Isa’t kalahating dangkal na beses ng tinatalakay ang isyu tungkol sa paglamon ni Eba at Adan ng mansanas. Di niyo pa ba sila napapatawad? Aba’y parang awa niyo na, patawarin niyo na ang mga nagdurusang kaluluwa ng ating mga ninuno.
Tulad ng aking natuklasan, ang tao, di talaga nito ibubunton ang sisi sa mga kaguluhang nangyayari sa paligid niya. Kitams, hanggang ngayon, di pa din tayo makaget-over dun nga sa isyu ni Eba at Adan. Deym!
Sa tatlong Theology professors na aking naka-engkwentro, dalawa sa kanila ang may mga katangi-tanging(?) pag-uugali. Ginatungan pa ng dalawa kong kaibigan. May namumuo tuloy na teorya sa utak ni akda. Ngunit, ako’y magsasaliksik muna sa bagay na iyan.
Ayon… Balik sa Theology professors, pareho silang malinis (nagmamalinis?). Ako’y talagang nababagabag sa mga pinagsasasabi nila tuwing may klase. At si Theology prof code number2 ay pinupuna pa ang page-eyeliner ko. Napaka big deal para sa kanya na maglagay ako ng eyeliner. At ginawa niya itong dahilan para tawagin ako sa recitation. Nyemas talaga oo. Pag ika’y minamalas nga naman at napagttripan ng mga hinayupak na propesor. At sa kadahilanang sila ay nagmamalinis, ganun-ganun na lang kung kilatisin nila at lait-laitin ang mga taong nagkasala. (sorry naman, ako’y tinamaan kanina eh noh.. “Crazy noh”? Crazy daw amp!)
Si Theology prof code number1, eh mejo napatawad ko na sana siya ng konti. Akala ko ba naman kasi, eh di ko na siya makakasalubong sa USTe ever! Eh dahil nga ako’y pinanganak na malas, siya pa yung napiling mainterview namin para dun sa documentary namin. Kamusta naman yon?! Nung nageffort-effort-an ako para dun sa isang paper, eh natawa siya, kasi, kami daw naman eh talagang mababait na bata at talagang nag-effort pa. Ako’y napikon. At napagdesisyunan na wag na magpasa ng mga kung anu-anong kaechosan na pinapagawa niya samin. At, ako’y nandito pa din. Di niya ko binagsak. In fact, mataas pa yung grade ko sa kanya. Haha. Damn! And dakilang manghuhula ng grades.
Si Theology prof code number2, eh talagang kakaibang nilalang. Makikipagplastikan siya sayo hanggang kaya niya. Nakangiti siya, pero damang-dama mo ang pagiging sarkastiko niya. At isipin mo pang, ako’y lumapit sa kanya ng nakangiti, at talaga namang itinago ko ang kademonyohan kong ugali nung mga oras na yon, para lang kausapin siya ng mabuti. Kaya lang, di umepek, galit ata siya dun sa naging isyu na nagkamali ng date dun sa mga presentations, kaya di niya ko pinagbigyan (ano namang kinalaman ko dun?!). Gusto ko na nga sana siyang ipasok dun sa windows sa laptop kanina. Muntik muntikan na talaga, kaso lang, naka-white siya eh.(?)
Mabuti pa si Theology prof code number3. Kahit feeling close siya kay akda, at least, di niya pa naman napapainit yung ulo ko. And so far, bukod dun sa insidenteng hindi pumunta si akda sa concert dati para magreview para sa quiz niya na hindi naman natuloy, eh wala pa naman siyang kasalanan sakin. Hanggang kelan ba tayo may subject na Theology?!?! Ha?!? Kelan ba?!?! Kelan matatapos ang pagpapahirap ng mga minor subjects na to!? Na feel na feel nilang kainin yung oras natin?! At pagtapos, eh ganun ganun na lang?!
Balik tayo dun sa mansanas (commercial lang yung tungkol sa mga propesor). At sa talking serpent. So, diba nga daw, tinukso nung malanding talking serpent si Eba na kainin yung mansanas, Matagal na din akong nababagabag kung bakit, unang-una, eh nandun yung mansanas? Bakit ba kasi nilagay dun yung taeng mansanas? Or better, yung fruit of the tree of knowledge of good and evil. Bakit ba kasi may ganung puno dun sa paraiso ni Adan at ni Eba? Linshak naman kasi. Ayan tuloy, napahamak ang sangkatauhan.



Ipinaskil ni boyberde noong Hunyo 13, 2009 bandang 9:30 umaga
kaya nilagay ang fruit of tree of knowledge of good and evil kc po gusto ni god n itest kung susunod sila kay god. remember that the best gift of god he gave was our will, ryt. so ang tao ngaun ang pipili ng gusto nyang gawin, the same sa ginawa ni eve. eto nmn si adan e sumunod din aman. so in summary, god great that tree to test the humans will.
Ipinaskil ni aKDa noong Hunyo 20, 2009 bandang 5:10 hapon
yeah. i know that. but what i meant was, baket pa niya kelangang itest ang mga tao, kung sia nga mismo ang nagbigay ng free will. dapat bahala na tayo diba?
pero sa mga panahong to, nasagot ko na ang mga tanong na yan. ^_^ thanks for reading!