Compose Blog Entry

Natatanaw ko siya
Sa di kalayuan
Bakit di niya ko makita?
Kanina ko pa siya kinakawayan…Hindi niya ba talaga ko makita?
O talagang ayaw niya lang akong pansinin…

Galit ba siya?
Hindi ko matandaang nagkaroon kami ng pagtatalo…
Sa aking pagkakatanda, ilang linggo na ang nakalilipas mula nung huli kaming magtalo…
Malamang, di yun ang dahilan…

Kaway pa ko…
Habang lumalakbo* papalapit sayo…
Nakatingin ka naman sa direksyon ko
Pero bakit di mo ko pinapansin?
Parang ayoko na lumakbo** pa..
Nasasaktan na kase ko…

Ayan… Nakalapit na ko sayo…
Pero deadma ka pa din…
Ano ba?! Sinasadya mo ba to?
Nasasaktan na talaga ko…
Wag ka namang ganyan…

Tumabi ako sayo…
Tumingin ka sa malayo…
Di ka nagsasalita
Tumulo ang iyong luha…
Ramdam ko ang tindi ng emosyon na namamagitan sa ating dalawa

Magkatabi lang tayo…
Hawak mo ang larawan nating dalawa.
Ano? Anong balak mo?
Pupunitin mo yan?
Ayaw mo na ba talaga sakin?
Bat ka ba ganyan?
Labis mo kong sinasaktan?

Sumasakit ang dibdib ko…
Damang dama kong sinasaksak ang puso’t kaluluwa ko…
Pinilit kong magsalita
Ngunit di ko malaman kung bakit walang lumalabas sa bibig ko…

Inakbayan kita
Hinaplos ang iyong buhok…
Tumayo ka bigla..
Mas lalo pang dumagdag iyon sa sakit na kanina ko pa nadarama..
Bakit ba?
Bakit ba talaga?
———————————————————————————————–

Hawak ko ang ating larawan…
Kahapon ko pa to tinititigan…
Alam ko mukha na kong tanga
Pero masarap lang talagang tingnan yung magkasama tayong dalawa

Labis na kalungkutan ang nadarama ko ngayon
Nasasaktan akong makita ang larawan nating dalawa
Pero kahit na gayon
Mas pinili ko pa ding titigan ang papel kung saan naroon ang ating masasayang mga mukha

Ramdam kong andyan ka lang
Lagi mo kong babantayan
Kahit ngayon nakaupo lamang ako at nagmumuni-muni,
Pinipilit na alalahanin ang bawat sandaling tayo’y magkasama,
Ramdam ko, andyan ka lang…

Ang iyong mga titig…
Ang iyong pag-akbay sa akin
Ang nakakakiliti mong paghaplos ng buhok ko
Ramdam ko pa din yon…
Hanggang ngayon…

Habang naaalala ko yon, lalo akong nalulungkot
Lalong nasasaktan
Bakit?
Bakit mo ko iniwan?
Tumulo na naman ang luha ko…
Ikaw pa din ang dahilan…
Akala ko pa naman, tuluyan nang naubos ang luha ko…
Di pa pala…
Meron pang natira…
Ganyan naman palagi eh..
Basta para sayo, meron pa ding natitira…

Kaiba ka kasi…
Espesyal ka…

Ikaw kasi ang salarin..
Ikaw ang dapat na sisihin…
Pero wala ka na, pano pa kita aawayin…
Gusto kitang sapakin
Sampalin
Bugbugin
Wrestling-in
Tulad ng dati…
Nung di mo pa ko iniwan…
Alala mo pa ba?

Ang totoo…
Ngayon, gusto sana kitang yakapin…
Para maipadama ko sayo ang aking pagmamahal…
Pero wala na…
Huli na ang lahat…
Lagi na lang akong naiiwan..
Nagsisisi…

At ngayon, nadama ko na naman muli..
Kung paano maghinagpis ang mga taong iniiwan ng mga mahal nila sa buhay…
Ngayon, nadama ko ulit…
Ngayon lang ulit…
Sa iyong pagpanaw…