Count the hints, you stupid asshole…

How many times have I hinted you?

…hinted you with these feelings of mine for you

 

The whole damn world knows,

…how idiotic I can get

…how hypocrite I am

 

Majority of stupid people like me are afraid of the same thing: REJECTION

WHAT about me?

I may be afraid of the same damn thing

But what I fear the most is not rejection…

…but the fear of acceptance

…opposite of rejection

 

I am so damn afraid of accepting,

Even to my own stupid self…

…how much I like one person

 

The fear of submission…

…submitting myself to another entity

Maybe it is the same as your fear of rejection

…just slightly different

But it may be the same thing…

That’s how stupid I can get…

 

I hate the very fact of admitting to myself that I too, am prone to situations involving tha matters of this motherfuckin’ organ they call the heart…

That’s the most difficult thing for me to do…

To accept that I do like one person… That I do care for one person…

One stupid individual who landed this earth just to make me realize that I have the capability of ‘serious liking’…

To dig deeper in to my capablity…

…my capability of falling into the stupid pit of death of LOVE

Ayoko Sila

Ayokong kausap yung mga taong egocentric.

Sino bang may gusto?

Ayokong nakakarinig ng taong nagyayabang. Kahit di ako yung kausap niya.

Sino bang may gusto?

Ayokong makipag-usap sa mga taong tanga magpakaplastik. Yung hindi kayang galingan yung pagpapakaplastik nila.

Sino bang may gusto?

Ayokong makipagdiskusyon sa mga taeng makikitid ang utak. Lalo na kung wala silang alam sa mga pinagsasasabi nila. At lalung-lalo na kung di naman nila mapanindigan yung mga pinagdadadakdak nila.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausapin, at lalung-lalo na ang makipagbati sa mga malditang iyakin. Di ako nadadala ng iyak ng mga maarteng tao sa mundo. Bato ang puso ko. Kahit hingalin at mamatay ka na kakangawa, walang epek sakin yan. Tulungan pa kitang maiyak.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausapin yung mga taong nabalitaan kong bina-backstab ako. Tangina mo.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausap yung mga taong feeling nila (di lang nila feel, pinagpipilitan talaga nila) na may gusto ako sa kanila. Tanda ko, madalas ako makipagsuntukan nung grade school dahil dito.

Sino bang may gusto?

At pinakaayaw ko ng kausapin, yung kaibigan ko, na nagpakaplastik saki, at nagpanggap na isang mabuting tae, pero lahat ay isa lamang palabas.

We’re so done… Being friends…

Angsarap nilang pasakan ng isang trak ng basahan sa bunganga, ipasok sa sako, isabit ng patiwarik sa puno ng mangga sa gilid sapa, bambuhin ng sandaang beses gamit ang dos por dos, at saka ipasok sa tambutso.

Got Somethin’ to Say?

Hmm… Madami na naman akong gustong sabihin. Ginawa ko na nga yung tulad dun sa Hard Love> Yung letter chorva. Eh kamusta naman? Eto, puno na ng unissued letters tong notebook ko. Wish ko lang, mapabasa ko to sa mga nais kong pagsabihian ng mga messages ko. Pero as usual, bading na naman ako…

1. May mga bagay-bagay na masarap ipaglaban. Pero sana, alam niyo kung hanggang san niyo ko patatamaan. Wag niyong personalin ang mga bagay na di dapat pinepersonal. Matatanda na tayo. Konting respeto lang sa ating kapwa tao.

2. Hanggang ngayon, naluloungkot pa din ako. At nalilito. Kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon ang mga bagay-bagay. Kung bakit ang inakala kong laro, nagiging delikadong habulan at taguan na ngayon.

3. Mahirap talagang paniwalaan na may mga taong matitino pa sa mundo. At napatunayan ko yun kani-kanina lang. Isa kang mapagpanggap na nilalang. Mapanlinalang. May bahid ng kataranraduhan ang mga bagay na ginagawa mo. Natakot akong bigla sayo. At napaisip ako, kung yun bang mga alin pa sa mga pinapakita mo sakin ang totoo. Mas mabuti palang makilala mo muna yung mga negatives ng isang tao. Tas mas maappreciate mo kung gaano siya kaprofound. Kesa naman sayo. Tinakpan mo ng mapanlinlang mong kabaitan yung kasamaang dapat kong makita. Dalawang taon na tayong naglolokohan bilang magkaibigan. Ansakit. Tinapalan mo ng kaplastikan yung mga dapat kong makita. Ngayon alam ko na… Nag-ibang bigla yung tingin ko sayo. At napapaisip na din ako kung dapat pa ba akong makitungo ng mabuti sayo. Sa kabila ng mga kalokohang napag-alaman ko. And guess what? Na-unveil ko lang ang pagkatao mo, dahil sa isang girl. Wala e. Mala-imbestigador kami. Shoot. Sabog ka. Huli na kung anong pagkatao nga ang meron ka. Mabuti pa yung mga nakilala kong gago, at least, unti-unti kong nakikilala, yung kalaliman niya. Na sa kabila ng kabalastugan niya, totoong pagkatao naman niya yung iniharap niya sakin. Ikaw? Plastik ka. Pero hanga ako sayo. Isa kang magaling na plastik. Kumbinsido nga kami sa pagiging totoo mong kaibigan samin. Pakyu! I so hate you.

4. Oi, you wanna know something? Meron AKONG organisasyon. Para sayo to! Na-touch ka naman… Pinaghirapan naming pag-isipan kung anong pangalan nung organisasyon namin. Hmm. Post ko kaya dito? Ok. Anti-Aloy Movement. The A-squared-Movement. Baket? Yabang mo kasi. Ay sori, napost ko yung pangalan. Patay, buko na yung organisasyon natin.

5. Tuwing may bakante akong oras. Bigla ka na lang dumadalaw sa utak ko. Ewan ko ba. Pero, sobrang nililito mo lang ako. Anlabo mo kasi. Ako? Madali lang akong kausap. I say what I want. Bat ikaw? Di mo ba kayang sabihin kung ano lang talaga yung gusto mo? Tumapang ka naman kahit ilang segundo lang. Para malinawan ako kahit na konti. Tell me if the game’s over. Kung tapos na ba tong chapter na to sa buhay ko. Kung nasang page na ba ako. Baka nasa glossary  na pala ako, di ko pa alam. Sabihin mo kasi sakin. Kasi talagang litung-lito na ko. Para naman alam ko kung pwede na kong lumipat sa next page, next chapter, next book of life. Nakakapagod din kasing mag-abang. Nakakapagod maghintay. Nakakapagod umasa. Lalo na kung mahina ang kapit. Nakakapagod talaga.

6. Sorry kung nakakadagdag pa ko sa deppression mo. Wala kasi akong alam sa bagay na yan. Wala akong mai-advice sayo. Pero salamat. Nakilala ko tuloy ang totoong pagkatao niya. Na gago pala talaga siya. Thanks.

Kahit Ibulong Mo Lang Sa Hangin

Kaya kong maging indifferent…

Maging totoong tao…

Yun yung buong akala ko.

Pero nagpakaplastik ako.

Nakipaglokohan ako sa sarili ko

Tangina. Niloloko ko ang sarili ko.

Hanggang ngayon. Habang sinusulat ko to.

Sumasabog na yung kalooban ko.

Nasasaktan ako.

At…

Nalulungkot.

Sana, nararamdaman mo din.

Kung paano mabasag yung lahat ng inaakala mong totoo.

Kung paano lumitaw ng biglaan sa harapan mo ang realidad.

Hindi lang ikaw ang nakukulong.

Ako din.

Wag mong solohin ang mga kagaguhan dito sa mundo.

Apektado din ako.

Sabihin mo na sa akin.

Naiiniip na ako…

…Sa paghihintay

…Sa pag-aabang

…Sa palagi mong pagpapa-asa sa akin

…Sa panghuhula kung ano nga ba ang totoong tumatakbo sa utak mo

…Sa pagkapraning kung naglolokohan lang ba tayo…

Malapit na ako sa pintuan.

Pero di ko makitang mabuti kung san to papunta

Di ko pa sigurado kung gusto ko nga bang makita kung ano yung nasa likod ng pintuang yaon.

Kung naglolokohan lang tayo,

Tigilan na natin’to.

Sabhin mo sakin.

Para naman alam ko

Para hindi ako mukhang tanga.

Kahit ibulong mo lang sa hangin.

Digging Deeper

Nitong mga huling araw, sinisilip ko ang sarili ko. Kinikilalang mabuti kung sino nga ba si aKDa, at kung sino nga ba ang hindi si aKDa.

Dalawang beses akong nilapitan ni kamatayan ngayong linggong ito.

1. Sa loob ng USTe. Tumawid naman ako sa pedestrian lane. To think na sa loob ng eskwelahan yun, pero may mga taong gago na singbilis ng kidlat kung magmaneho. May nagpa-parade pa naman nung oras na yun. Tas sasagasaan niya ko? Pakyu! Ulul! Papatayin mo kong hinayupak ka? Hindi pa pala ako handang mamatay na naka-uniform. Sayang. Pi-picture-an ko sana yung sasakyan. Tas ipopost ko sa buong university. Lalagyan ko ng BEWARE sign. Kaso, di ko nailabas agad yung camera. Buong akala ko, ok na akong mawala sa mundo. Wala naman kasing saysay yung buhay ko (drama mode ang lintek!). I mean, tinatamad na ako sa buhay ko. Wala man lang twist and turn like we did last summer, yea! Hala! Kumanta! Pero, naisip ko bigla nun, nung muntik na kong masagasaan, na ayoko pa palang mamatay. Gusto ko pang gumraduate. Saka, balak ko, kahit isang beses, mapapunta ko naman yung nanay ko sa Auditorium pag Students’ Recognition. Kahit isang beses lang. Isa lang. Once is enough. ^_^

2. Sa Lacson. Muntik na kong banggain ng isang kulay blue na motorsiklo. Natakot ako. Akala ko, this is it na. Nakakatakot din pala si kamatayan. Di pa pala ako handa para sa ganung bagay. Mahina pa din pala ang loob ko. May kinatatakutan pa din pala ako kahit papano.

Nabadtrip ako sa college week namin. Ansarap kasi sanang magparticipate, kaso, masyadong immature yung mga taong nakakabangga ko nung panahong yaon. Ok fine.

Di ko prayoridad ang maghanap ng lifetime partner. Full time partner. Part time partner. O kung ano man. Di ko pa trip yun as of now. Kung may dumating, ok fine, you are so welcome. Pero, di ko alam kung pano ihandle ang mga ganyang bagay. Abnormal kasi ako. Kumbaga, di yan yung field of expertise ko. Meron ba kong field of expertise? LOL. Nasa stage pa lang ako kung saan naghahanap ako ng isang lifetime kaibigan.

I want to grow up. But I don’t want to grow old.

Mayabang lang ako. Pero naduduwag din ako paminsan.

Unable to Remember

I can’t remember being this afraid

Have I really been afraid like this?

The fear of losing someone I treasure.

I can’t remember.

There’s nothing to remember.

Why does it have to lead us to this path?

Just when we thought everything was going fine and smooth

This rough road comes along

Damn this thing called destiny

Damn us, people who believe in destiny

And damn you for making me feel the fear of losing someone important to me

For being so important to me

Damnation

Then, stupidty follows. I can’t even think straight now.

I can’t even dare crack one foolish joke to think everything’s fine

I can’t give enough reasons to laugh when I know, we both know, there’s danger ahead.

It’s a long road, yes, I understand.

Still, it frightens me.

It does… Frighten me…

Bagong Tasa

Yea. Nagpagupit ako. And so? Masama ba yun?

Wala lang. Daming nag-react eh. Hahaha.

Sige, i-reak mo yan. (Mga reaksyon ng mga tao…)

terri - ayos pala ang bangs eh
haifa - tol!!!! ngpagupit ka!!!!!!hahahah
wahaha!! ang cute!!haha (damn! it’s cute! magpapa-skinhead na ko!)

pero ito ang panalo… pinakamalupit!

mylabanana - PUTRIS KA! (dapat ba kong matuwa sa pambungad niyang pananalita?)
nagpagupit ang lokaaaaaaaa
wahaw nagulat ako mehn!!
bagay naman e (gusto ko sanang maniwala na galing sa puso niya to)
wala naman akong sinasabing masama ah (wala din akong sinabing may sinabi siyang masama
hhahaha
nagulat lang tlga ako, mehn.
sorry tlga ah, wait kailangan ko lng tlgang ireact e
deyaaaaammmm!!!!
NAGULAT TALAGA AKO. (hindi halata… knina ka pa nga nagugulat ng paulit-ulit pare)
hyuuuuuuuuuuuuuu….
ok na ko.
so
kelan ka nagpagupit? saan? ok last na tlga yan. (haha. di tlga siya makaget-over… grabe)

Insensitivity

Eto yung bagong kabaklaang naisip ng kaibigan ko para ilabas ang galit niya sa mundo… Hehehe… Kung ako sayo, wag ka ng magpakita sa kanya sa KFC, lalo na’t mauuntog ka lang naman sa mga etchos na nakasabit sa ceiling…And the cycle begins…

Insensitive (Cycle 1) - Sigrid

How sad that the world is full of insensitive people…

Sa araw-araw na ginawa ng Diyos…hindi pa pumapaltos na hindi ako makaka-encounter ng taong insensitive…

Iba-iba sila…Meron kakilala ko…Sa loob ng classroom…Sa pagbaba ng hagdan sa may multi-level carpark…Sa university…Pero walang tatalo sa mga insensitive na tao na nasa kfc…Kung gusto mo daw mamakyaw ng mga taong insensitive pumunta ka lang ng kfc dun sa mall-carpark-amv building…(tumpak!)

Bakit ko ba sinusulat ito…Aksaya sa space sa mundo…Naman kasi…Nabanas ako sa mga taong insensitive…

Insensitive Prototype no. 1 — Uwian. Maraming gagamit ng hagdan…Maglalakad siya ng pagkabagal-bagal as if having all the time in the world…as if pag-aari ang buong espasyo ng hagdan. Malala pa…nakikipag-usap ‘yan…at take note…titigil yan at titingin sa kausap niyang nasa likod…(peste!)

Insensitive Prototype no. 2 — Kumakain kayo ng mga kasama mo. Sarap na sarap ka sa pagkain mo…Susubo ka na nga lang…Tapos biglang me magtatanong kung matagal pa ba kayo…Implied sa tanong niya na “pwedeng pakibilisan”…Kumakain kayo ha…Oo at maraming tao…pero kumakain pa nga kayo eh…kaunting konsiderasyon man lang…

Insensitive Prototype no. 3 — Kabaliktaran naman ito nung prototype no. 2… Wala nang upuan…Wala na din silang pagkain…Nagchichikahan na lang sila ng mga bagay na iniisip nilang me kwenta…Nagparamdam na kayo at lahat…Wala pa rin talab! Dense sila… Sobrang dense…

Insensitive Prototype no. 4 — Di ko alam pero medyo lapitin ako ng mga taong ganito…ewan ko lang sa inyo… Sila yung mga taong tipong nakikinig ka pa lang sa sinasabi ng prof. eh nagtatanong na sa’yo…Kinukulit ka as if ang prinoproblema niya ay between life and death…at as if…obligasyon mong turuan siya…(kapal!)

Insensitive Prototype no. 5 — Yung mga taong nakikisawsaw sa mga pinaghirapan mo… Halimbawa na lang ang mga problems sa accounting…inaabot-abot ka ng 30 minutes masagutan lang ng matino ang isang problem…tapos kokopyahin lang niya…at as if close kayo ha…O kaya yung kopya mo ng nstp na prinint-screen mo at inayos-ayos mo pa…para lang maging matinong black and white siya…ipapaphotocopy lang niya ng ganun-ganun?!…pakshet! buti sana kung close kami…ok lang…buti sana kung mabait siya o kaya siya yung tipo nang tao na magaan ang loob mo…pero hindi eh…siya yung tipo ng tao na mabigat ang dugo mo…(parasite, manhid, self-centered)

Insensitive Prototype no. 6 — Kumakain ka…Last bite mo na…Tapos bigla na lang niyang sasabihin…”Pwedeng akin na lang ‘yan?” ?!?!—shet! Yung tipong…Ibibigay mo na lang yung pagkain mo sa sobrang inis…

Insensitive Prototype no. 7 — Kalabit ng kalabit sa’yo habang computer…hindi mo pa sigurado yung pinag-gagagawa mo…Nagpapaturo na din…parang yung prototype no. 4…pero mas malupit ‘tong isang ‘to…Sinabi mo na ngang…hindi ka sure dun sa tinuro mo sa kanya…pag-mali ka…pariringgan at patatamaan ka pa niya…

Insensitive Prototype no. 8 — Yung mga taong ganito…nakakaawa…kapansin-pansin na ngang ayaw nung mga tao sa ugali niya…pero…go…pa din siya…pinagpapatuloy pa din niya ang mga nakakairitang gawain niya…Mga kaibigan niya…kung kaibigan nga niya talaga sila…binabara siya…kadalasan tampulan siya nung mga awkward moments…dahilan pagmesinasabi siya…hindi naman talaga nakakatuwa..tsaka…awkward nga…

Insensitive Prototype no. 9 — Wala nang nakikinig sa klase niya…Nagcucut na nga yung iba…pero hindi siya nagtsetsek ng attendance…Naninindak pa siya…as if kasindak-sindak siya…Hindi man lang niya mapansin na hindi tama ang teaching skills at strategies niya…hindi niya rin iniisip na sayang lang ang binabayad na tuition fee ng mga magulang ng mga estudyante niya…hindi rin niya iniisip na inaaksaya lang niya ang mga oras ng kabataang pinipilit niya sindakin… Wala siyang hiya…sa kanyang sarili…

Insensitive Prototype no. 10 — Magkwekwento ka sa kanya…gagamitin mo ‘yung phrase na “meron kasi akong friend”…tapos kwento ka naman…makikinig naman siya…huhulaan niya pa kung sino yung friend mong iyon…dense yun pare…dense yun…

Marami pang ibang klase ng insensitive na pipol sa mundo…Alangan naman na aksayahin ko ang buong magdamag…sa paglilista sa kanila…’yan lang ang ilan sa mga prototypes na madalas makabangga ng mundo ko…Hindi ko sinasabing hindi ako insensitive…ano ako?!…may lapses din ako…prone to human error..pero at least aware naman ako sa actions ko…I try my best to be not insensitive…Kasi naman…karamihan sa mga prototypes na nakasaad sa itaas ay mga kolehiyo na…yung isa nga…gurang na…dapat naman me katiting nang sensitivity sa mga katawan nila…

Insensitive (Cycle 2) - Sigrid

Insensitive Prototype No. 11 - Busina. Mga taong busina nang busina. Pag traffic…hindi ko alam bakit sila bumubusina ng ganun…as if naman yung lakas at dami ng bilang ng busina nila ay makapagpagalaw ng mga sasakyang nasa harap nila. >Ang alam ko…you only honk to make your presence known…< Tapos meron pa dyan yung mga mamang jeepney driver…busina nang busina pag red yung traffic light…takte…gusto lang nilang makakuha ng pasahero…bubusinahan ka pa nila…parang hindi nila alam na marunong ka namang magbasa…bakit kung ung dyip pupunta ng cubao tapos ikaw pupunta ng fairview…mapipilit ka ba nung busina niyang sumakay dun sa dyip niya…nakakainis…di ba nila alam na nakakainsulto yung binubusinahan ng ganun…

Insensitive Prototype No. 12 - Nagkwekwento ka…Animated pa ang pagkwekwento mo…gayang-gaya mo na nga yung mismong mga bagay na nagtranspire dun sa kwinekwento mo sa galing mong mag-project…actually me mga kasama ka ding nagkwekwento sa kanya…tapos me biglang kumalabit sa kanya…kinausap naman niya…ayos lang…tapos….sa kasamaang palaad…di ka na niya binalikan….much worse…sinabihan mo na ngang ibang level ang insensitivity niya nang araw na ‘yun…di pa rin niya alam kung bakit siya naging insensitive…

Insensitive Prototype No. 13 - Nag-uusap ng tungkol sa Harry Potter 7…kahit mismong kinabukasan na ‘yung launching nung libro…Ipagmayabang ba na alam na yung mangyayari?! INSENSITIVE!!! paano naman yung mga matagal nang hinihintay yung libro…at gustong ma-enjoy ‘to? Insensitive…takte…lalo na yung mga nakabasa na ng libro talaga…at pinangangalandakan sa buong mundo ang mga nangyari…peste…meron ding iba…na kahit hindi pa nababasa yung libro talaga…nagmamayabang na alam na nila yung nangyari…takte…

Insensitive Prototype No. 14 - inis na inis ka na dahil sa mga prototype no. 13…tapos ‘yung isang kaibigan mo pinipilit ka pang bumili ng chocolate…sasabihin niya pang…hayaan mo na ‘yun…Tapos yung isa mo pang kaibigan…kunwari may pakialam pero ang totoo mas concern pa siya dun sa pagkopya sa math homework mo…Na saan ang sensitivity sa mundo kapag kailangan mo…

Insensitive Prototype No. 15 - ‘to graduate na siya…wala nang balikan…summa-cum laude pa siya ‘tol…INSENSITIVE personified…pinatigil mo na siya…sinabihan mo na ng…”Isang malaking palaisipan para sa akin kung bakit epal si *****?”…wala pa din…tuloy pa din sa pagkanta ng mga sobrang ewan na kanta… sinabihan mo na…”na maging sensitive ka naman kahit kaunti…” wala pa din…hay…grabe siya…ikaw mismo sa sarili mo…susuko ka na lang sa sobrang tindi ng insensitivity niya…

Insensitive Prototype No. 16 - Kanina ka pa naghihintay sa mga kaibigan mo sa labas ng classroom…pero ang tagal pa din nilang lumabas….nakita ka na nga nilang naghihintay…eh…ang bagal pa din nilang maglakad…wala namang obstacles…sa me platform pa nga dumaan eh…pero wala pa din…ang bagal…talaga…

Insensitive Prototype No. 17 - Pinag-uusapan na nga na ikaw yung Prototype no. 16…hindi mo pa din naiintindihan…na ikaw nga yun…tsk….malala ‘to pare…tsk tsk…

Insensitive Prototype No. 18 - Me nahulog ‘yung classmate mo…eh marami siyang hawak….itong isang ‘to naman na malapit sa kanya…na nakatayo lang…hindi mo pa pinulot…tsk tsk…pagsinabihan ka pa…idadahilan mo na meron ka ding hawak….tsk tsk…insensitive na nga…irreasonable…pa…hala….

At mga one week ago, may nadagdag dito…

Insensitive (Cycle 3) - AKDA

Insensitive Prototype No. 19 - Sila yung mga taong pakialamera ng mga kagamitang personal tulad na lamang ng selpon. At pagtapos mong makitang binulatlat niya pala yung inbox mo, (na di mo naman lubos maisip na magagawa niya) may lakas ng loob pa siyang sabihin sayong, “Wag kang mahiya, okay lang yun..” Haha! To think na siya yung dapat mahiya sayo, kasi, in the first place, di naman kayo close, at kaya mo lang alam na nage-exist siya, eh dahil classmate mo siya. Bukod dun, wala kayong special something, at di mo man lang kayo matatawag na friends.

Insensitive Prototype No. 20 - Pababa ka na ng dyip, medyo nagmamadali ka na, kasi gusto mo ng harapin yung Naruto, bigla ka pang sasalubungin ng isang magandang dilag na sa sobrang kagandahan niya, eh feeling niya, sa kanya ang buong dyip, nagkauntugan na kayo’t lahat, wala siyang naging reaksiyon, at parang gusto mo na siyang ihulog sa dyip nung mga oras na yon.

Insensitive Prototype No. 21 - Eto yung mga fanatic ng UAAP. Walang sense ang kanilang pagiging fanatic. Nasa dyip ulit kayo, di tulad ng dati, wala ng nakapintang UST sa mga pagmumukha niyo, kaya di nila malalamang taga-UST ka, pagtapos talunin ng school nila yung school niyo, kung anu-anong parinig at di-makatotohanang reviews yung ipapamahagi nila. Nanalo na nga sila diba? Wag ng balahurain pa yung players ng iabgn school. Syadap na!

Insensitive Prototype No. 22 - Sila yung mga model type. Pang commercial ng shampoo. Sa sobrang haba ng hair nila, hindi man lang nila naisip na ayusing mabuti. Yung tipong pag nasa harapan mo siya sa dyip, pinapakain nya sayo yung mga hibla ng buhok niya. Ganun siya katindi.

Insensitive Prototype No. 23 - Eto yung magpapaschedule sayo. Ie-expect mo, na darating siya, kukunin niya na yung inaamag na form, at makikihalubilo siya sa inyo. Pero, kahit ilang beses mo pa siyang kulitin, eh ayaw niyang sumipot, kasi, it’s either, taong bahay siya, may di sinasadyang date ang lola niya, or may sipon yung aso nila. Well, natuto na kami ni Teri, wala ng intayan, basta, enjoy lang. Ang motto namin, “Ang nangi-injan, panget…”

Insensitive Prototype No. 24 - Eto yung feeling señorito sa KFC. Lahat ng kelangan niya, eh inuutos niya sa waiter. Kulang na lang, magpasubo siya sa waiter. Nakakarindi pakinggan, lalo na kung nasa likod mo siya. Gugustuhin mo na lang na isalpak sa maingay niyang bunganga yung kinakain mong chicken steak.

Hanggang saan aabot ang listahang ito..?

I-torrid mo yang mukha mo

*********** *****: basta kiss ako ha.. kahit isa lang.. sa lips
Serial Killer: sa lips..? nung kasama ko.. ..
Serial Killer: sasama ko si pining.. **
*********** *****: ikaw ikikiss ko sa lips
*********** *****: torrid kissing kahit mga 5 minutes lang akda
Serial Killer: kung wala kang mapagtripan,… magbilang ka ng buhok mo sa ilong… ok?

Ewan ko sa inyo ah, pero ako, ayokong kiakausap ako ng ganito. Putangina. Ayoko talaga. As in.

Kung naghahanap ka ng kalaplapan mo, di ka na lang pumulot ng babae mo? Sa Quezon Ave, madami dun, ipipili pa kita.

Punyeta talaga.

Pero hindi ko sinabi yon. Damn. Anong sinabi ko? Magbilang ka ng buhok sa ilong. Tangina. Why can’t I say na nainis ako? Wala. So damn stupid.

Orayt. Enough. I’m just making a big fuss about this.

Gusto ko lang sabihin, na sana, wag niyo kong kausapin sa ganitong paraan. Please. Wag. Ok? Ok.

End of conversation.

The Fallen Angel

pict0095.jpg

I was given away. But I do not hold even the slightest grudge against them. I know you need me more than anyone else. My light. My guidance. It did not even occur to me that you just continue to keep me because of my aesthetic beauty. Nevertheless, i still feel important.

 

For how many years, we’ve been together. But this exceptionally enticing moment, I felt fear. Strange isn’t it? Why should I feel fear when everything is in perfect place. You’re standing there. I’m sittin’ here. Nothing’s new. So why is this strange force driving me to go paranoid.

Then everything was still…

And in just an instant, you made me understand everything. In just that short stupid instance, you broke me. Flashes of our memories spent together. Places we’ve travelled. Stories you told me. You broke me. With just one stupid moment.

_______________________________________________________

Alternative title : Ang Nabasag na figurine ni Althea nung November 01, 2007. Hahaha.