ng kapangitan ko, pero hindi, lalo akong nagiging iskeri.

-At nanunuod ng video ni **careless whisper** LOL.-

At may bago pala akong crush. Crushes. Hahaha. Yung isa, kaklase ko sa Marrigae and Family. Wala lang, long hair kasi e. Hahaha.

Sige, yun lang muna,  wala na kong masabi. Speechless ako sa pagiging absent ko.

Last na :

“Lahat ng bagay may katapusan. May simula at may wakas.” – Garayblas on dissolution.

O diba? Hindi lang Law2 ang tinuturo ng prof ko, pati life’s lessons marami din! At tinuturuan niya din kami sa Marriage and Family, relationships101, at kung anu-ano. Meron pang SexEd. LOL. Sulit-sulit ang bayad namin, andaming subjects nata-tackle e.

Ciao! See you again soon! Will update regularly na. ^_^

Am I Wrapping It All Up?

Okay. So basically, my third year in college sucks. Sa taong to sobra akong nagpakawala. Dahil siguro wala ng nakabantay saken. At marahil ay dumadami ang aking mga kaibigan. At lalo pala akong nagiging bakla.

Bukod sa pumanget ako lalo, e napagtanto ko na nitong pangatlong taon ko sa kolehiyo, dumating ako sa point na gusto ko na lang lumaklak ng lumaklak. Stressed? Nung una siguro stressed talaga ako. Pero putangina naman, tumatagal ba ng isang taon ang stress?!? Yung tipong ayoko na lang pumasok. Malapit na kong ma-FA, at ang naging resulta, bumagsak nga ako ng FinAcc. At sa ikalawang pagkakataon, e maaari na naman akong bumagsak dahil sa hindi pa din ako pumapasok. Ikaw ba naman kasi, sisipagin kang pumasok, SABADO NA NGA, ANIM NA ORAS PA?! ano? ano? ano? amplastik mo kung sasabihin mong mageenjoy ka. Babanatan kita.

Anyway, last year, parang di pa ko masyadong nababaliw sayo. Hindi pa kita masyadong naiisip. Ngayon, ewan ko, lalo ka na ngang pumapanget, lalo mo pa kong pinepeste? Leche. Dumating na nga ko sa point na asar na asar na ko sayo e. Ewan ko bat naging ganito. Nyeta.

Masaya naman ang kabuuan ng third year ko. At eto, para dun sa babae sa guidance office na ipinamumukha na walang pressure sa PSBA, “hi sayo!” at pinaparamdam niya talagang enjoy na enjoy siya. Oo, alam kong malaking bahagi ng populasyon ng AMV ang halos wala ng social life. Ibahin mo ko. Naeenjoy ko ang buhay ko. Sa sobrang enjoyment nga, e lumalagpak na ko. At para sa iyong kaalaman, hindi kaproud-proud sabihin na pumapasa ka ng walang kahirap-hirap. Victory is sweeter kapag pinaghirapan. Pag dinugo ka ng todo todo. At pag napaire ka hanggang wala ng lumabas na utot at pawis sa katawan mo. Yun ang matamis at masarap na pagpasa. nagsalita ang magaling…

Sabagay, dumaan din ako sa phase na gusto ko na lang ung easy victory. LEAKAGE! Wag na tayong maglokohan, sa mga tamad na tulad ko, masarap na biyaya talaga ang pagdating ng mensahe na puro numbers, at puro letters. Kung hindi mo nagets yung dumating sayong message, e idelete mo na lang at isiping na-wrong send yung kung sino man yon.

Pero nagsawa din ako sa leakage. NAKAKABOBO. Nakakabura ng dignidad. At nakakababa ng pagkatao. At siempre, idagdag na ang pagkatakot ko nung inakala kong maeexpel na ko. Pero hindi nangyare, dahil love ako ni Papa Jesus.

Ang haba, gusto ko lang sabihin dun sa babae, “Hindi ko kailangang lumipat ng PSBA para ienjoy ang college life ko, asshole. Masarap magenjoy habang nag-aaral sa University of Santo Tomas Alfredo M. Velayo-College of Accountancy.” Pero ngayon ko lang masasabi yan. Maaari din kasi akong masibak sa college ko. Hayy… aKDa talaga, you always want to learn it the hard way babe.

Ang weird, wala akong maramdaman. Hindi ako masyadong nage-enjoy. Hindi din ako masyadong nalulungkot. At lalong hindi ako naiiyak sa posibilidad na madedebar ako. Ewan ko. Walang akong pakiramdam. Siguro dahil sa mga pula pulang spots sa katawan ko na hindi naman daw chicken pox kundi allergy lang daw.

Anyway, sideways, madami namang nangyari sa taong to.

-Dio’s birthday to start off. Whoa. Wala lang. Sarap uminom! At nakilala ko ang kanyang high school friends niya, Jigs and the others. Na naging kainuman ko din.

-Nalipat ako ng section. Mula sa pagiging a2, naging a9 ako. Excuse me, hindi ibig sabihin non, e bobo ako kaya ako nasa 9, random yun. At dumami ang friends ko ng dahil don.

-GA ng JPIA. Ang saya. Kahit nakakahectic, nagdugo yung kuko ko dahil sa muntik na kong madupa* nung ayaw gumana yung audio namin, at kahit na muntik na kaming magaway-away, at kahit na nagcram kami ng sobra, okay naman. At nagenjoy ang lahat ng mamamayan ng a9.

-yosi buddies! jc, mushi, gian. mwah.

-bitches. shox and tin. mwahugs.

-Nakilala ko ang psych friends ni Jigs. At naging kainuman.

-talamak ang pagch-cheat ko. Umabot sa point na kadiri na siya. At nawalan ako ng dignidad.

-nakilala ko ang mga nakakatuwang nilalang ng a1. si gab, si juancho, si ram. etc.

-natanggap ko na ang rnb. Dati kasi, gay music ang tawag ko dun. E since nagkaron ako ng rnb friends na nagdala sakin sa mga bar na hindi ko maatim pasukin dati, ayun, ok na sakin ngayon. At tanggap ko na sila T.Pain, Timbaland, and the kind.

-naging friends kami ni Jaocian matapos akoing maging late lagi sa klase niya, at nagustuhan ko din ang Cost Accounting. Akshalli, favorite ko siya as of now.

-naging friends(?) din ata kami ni Rexie after kong sabihin sa kanyang nakakatamad ang klase niya kaya hindi ako pumapasok.

-naging crush ko si Sir Apollo, kasi partner yung pangalan namin. Haha. Joke. Hind, mabango daw kasi siya sabi ni Myla. O baka naman kasi lagi siyang tumatangu-tango. Parang may nerve  disorder. Hahaha.

-naging crush ko din pala lalo si ****. Hahaha.

Makalipas ang isang semestre, bumagsak ako ng accounting. Pero keri lang…

-Naging a12 na ko. Astig, evening sessions na. From 3pm to 7:30 ang pinakalate. Natuwa nga ako kasi kahit papano, naranasan ng katawan ko ang iba-ibang bugbog na dulot ng iba-ibang schedules. Naging morning kasi ako nung first and second year ko. Then mid nung 1st sem ng third year. At ngayon, evening na ko. Mga aswang na kami. Ang masaya lang dun, kahit anong oras pwedeng gumising, wag lang lalagpas ng alas tres yung gising mo, para hindi ka maminus-an ni Inoturan.

-nadagdag sa yosi buddies ko si bogs. at nabawas si gian at si mushi.

-nagbe-bake at nagbebenta na si kuya pao! sarap ng brownies! kumikitang kabuhayan!

-mas lalong naging talamak ang pandaraya ko. umabot na ko sa straight leakage. kadiri. nawalan ako ng respeto sa sarili ko.

-lalong lumala ang pag-absent ko. yung tipong mae-FA na talaga ako. At wala na kong natututunan. Ang resulta? Bagsak karamihan ng prelim grades ko. Nagising ako, at humabol ng finals. Turned out, hindi ko na kayang hatakin si Law2. Kaya ayun, lagpak na. Wala na kong magagawa, naencode na e. At wala na kong balak magmakaawa. Mahiya naman ako. Kasalanan ko naman yun. Konting pride para sa sarili.

-2 weeks bago magprelims. Inaral kong mabuti lahat ng dapat aralin. Natuto akong mag-lib, at naging paborito ko ang humanities section. Masungit kasi yung rumoronda don, kaya medyo tahimik kumpara sa Soc Sci. Oo, namiss ko yung ganitong feeling. Na pinaghihirapan ko talaga yung pag-aaral ko.

-Sa accounting, nawalan ako ng pride. Oo, nagcompare answers ako e, pero nagsolve pa din ako. Bastusan na. Para sa debarment to!

-bat ba kasi hindi nanalo yung Todo Landi na partido na Myla? Para sana wala ng debarment pa ngayon. hahaha.

-naasar ako ng bonggang-bongga sa mga kandidato. Asset? Lakasdiwa? Ewan ko. Pare-parehas lang sila, kung bakit? masyadong mahaba, magpopost na lang ako ng bago na tungkol lang don.

-dumami ang sleepovers dito sa condo.

-mas lalo akong naging gastador.

-mas lalo ko siyang minamahal. at umamin na ako sa kanya. WTF?! napaka-lowlife ko naman!!!

-nakarating ako ng UPLB na ang alam ng mga nilalang e nasa Espanya ako.

Ayan, ang haba na. Tinatamad na ko. At alam kong tinatamad ka na din magbasa. For more information, please contact the dean of the college of accountancy. Pakisabi, bigyan ako ng second chance, third chance, fourth chance, chance to infinity and beyond.

——————————-
*madupa – madulas + madapa

eHeads The Final Set Adventure

MOA Concert Grounds. 8pm. Eraserheads. The Final Set.

Kwento.. Kwento..

March 7, 2009. 1:45 in the morning.

Ate Tarah : Tal, may ticket si Knight sa eraserheads. sama ka? kaso, bronze nga lang.

aKDa : *naalimpungatan mula sa kanyang pagtulog* waaa! hindi ako makakasama! gagawa kami ng vb! asar!!!

Paggising ko ng 8am (late na para sa kanyang klase), akala ko, panaginip lang ang lahat. Aww. Paasa. Pero hindi true to life siya. Hahaha. Pero akala ko talaga hindi ako makakasama.

So, ayon, dahil maaga kaming umuwi dahil wala naman pala kaming accounting, na ikinatuwa ko at ikinainis ng ibang tao, nakauwi ako ng maaga pagtapos naming magbilyar nila JC at Bogs.

Pagdating sa bahay. Sabi ni Ate Tarah, 7 daw kasi yung bronze tickets ni Kuya Knight. Sayang daw yung iba. Basta ako, pinatos ko na kahit bronze. LIBRE E! Inimbayt ko pa yung isa kong friend,

aKDa : eheads concert mamya. 8pm. MOA concert grounds. sama ka? bronze nga lang ticket.

mariel : punta ko. silver kami.

HAHA. Pahiya ako. Sorry naman sa mga silver.

March 7. Around 7pm. Nagpapaikot-ikot kami sa MOA dahil ang hirap magpark. At ng makapag-park na sa may “No Parking” sign, sibat na kami. Sugod na!

Pagkakita namin sa bronze, pota uber sa kalayuan. Pero sige papatusin talaga kita bronze!! May apat pa kaming spare tickets at balak na lang naming ibenta. Pang-kain. Haha.

At ng marealize naming ayaw talaga namin sa bronze, ginawan naman ng paraan ng friend ni Kuya Knight. Ang nangyare? Ang bronze, nakapasok sa Silver A. LULS.

Ayan, naging crew pa kuno kami ng San Miguel. Haha. Mga delivery crew at technical crew daw yan e. hehehe.

Pero kiber lang namin.

Hindi masyadong laganap ang populasyon ng mga Jologs. Marahil ay dahil ito sa kamahalan ng tickets. Pero di maiiwasan ang panaka-nakang paglitaw ng mga Jologs. Siempre, meron namang mayayamang Jologs no. Meron pa ngang isa nung papunta na kami sa lugar kung san kami nag-park, merong Jologs na may hawak na banner, nakalagay, “Anti-Love” chorva. Kiber lang niya kung binabato na siya ng mga tao ng plastic bottles. Hahaha.

Bongga yung PAYERWORKS sa ending. Pero siempre, hindi kasing-bongga ng fireworks ng USTe pag paskuhan. Hahaha.

At oo. Scripted yung ending na yon. Sabi na e. Kasi, hindi pwedeng hindi nila tutugtugin ang Ligaya at Toyang. Ayun, nung ‘inakala’ naming tapos na, nadisappoint lang ako, dahil wala akong narinig na “sagutin mo lang ako aking sinta’y walang humpay na ligayaaaa…” E anuber, siempre, kelangan ko ng sumama kina Ate Tarah at Kuya Knight na lumabas. Or else maiiwan ako at gagastos pa ko ng pamasahe pauwi. Siempre dun na ko sa libreng sasakyan. LOL.

At nung nasa labas na kami. Saka sila bumalik para kuno sa kanilang three for the road. Ok fine. Nasa labas na kaya kami. Ampota. Anyway, ayun, nakisilip na lang kami sa labas.

Masaya naman. Lalo akong masaya kasi libre. At ang aking pagtitimpi sa yosi ay nawalan ng saysay dahil sa OA ang alikabok. Sige, bahala ng hindi makahinga. Pota.

Pahabol. Naingget ako sa mga nasa bleachers ng VIP. Tangina niyo. Hahahaha. PEACE!

NEXT STOP :
SAKAY NA! LOLS.

« Older entries