Gabi na. Di pa din ako makatulog. Epekto kasi ng masyadong pagkalulong sa kape. Tangina, ansarap mo kasi.
Bukas ng TV. Lipat. Lipat. MYX. MTV. MYX ulet. Discovery Channel. HBO. AXN. MTV. Te’muna, te’muna… Rewind. AXN? MindFreak? Ano to? Hmm, magic. Hehe. Sige. Mukhang interesante. Criss Angel… Hmmm. MindFreak? Hmm ulet…
Nakadalawang episode ako. Mga alas tres na nun. Di pa din ako mapakali. Di na dahil sa kape, kundi dahil kay Criss ( feeling close ).
Mind-buggling talaga. Can’t help but be amazed. Lalo na yung sabi niya, na gusto niyang lituhin ang mga tao, kung alin ang realidad at ilusyon. Wala lang. Naastigan kasi ako sa kanya.







Ipinaskil ni Paurong noong Nobyembre 1, 2007 bandang 1:58 hapon
si criss angel. magaling siya… magaling manloko. nalilinlang ang ating realidad dahil sa kanyang liksi at husay. magaling. lahat na yata ng tricks niya napanood ko na. ang hindi ko lang talaga malapatan ng paliwanag ay ang pagkakahati ng dun sa babaeng naka-green. mindfreak freaks the mind. agree.
Ipinaskil ni aKDa noong Nobyembre 1, 2007 bandang 3:00 hapon
oo… pero superb pa din sakin, ung lumakad siya sa walls… ^^ ewan ko lang… ehehe… nawiwindang ako…