Ang mga susunod na karakter ay kathang-isip lamang, pero inihango sa tunay na buhay. Ang magreklamo sa mga na-assign na itsura sa kanila, panget…
Pictures courtesy of Sigrid…

Spartan
-ang taga-execute ng mga kagaguhan ng klase. Kung ikaw ay nalulumbay, at walang magawa sa buhay, titigan mo si Spartan, at tiyak problema’y mababawasan
-kaboses niya yung nag-dub sa TonTon ang Paghaharap
-magka-jamming kami sa kalokohan
-nung may HW sa accounting, galak na galak kami, kasi, pareho kami ng sagot, ang kaso, pareho nga yung sagot namin, parehong mali
-mukhang kriminal in real life
-okay lang sa kanyang tawagin ko siyang kriminal
-tuwang-tuwa siya nung may aksidente akong nasabi sa kanyang sikretong malupet. kung alam lang ng may-ari ng sikret, sigurado, tigok na ko ngayon at wala sana kayong nababasa ngayon, pero, hindi nalaman ng may-ari. hahaha.

Mainly Mental
-korni
-game lagi sa kahit anong kagaguhan
-feeling matalino
-korni
-feeling bobo
-korni
-tamad
-korni
mahilig sa kape
-korni
-makakalimutin
-korni
-epal
-korni

The Dangling Queen
-madami siyang dangling earrings
-prestigious lahat ( tipong, nanakawin talaga )
-matalino
-nakakatakot tumingin
-tahimik paminsan
-madaldal kadalasan
-madaling magsawa
-mahilig sa fries
-laging lowbatt ang cam
-malalim
-magaling magsulat
-masyadong organized yung laman ng bag niya
-barko yung tawag ko s bag niya
-profound.. hahaha…
-ayaw niya kay Christian Ethics
-um-absent ng accounting para lang makabili agad ng kopya ng HP7
-matalino talaga siya, wala na kong masasabi pa…

Pusa
-tulad ko, mahilig siya sa kape
-lapitin ng mga pusa
-mahilig din siya sa mga pusa
-kulot siya!!!!!!!
-minsan, pumopormang sophisticated, oh yeah!
-maganda boses
-mahilig kumanta
-napaos siya nung praktis ng pax
-natapon niya yung popcorn nung minsan kamng nagsine
-’fine dining’
-adik sa chicken steak
-adik sa sisig
-tamad din yan (senyorita kasi sa kanila eh)
-ragna addict!
-nag-violin siya dati, kaso, di na ata siya nagppraktis ngayon
-nabadtrip siya ng sobra nung narining niya yung spoiler ng HP7
-tamad siyang mag-explain ( sasabihin niya lang sayo lagi, ‘ah basta!’ )
-madami silang libro sa bahay, dun ako nanghihiram…
-nasakin pa yung kopya niya ng ‘Sophie’s World’

Heaven Sent
-good boy
-pinapagalitan ako pag nagmumura ako
-dadalhan niya daw ako ng bibliya
-naniwala siya nung sabi kong gagawa ako ng reviewer sa christian ethics, di tuloy siya nag-aral… tapos, wala akong ginawang reviewer… hahaha…
-friendly, lahat eh friend niya…
-nawasak na yung bumper ng sasakyan niya, pero dala pa din niya sa skul. ayos!
-maaga siya laging pumapasok, kase, nakikipag-agawan siya sa free parking space =P

Bunny
-sa kanya ako pinakanahirapan mag-isip nitong mga descriptions
-balak niyang magpakalbo
-pumayag agad siyang magpaskinhead nung sinabi ko, hayep!
-favorite nia ang yakult at hello panda (lolz)
-pag magkasama sila ni —, tawag ko sa kanya -cated
-mahilig siyang tumawa
-kung hindi pa mamatay kakatawa yung kausap niya, di niya pa alam na nagjoke na pala siya
-mahilig din siya sa hikaw, di nga lang dangling…
-ahh, nasa baguio yung ‘kinauukulan’ niya
-tambay ako sa dorm nila
-ginawa kong ashtray yung kama niya
-siya yung nagturo sakin ng mga kaartehan words
-pinapalo niya ko lagi, take note, siya lang nakakagawa nun… damn, di ko alam kung bakit di ko pa tapusin yung buhay niya eh.. haha, joke.
-math wiz… yeah!

Hardcore
-astig tong mamang ito
-matalino, pero hindi yung matalinong mukhang ‘uno’
-madami siyang alam… sa mga bagay bagay
-siya yung pinaka-bulgar sa lahat (porn, bisyo, name it!) hahaha…
-metal
-nagreklamo siya one tym, dahil na-lowbatt yung mp4 ng isang klasmeyt
-mahilig siya magbasa ng classic, nakakatakot, pero galing, nakakatuwa siya
-natawa ako sa rason niya dati kung bakit si m@r( yung lagi niyang inaasar
-pumapangalawa siya kay Spartan sa page-execute ng kalokohan
-feeling freshie siya nung first day namin sa klase
-siya yung unang nasabon ng aming accounting prof nung first meeting

Fortuneteller na mahilig tumili
- nang dahil sa kanya, nafrustrate ako, biruin mo, sinabihan niya kong mamamatay daw ako dahil sa ‘old age’. Hayss. Grabe. Binigay niya sa iba kong kaklase yung gusto kong kapalaran, yung ‘freak accident’ chorva.
- madami siyang bitbit na gamit everyday. ang tawag ko sa bag niya, submarine.
- di siya mapakali sa upuan niya
- mahilig siyang tumili… sa classroom, sa tambayan, sa field, at sa kaht anong public place pa. lalo na pag nagugulat siya
- madami siyang alam na english words. siya yung dictionary ko pag nabobobo na ko sa kaka-english
- Malapit niya na kong patayin, lagi kasing nadudulas ako sa mga sikreto niya.
- mabilis siya magsalita.
- siya yung tagapamigay ng chocolate nung dati.
- kakaiba yung inspirasyon niya pag nag-aaral siya sa accounting

TheMan
- hirap nitong lagyan ng descirption. Kung bakit? Tanungin niyo si Sigrid.
- favorite niyang kanta yung ‘Helena’. Pinapakanta sa kanya ng Prof, pero di niya kinanta, naman, kahit ako, di ko kakantahin yun, sana ABCD na lang…
- akalain mo bang gawing algebra ang accounting
- hindi ko alam kung totoo, o kunwari lang, yung pagiging friends nila ni M@r(
- matalino siya. grabe. nakakaelibs.
- laging nakamp3
- kungdi siya nakamp3, nagc-celfone siya
- todo deny siya nung natawa ako at tinuro ko yung naka-drawing na ‘winnie-the-pooh’ sa likod ng reviewer.. “Si Rico nagdrawing niyan…” Nagtaka tuloy ako, kung bawal ba mag-drawing ang mga lalake ng winnie the pooh… Bawal ba? Bawal ba?!
- barado siya sa prof namen sa stat nung first meeting
- madalas na late

Musikera
- active sa pax.
- ano ba? nagv-violin siya.. galing niya nga eh. napapanganga ako
- nung sinabi namin sa kanyang, “Para sa kanila kasi, maganda ang singkit..” Hala, nagbeautiful eyes ang bruha, at tuwang-tuwa talaga siya. Kitang-kita ko sa mga mata niya. Kinilig. Hahaha…
- kasama namin dati mag-lunch sa Almer’s, kaso, ngayon, di na siya masyadong suma-sama, madami daw siyang dates (gawa-gawa ko lang)
- siya yung may pinaka-reliable na notes, lalung-lalo na pagdating sa Finance
- di siya plastik. i like her.. ^_^

Bouncer
- boxer dati yung titulo niya, kaso, binago ng mga boys. Ayan, bouncer na lang.
- nang dahil sa kanya, nagsuot ako ng dress. Dress ampf! Imagine! Hahaha…
- malisyosa, siya yung nagturo sakin ng mga green na bagay. Tulad na lang nung time ng Theology last year, pati si Espino, pinagnasaan niya.
- kikay siya paminsan
-terorista to… lalo na pagdating sa buhok niya. bobombahin ka niya ng tanong kung ayos pa ba yung buhok niya, o kung magulo ba yung buhok niya. Whatiber na pwede niyang itanong tungkol sa kagandahan niya.
- gustung-gusto niyang magpanggap sa pictures na nag-aaral daw siya. Lagi siyang pumopose na kunwari, nagbabasa, or nagcocompute
- hindi din siya plastik. kaya magkasundo kami.
- magaling siya magbasketball, balita ko, natalo niya sila —–, —-, ——, at kung sinu-sino pa sa Quantum. Hahaha. Wow! Idol!
- Ginebra fan. Magkagalit kami pag PBA.
- fan ni Japs Cuan, Akalain mo yun, pinangalan niya sa aso niya (condolence), Jappy… Woohoo…
- naghihilik sa clasroom

Tahimik”DAW”
- tahimik yung dating niyan
- pero, matinik din yan kung humirit
- laging may katext
- pailalim kung mangbalahura
- pansin lang namin, laging namumula or something yung mata niya… di kaya nagddroga siya?
- kasama sa mga DOTA pipol
- dati siyang taga USTHS

Miss Universe
- di ko alam. pero, maganda siya, sexy, at talagang may ibubuga, pero, may something na mali sa kanya. hahaha… sori ah, bad ako.
- namimigay siya ng fudgee bar
- pang-Miss Universe yung mga sagot niya, di makakontra yung mga prof
- pag sumagot siya, kahit pa accounting yung tanong, masisingitan niya yan ng tungkol sa bibliya
-kabisado niya ang bibliya
- madalas siyang pagtawanan, kase, nakakatuwa siya. clown daw ba?! hinde, friendly lang talaga siya. hahaha
- kumpletos rekados yung bag niyan.
- minsan windang siya
- lagi niya kong binabati, tas lagi ko siyang binabara, pero friends kami. pramis.
- nagpalagay siya ng braces. idol niya ko eh
- lagi siyang binabara ni Bron nung first year

TheBrainiac
- tahimik siya DATI
- nayabangan ako sa kanya nuon, dahil sa kanyang SPAF proposal
- mabait na siya ngayon
- makulit nga lang
- very deep naman kung magsalita paminsan
- elibs ako sa sulat niya, ang landi kasi, parang yung mga sulat sa scrolls dati
- matalino siya
- grabe, matalino talaga siya
- epal din pala siya
- hindi ko alam kung manhid siya, pero minsan, sinabi ko sa kanya, tigilan niya ang pagpapa-epal, pero tuloy lang siya sa pagkanta at pagpapa-epal, wa epek ako, ok.
- isa ding HP addict
- composer ng ‘Epal Song’
- siya din yung nag-choreograph ng kanta niya

Playboy ang Acting
- sori, kahit kelan, di kami magkakasundo. pramis. pramis.
- madalas na source ng leakage
- may itsura sana, kaso, minsan, ahh, ahem ahem, may katangahan eh (sensya, that’s how i see it.. hahaha)
- nabadtrip ako sa kanila nuing groupwork sa computer
- may kayabangan
- ahh, rephrase, madaming kayabangan
- madami siyang girls (ayoko ipaliwanag kung bakit)
- bobo talaga siya paminsan

Subsuban
- subsuban talaga to kung mag-aral, walang patawad, nakakatakot
- pero lab na lab niya kami, nagu-unli pa yan, para lang sabihin samin na walang pasok, ano yung coverage ng exams/quizzes at kung anu-ano pang kelangan sa buhay
- nagdala siya dati ng bibingka saka kung anuman yung tawag dun sa isa pa niyang dala
- Bulakenya
- nalink siya sa isa sa mga nabanggit ko na sa itaas ^^
- masipag silang mag-aral nung mga katabi niya. pag pumunta ka sa lugar nila, nakakahiyang mag-ingay, kase, nag-aaral silang mabuti
- pag lumapit siya sayo, at may hawak siyang notebook at pen, maniningil siya. (photocopy ng syllabus, ng quizzes, ng assignments, at ng mukha ni Velayo)
- siya ang namamahala sa klase
- makulit din siya paminsan
- naiyak siya nung nabadtrip siya sa Finance.. Hahaha…
**For violent reactions, call the College of Toknenengpowers. Kung busy or walang sumasagot, just kill yourself…**