Si Berna o Si Bernard?

Eto ay sinulat ko habang nagsesenti ako sa saliw ng musika ng Kiko Machine at ni Gloc9. Haha. Tamang trip lang. ^_^

Si Kuya Bernard…

In-law… Cousin-in-law.

Actually, nung nasa stage pa lang siya ng panliligaw sa pinsan ko, na nung mga panahong iyon ay nakatira pa samin dati sa Pasay, at wala pa kong kamuwang-muwang sa mundo, isa siya sa mga pinakamabait na taong nakilala ko.

Sa totoo lang, mas nagging close pa kami kesa kami nung pinsan ko.

Ano bang nangyari sa kanya?

Terible.

Insecurity yung dahilan. Yun. Yun lang ang tumapos sa buhay niya. Kung ako’ng tatanungin, di nga lang siya niyari nung hayup niyang katrabaho, dinumihan pa yung pagkatao niya. Tsktsktsk.

Si Kuya Bernard…

fatherdaughter_1.jpg

…Gradeschool pa lang ako nung una ko siyang makilala.

…Siya yung unang grown-up na tinawag kong bading pero di siya nagalit. Imbes na nagalit siya, ngumiti siya sakin, tas sabi niya, “Ssh, sikret lang natin yun. Dati kasi, Berna yung pangalan ko, pinabago ko lang ginawa kong Bernard.” Eh ano bang malay ko? Bata pa ko at tanga pa lamang, siyempre naniwala ako. Mula noon, tinawag ko siyang Berna. And we became best friends.

…Siya yung isa sa mga taong tunay na nagmamalasakit sa pamilya ko, yung tatay ko in particular. Pag may lakad nga yung tatay ko, mago-offer pa yan, “Ah, anong oras yung lakad mo? Ipagmamaneho na kita…” Yun yun. Yung kahit may trabaho siya hanggang madaling araw at yung lakad ng tatay ko, e sa umaga, di siya nagaalangan na maglahad ng tulong. Lalo na kung medyo may kalayuan yun, pag nagkaganun nga, mas lalo pa niyang ipagpipilitan na siya na lang maghatid sa tatay ko. Para daw safe. Di tulad nung mga taong walang pake kung san man mapunta yung tatay ko, basta nakikinabang sila samin, hanggang dun lang. Sila yung KAPALMUKS sa buhay naming. Sila… yung mga kamag-anak namin. Nakakatawa.

…Siya at ang tatay ko ang dahilan kung bakit ako lumaking isang masiyahing bata. Ok fine. Sila din yung may kasalanan kung bakit ako korni ngayon. Sa kanila ko din nalaman kung paano ang tamang paraan ng page-enjoy.

Nakangiti ako habang tina-type ko to. Di ko alam. Masaya ako e. Teka, baka bigla akong dalawin nun. Madilim pa naman dito. Hehe.

Kuya : Sige, pahinga ka lang diyan. Ako na’ng bahala dito.

Sa ngayon, Masaya ako sa mga taong nakapaligid sakin. Sa bestfriend kong si Terri. Sa patuloy na pagikot ng bilog nating mundo, at sa pagiging maalat ng dagat.

Priceless?

Am I supposed to be happy?

When all I ever wanted

It comes with a price 

 -The Red Jumpsuit Apparatus

Cat and Mouse

 Sad, but true. Parang lahat ng bagay ngayon, pinepresuyahan na. Pati kaligayahan ng tao. Kasi naman, habang tumatagal ang panahon, lalong tumataas ang standards ng kaligayahan. You want to reach that certain happiness? Then sacrifice some.

 Pero, teka, mali. Sakripisyo? You let go of something else just to obtain the other one which you think will bring more happiness to you. Pero pano yung value nung ni-let go mo? Ganun na lang?

Trip to Pampanga

 

Nanay ko yan. Walang kupas. Pinapunta niya kong Pampanga, kahit di pa ko nakakarating dun ever, kasi, ako yung hinire niyang photographer. At dahil baka di ako makarating sa paroroonan ko, in-invite ko ang aking friend na si Terri na sa kasamaang palad, ay di pinayagang makasama.

Sinalubong naman nila ko sa San Fernando. And nakilala ko yung ilan sa mga officemates ng nanay ko. Si Ate Naching ( di ko sigurado kung ganyan yung spelling ), and si Kuya Tino ( a.k.a Papa Tins; ewan ko kung bakit ganito yung tawag sa kanya )

Na-OP ako siyempre, so, tulog mode ako sa sasakyan. Medyo nagliliwaliw na yung utak ko sa ibang dimensyon, nang may biglang tumawa ng malakas.

“Hahaha. Nakupow!”

Nananaginip na ata ako. Sige, sige, tuloy…

“Yan na nga bang sinasabi ko e..”

What the—. Rewind. Rewind.

Parang— Teka, teka, boses yun ni—

Para akong naligo sa kumukulong kape. Ganun yung feeling.

Anong ginawa ko? Matapos kong marinig ng paulit-ulit yung boses na yun? Siyempre, dumilat ako, nakangiti. Pero, nabura din agad yung ngiti kong iyon. Bakit?

Andun nga pala ako sa sasakyan ni Kuya Tino, siyempre, nasa likod kami, at habang tinititigan ko siya, at pinapakinggan yung sabay niyang pagkukwento at paghalakhal, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko.

Pumikit ulit ako. Nakangiti pa din. Tapos in-imagine ko, yung mga nakaraan. Nung siya yung nagmamaneho ng sasakyan. Tapos andami niyang kwento. Nakakamiss.

Hanggang makarating kami dun sa may dike, ganun lang yung ginawa ko. Nakapikit at nagmumuni-muni. Inaalala si Kuya Bernard. RIP

MindFreak

Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket

Gabi na. Di pa din ako makatulog. Epekto kasi ng masyadong pagkalulong sa kape. Tangina, ansarap mo kasi.

Bukas ng TV. Lipat. Lipat. MYX. MTV. MYX ulet. Discovery Channel. HBO. AXN. MTV. Te’muna, te’muna… Rewind. AXN? MindFreak? Ano to? Hmm, magic. Hehe. Sige. Mukhang interesante. Criss Angel… Hmmm. MindFreak? Hmm ulet…

Nakadalawang episode ako. Mga alas tres na nun. Di pa din ako mapakali. Di na dahil sa kape, kundi dahil kay Criss ( feeling close ).

Mind-buggling talaga. Can’t help but be amazed. Lalo na yung sabi niya, na gusto niyang lituhin ang mga tao, kung alin ang realidad at ilusyon. Wala lang. Naastigan kasi ako sa kanya.

Then, You Came…

I wasn’t bothered before

I don’t want to be bothered.

But you came.

I was glad… I still am… Really… Really glad…

Somewhere in this maze,

Something was filled

I don’t know what and where the heck that is

I just felt it

I want to know you

I want you to know me

But I started to build my own walls

Around my identity

Around myself

Around my soul

And around my heart

Fear

Why does such thing exist?

My lack of trust to myself

To everyone around me

And to you

I don’t know when this phenomenon started

But one day,

I just woke up and I felt… that… strange feeling…

That… You… You’ve become a part of me

That I’ve become a part of a mess I feared

Can’t explain further

Just understand

I know you’ll understand

Now, I do not have the slightest idea who you are

Why you’ve intruded my life

Why, suddenly, I assumed that we’re in the same reality as I thought

And why the fuck I let myself believed that there’s something out there?

For me… For you… For…

Us…

But I still have this desire to get to know you.

I don’t know where to place myself

How to act to certain situations like this

And I’ve been bugged with the very same question that’s been bugging me since the very first time I tried to confront my own feelings

Am I really someone to you?

Is this for real?

Am I for real?

And.. Why..

Why…

Why do I give a damn about you?

Bulag

Hindi ko pala masisi yung nandun sa never-ending list ng insensitive prototypes. Talaga palang may pagkakataong para kang sinaksakan ng isang balde ng anesthesia…Malala pa nga yung sakin. Seryosong topic kasi yun. Nambulabog na nga ko ng mga tao, kasi, gabi na yun naganap, magmamadaling-araw na. Pero may nagtiyaga pa ding mag-reply sakin. Tapos? Anong ginawa ko sa nilalang na nag-reply sakin? Ayun, winasak ko ang damdamin niya. Haha. Ang mean talaga! Pramis. At, di ko pa masyadong napansin na may kamalian pala akong nagawa. Isa siyang malaking kamalian. Niloko ko pa siya sa pagiging profound niya. And for that, sorry. Masyado akong nalunod sa pagkakasabit ko sa isang course. Hehe.

Ang insensitivity pala, tulad ng katangahan at kabobohan, eh hindi gumagana sa tamang oras…

–Bodyguard–

On Duty ako ngayong sembreak.

Tinanong ako nung nanay ko kung tama daw kaya yung ina-advice ko dun sa kapatid ko. Sa aking palagay naman, ayus lang yun. Medyo mukhang mali nga lang, pero alam ko namang matalino yung kapatid ko para malaman kung paano niya gagamitin yung mga advices ko sa kanya.

Narinig kasi kami ng nanay ko na nag-uusap kung ano yung gagawin niya dun sa mga kaaway / kaasaran niya sa school nila. Sabi ko, “Sa tingin mo ba, tama yung dahilan mo kung bakit ka nakikipag-away?” Sabi naman niya, Oo. So, sabi ng magaling na ate, “Hala! Bugbugin mo lahat ng haharang sayo. Pag alam mong tama ka, ok lang na awayin mo yung nang-aaway sayo.” Nawindang siguro siya sa sinabi ko. Binaha niya ko ng tanong pagtapos e.

Balik sa tanong nung nanay ko. Ayoko lang naman kasing ma-bully yung kapatid ko. Lalo na, mag-isa na lang siya dito. Natutuwa nga ako sa set-up ng pamilya namin e. Para kaming mga langaw, nagkalat sa suluk-sulok. Yung tatay ko, nasa kabilang panig ng mundo, si Inang Reyna, nasa Pampanga, ako, nasa Manila, si Loiki, nasa Nueva Vizcaya, at naiwan dito si Althea. Parang mga taeng nagkalat noh?

Sobrang ingay nga nitong bahay ngayong sembreak. Andito na naman kasi yung mga siraulo. Nagbalik. Nung simula, nauutus-utusan pa naming yung bunso kong kapatid, kasi, sabi niya, bisita daw niya kami. Kaso, napansin niya ata pagtagal-tagal, na nagiging yaya na namin siya. Haha. Ayos lang. Ansaya lang talaga pag magkakasama kami.

Kaya sabi ko sa nanay ko, “Ma, ayoko lang kawawain nila si Althea dito. Saka wala naman akong ibang maisip na sabihin kay Althea, kasi kung ako yung nasa lugar niya, yun yung gagawin ko. At least, may ideya siya. Dati kasi, nung bata ako, wala man lang nagbigay sakin ng ideya. Bale, nangangapa pa ko nun sa dilim, tingnan mo, sabog-sabog tuloy yung utak ko ngayon…” Di tuloy nakasagot yung nanay ko. Gusto ko pa sanang idugtong, “Saka di siya kasingbobo ko, iisipin niya muna yung mga sinabi ko.”

Then fade…

Yun Lang?

Anong trip mo ngayon..?

Wala naman. Sarap magmuni-muni…

Wow. Ansaya mo ngayon ah.

Ha? Hindi naman…

Wooshoo.. Eh bat pangiti-ngiti ka diyan?

Pangit-ngiti ba ko? Ikaw talaga, fanatic ka, lagi mo na lang naiimagine na nakangit ako…

Sows. Ako pa daw tong nagiimagine. Ano bang iniisip mo?

Wala. Labas lang ako. Ang ingay mo eh…

Ang korni nito. Kahit naman pumasok ka pa sa loob ng inidoro, maririnig mo pa din ako… Hahaha…

Ay. Onga noh. Hehehe. Tara, labas na lang tayo. Boring ditto sa loob.

Teka, titimpla lang akong kape. Malamig sa labas. Pampainit ba. Hehehe.

Sige. Sige…

 

Grr. Anlamig nga ditto sa labas. Di ako nagdala ng jacket.

Hehe. Buhos ko kaya tong kape ko sayo? Para naman mainitan ka.

Gago. Gusto kong mainitan. Pero di ko gustong malapnos yung balat ko.

Joke lang. Bat ka ba Masaya kanina? Sino ba yung nagtext sayo? Para ka ngang timang kanina e. Natuluyan ka nab a talaga?

–tahimik—

Well, di na ko magugulat kung nasiraan ka na nga talaga. Dati naman na kasing sira yang tuktok mo eh…

–tahimik—

Hmm… Buhay ka pa?

–tahimik pa din—

Wow. Tinulugan ako. Siraulo talaga to. Buhus ko kaya sa kanya tong kape? Kaya lang, siguradong ilulublob niya ko sa kanal pag ginawa ko yun… Hayss..

–beep—

Oohh. May nagtext. Uy, AKDA, may nagtext sayo… Wag mo nga kong tulugan…

–beep—

Hehe. Ayaw mo gumising ah. Mabasa nga kung sino yung nagtext sayo kanina, kaya tuwang-tuwa ka… Hehehe. Malalaman ko na din… Bwahahaha…

…Opening Folder…

Uy, galling kay Payi… Ano kayang sabi…? Hmmm…

Kita-kita next sem bani, akda… Pasado lahat! Akda! KFC! Hahaha…

Weh? Yun nay un? Ambabaw naman nito… Sows. Ayaw pa sabihin sakin… Eto lang pala. Arte…

Fear

I’m afraid. I really am…

The fear to submit my trust wholeheartedly to another human being…

It’s consuming me…

Seriously, I’ve never ever given my 100% to anyone. Not even to myself.

I seldom say things such as, “I trust you…” How powerful these words are. I wonder. I pity those who merely play with these words. They’re the most pathetic group of people…. And when the time comes that I tell somebody that I trust him/her, it’s not even close to 90%. 60%? 70%? 79%? Maybe.

Maybe, I should pity myself than those who don’t really mean what they say. Am I really that pathetic kind of person? Argh…

Paulo Coelho

“What made you fall in love with a prostitute?”"I didn’t understand it myself at the time. But I’ve thought about it since, and I think it was because, knowing that your body would never be mine alone, I had to concentrate on conquering your soul…”

——–

That’s how it always happened in films. At the last moment, when the woman is just about to board the plane, the man races up to her, and brings her back to his world, beneath the smiling**, indulgent** gaze of the flight staff. The words “The End” appear on the screen, and the audience knows that, from then on, they will live happily ever after.

“Films never tell you what happens next,” she thought, trying to console herself. Marriage, cooking, children**, ever** more infrequent sex, the discovery of the first note from his mistress, the decision to confront him, his promise that it will never happen again, the second note from another mistress, another confrontation and this time a threat to leave him, this time the man reacts less vehemently, and merely tells her that he loves her. The third note from a third mistress, and the decision to say nothing, to pretend that she knows nothing, because he might tell her that she doesn’t love her anymore and that she’s free lo leave.

No, films never show that. They finish before the real world begins.

-Eleven Minutes

**di ko sure kung yan ung mga exact words sa book ni Paulo (close kami ganon?), panget kasi yung notes ko. Hahaha…

Di ko makita yung notes ko dun sa The Alchemist. Pero. so far, eto pa lang yung mga librong sobrang nakaimpluwensya sa pananaw ko sa buhay.

Unang-una. Yung The Alchemist, sobrang nabadtrip ako sa librong to, pero natuwa at the same time. Before kasi, sobrang strong nung mga prinsipyo ko sa buhay. Pero nung nabasa ko siya, imagine, mga letra lang siya sa papel, pero winasak niya yung mga prinsipyo kong iyon. Kahit yung mga matalik kong kaibigan, hindi nila nabaluktot yung mga prinsipyo kong iyon. Pero, ang hina ko pala, kasi, isang libro lang ang wawasak sa kanila. Haha.
Sa Eleven Minutes, sobrang dami ko ding natutunan. Woohoo… Basahin niyo din, para matuto kayo. Hahaha. Silang dalawa na siguro yung mga pinakamatino kong binasang libro sa buhay ko. Hahaha.

Ang pinakanakakatuwa kong natutunan, kahit anong gawin mo, ang pagmamahal, nagde-depreciate, parang building, bahay, equipments. Ganun. Ang desire, kasama din yang ni pareng pagmamahal, nagde-depreciate din yan. Lahat sa mundo, nagdedepreciate. Yun. Tapos. Kaya, pag sinabi ng tao sayo, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sayo. Aba’y patayin mo na siya.

Meet dhestiny

Haha! Oo nga noh? Yung love… Diko talaga magets…Mas trip ko pang malunod sa colt45 kesa sa LOVE…- Terri the Great Philosopher

Eto, ang walang kwenta kong pagsasalaysay ng pag-init ng ulo ng mga tao kanina. Walang kwenta. Ang magalit, wala ding kwenta.

Muntik-muntikan ko ng bahain ng mura yung mama kanina. Itago natin siya sa pangalang dhestiny. Ayoko kasi sa lahat ng klase ng hangin, eh yung maangas ang dating. And so, the war begins, sabi ko, “Pare, ang angas ah…” Gusto ko pa ngang idugtong, “Bisita ka lang ah…” Bilis umakyat ng dugo ko. Pero, dahil si Dave, eh isa ding siraulong di kumakain ng kahit anong seafood, na di pa niya nagegets na gusto ko na talagang sapakin yung mamang si dhestiny, joke pa din siya. Ayun, joke pa din amf. Ngunit, napansin ko lang, na di lang ako yung nag-iinit yung dugo.. Oh come on, si Maria, este, si Terri, ang unang nagpasabog. Haha. Hulaan ko, di siya nakapagyosi ng matagal-tagal, kaya umusok na yung ilong niya sa sobrang pagtitimpi. Haha.

Nung ako na sana yung sasagot kay dhestiny, bigla dumaan sa isip ko si Lou, hehe, naalala ko… So, kinausap ko yung sarili ko, “AKDA, calm down… Breathe in, breathe out…” Sinabi ko na lang sa kanya, “Pare, ayokong magkalat dito, tatahimik na lang ako…” At, sinubukan kong pakalmahin yung kakambal kong gago na si Terri. Sana lang, di ko na makabangga ever sa mundong ito yung mamang si dhestiny. Wala akong masabi… Kahit akala ko, si Louie Angelo Cirpriano na ang pinakamahangin na nilalang sa mundong earth, nasira yung paniniwala kong iyon, at nakilala ko si dhestiny. Tsktsktsk. Dagdag ka na nga pala sa Most Anoying Person of My Life List, na nakasulat sa likod ng kalendaryo kong kasinggulo ng mga basura sa ilog, kasingdumi ng swelas ng sapatos ni Batman, at kasingliit ng kukote ni dhestiny.

Bat andaming siraulo sa mundo? Pati yung YM ko, siraulo din. Tapos, nakilala ko pa yung boyfriend ni Lou na si dhestiny? Damn higads… Hahaha. Tapos, siraulo din ung nagttype. Isama mo pa sa bilang yung kapitbahay nila, saka yung ginataang alimasag.

Sorry Lou. Peace! ^_^

« Previous entries