Eto yung bagong kabaklaang naisip ng kaibigan ko para ilabas ang galit niya sa mundo… Hehehe… Kung ako sayo, wag ka ng magpakita sa kanya sa KFC, lalo na’t mauuntog ka lang naman sa mga etchos na nakasabit sa ceiling…And the cycle begins…
Insensitive (Cycle 1) – Sigrid
How sad that the world is full of insensitive people…
Sa araw-araw na ginawa ng Diyos…hindi pa pumapaltos na hindi ako makaka-encounter ng taong insensitive…
Iba-iba sila…Meron kakilala ko…Sa loob ng classroom…Sa pagbaba ng hagdan sa may multi-level carpark…Sa university…Pero walang tatalo sa mga insensitive na tao na nasa kfc…Kung gusto mo daw mamakyaw ng mga taong insensitive pumunta ka lang ng kfc dun sa mall-carpark-amv building…(tumpak!)
Bakit ko ba sinusulat ito…Aksaya sa space sa mundo…Naman kasi…Nabanas ako sa mga taong insensitive…
Insensitive Prototype no. 1 — Uwian. Maraming gagamit ng hagdan…Maglalakad siya ng pagkabagal-bagal as if having all the time in the world…as if pag-aari ang buong espasyo ng hagdan. Malala pa…nakikipag-usap ‘yan…at take note…titigil yan at titingin sa kausap niyang nasa likod…(peste!)
Insensitive Prototype no. 2 — Kumakain kayo ng mga kasama mo. Sarap na sarap ka sa pagkain mo…Susubo ka na nga lang…Tapos biglang me magtatanong kung matagal pa ba kayo…Implied sa tanong niya na “pwedeng pakibilisan”…Kumakain kayo ha…Oo at maraming tao…pero kumakain pa nga kayo eh…kaunting konsiderasyon man lang…
Insensitive Prototype no. 3 — Kabaliktaran naman ito nung prototype no. 2… Wala nang upuan…Wala na din silang pagkain…Nagchichikahan na lang sila ng mga bagay na iniisip nilang me kwenta…Nagparamdam na kayo at lahat…Wala pa rin talab! Dense sila… Sobrang dense…
Insensitive Prototype no. 4 — Di ko alam pero medyo lapitin ako ng mga taong ganito…ewan ko lang sa inyo… Sila yung mga taong tipong nakikinig ka pa lang sa sinasabi ng prof. eh nagtatanong na sa’yo…Kinukulit ka as if ang prinoproblema niya ay between life and death…at as if…obligasyon mong turuan siya…(kapal!)
Insensitive Prototype no. 5 — Yung mga taong nakikisawsaw sa mga pinaghirapan mo… Halimbawa na lang ang mga problems sa accounting…inaabot-abot ka ng 30 minutes masagutan lang ng matino ang isang problem…tapos kokopyahin lang niya…at as if close kayo ha…O kaya yung kopya mo ng nstp na prinint-screen mo at inayos-ayos mo pa…para lang maging matinong black and white siya…ipapaphotocopy lang niya ng ganun-ganun?!…pakshet! buti sana kung close kami…ok lang…buti sana kung mabait siya o kaya siya yung tipo nang tao na magaan ang loob mo…pero hindi eh…siya yung tipo ng tao na mabigat ang dugo mo…(parasite, manhid, self-centered)
Insensitive Prototype no. 6 — Kumakain ka…Last bite mo na…Tapos bigla na lang niyang sasabihin…”Pwedeng akin na lang ‘yan?” ?!?!—shet! Yung tipong…Ibibigay mo na lang yung pagkain mo sa sobrang inis…
Insensitive Prototype no. 7 — Kalabit ng kalabit sa’yo habang computer…hindi mo pa sigurado yung pinag-gagagawa mo…Nagpapaturo na din…parang yung prototype no. 4…pero mas malupit ‘tong isang ‘to…Sinabi mo na ngang…hindi ka sure dun sa tinuro mo sa kanya…pag-mali ka…pariringgan at patatamaan ka pa niya…
Insensitive Prototype no. 8 — Yung mga taong ganito…nakakaawa…kapansin-pansin na ngang ayaw nung mga tao sa ugali niya…pero…go…pa din siya…pinagpapatuloy pa din niya ang mga nakakairitang gawain niya…Mga kaibigan niya…kung kaibigan nga niya talaga sila…binabara siya…kadalasan tampulan siya nung mga awkward moments…dahilan pagmesinasabi siya…hindi naman talaga nakakatuwa..tsaka…awkward nga…
Insensitive Prototype no. 9 — Wala nang nakikinig sa klase niya…Nagcucut na nga yung iba…pero hindi siya nagtsetsek ng attendance…Naninindak pa siya…as if kasindak-sindak siya…Hindi man lang niya mapansin na hindi tama ang teaching skills at strategies niya…hindi niya rin iniisip na sayang lang ang binabayad na tuition fee ng mga magulang ng mga estudyante niya…hindi rin niya iniisip na inaaksaya lang niya ang mga oras ng kabataang pinipilit niya sindakin… Wala siyang hiya…sa kanyang sarili…
Insensitive Prototype no. 10 — Magkwekwento ka sa kanya…gagamitin mo ‘yung phrase na “meron kasi akong friend”…tapos kwento ka naman…makikinig naman siya…huhulaan niya pa kung sino yung friend mong iyon…dense yun pare…dense yun…
Marami pang ibang klase ng insensitive na pipol sa mundo…Alangan naman na aksayahin ko ang buong magdamag…sa paglilista sa kanila…’yan lang ang ilan sa mga prototypes na madalas makabangga ng mundo ko…Hindi ko sinasabing hindi ako insensitive…ano ako?!…may lapses din ako…prone to human error..pero at least aware naman ako sa actions ko…I try my best to be not insensitive…Kasi naman…karamihan sa mga prototypes na nakasaad sa itaas ay mga kolehiyo na…yung isa nga…gurang na…dapat naman me katiting nang sensitivity sa mga katawan nila…
Insensitive (Cycle 2) – Sigrid
Insensitive Prototype No. 11 – Busina. Mga taong busina nang busina. Pag traffic…hindi ko alam bakit sila bumubusina ng ganun…as if naman yung lakas at dami ng bilang ng busina nila ay makapagpagalaw ng mga sasakyang nasa harap nila. >Ang alam ko…you only honk to make your presence known…< Tapos meron pa dyan yung mga mamang jeepney driver…busina nang busina pag red yung traffic light…takte…gusto lang nilang makakuha ng pasahero…bubusinahan ka pa nila…parang hindi nila alam na marunong ka namang magbasa…bakit kung ung dyip pupunta ng cubao tapos ikaw pupunta ng fairview…mapipilit ka ba nung busina niyang sumakay dun sa dyip niya…nakakainis…di ba nila alam na nakakainsulto yung binubusinahan ng ganun…
Insensitive Prototype No. 12 – Nagkwekwento ka…Animated pa ang pagkwekwento mo…gayang-gaya mo na nga yung mismong mga bagay na nagtranspire dun sa kwinekwento mo sa galing mong mag-project…actually me mga kasama ka ding nagkwekwento sa kanya…tapos me biglang kumalabit sa kanya…kinausap naman niya…ayos lang…tapos….sa kasamaang palaad…di ka na niya binalikan….much worse…sinabihan mo na ngang ibang level ang insensitivity niya nang araw na ‘yun…di pa rin niya alam kung bakit siya naging insensitive…
Insensitive Prototype No. 13 – Nag-uusap ng tungkol sa Harry Potter 7…kahit mismong kinabukasan na ‘yung launching nung libro…Ipagmayabang ba na alam na yung mangyayari?! INSENSITIVE!!! paano naman yung mga matagal nang hinihintay yung libro…at gustong ma-enjoy ‘to? Insensitive…takte…lalo na yung mga nakabasa na ng libro talaga…at pinangangalandakan sa buong mundo ang mga nangyari…peste…meron ding iba…na kahit hindi pa nababasa yung libro talaga…nagmamayabang na alam na nila yung nangyari…takte…
Insensitive Prototype No. 14 – inis na inis ka na dahil sa mga prototype no. 13…tapos ‘yung isang kaibigan mo pinipilit ka pang bumili ng chocolate…sasabihin niya pang…hayaan mo na ‘yun…Tapos yung isa mo pang kaibigan…kunwari may pakialam pero ang totoo mas concern pa siya dun sa pagkopya sa math homework mo…Na saan ang sensitivity sa mundo kapag kailangan mo…
Insensitive Prototype No. 15 – ‘to graduate na siya…wala nang balikan…summa-cum laude pa siya ‘tol…INSENSITIVE personified…pinatigil mo na siya…sinabihan mo na ng…”Isang malaking palaisipan para sa akin kung bakit epal si *****?”…wala pa din…tuloy pa din sa pagkanta ng mga sobrang ewan na kanta… sinabihan mo na…”na maging sensitive ka naman kahit kaunti…” wala pa din…hay…grabe siya…ikaw mismo sa sarili mo…susuko ka na lang sa sobrang tindi ng insensitivity niya…
Insensitive Prototype No. 16 – Kanina ka pa naghihintay sa mga kaibigan mo sa labas ng classroom…pero ang tagal pa din nilang lumabas….nakita ka na nga nilang naghihintay…eh…ang bagal pa din nilang maglakad…wala namang obstacles…sa me platform pa nga dumaan eh…pero wala pa din…ang bagal…talaga…
Insensitive Prototype No. 17 – Pinag-uusapan na nga na ikaw yung Prototype no. 16…hindi mo pa din naiintindihan…na ikaw nga yun…tsk….malala ‘to pare…tsk tsk…
Insensitive Prototype No. 18 – Me nahulog ‘yung classmate mo…eh marami siyang hawak….itong isang ‘to naman na malapit sa kanya…na nakatayo lang…hindi mo pa pinulot…tsk tsk…pagsinabihan ka pa…idadahilan mo na meron ka ding hawak….tsk tsk…insensitive na nga…irreasonable…pa…hala….
At mga one week ago, may nadagdag dito…
Insensitive (Cycle 3) – AKDA
Insensitive Prototype No. 19 – Sila yung mga taong pakialamera ng mga kagamitang personal tulad na lamang ng selpon. At pagtapos mong makitang binulatlat niya pala yung inbox mo, (na di mo naman lubos maisip na magagawa niya) may lakas ng loob pa siyang sabihin sayong, “Wag kang mahiya, okay lang yun..” Haha! To think na siya yung dapat mahiya sayo, kasi, in the first place, di naman kayo close, at kaya mo lang alam na nage-exist siya, eh dahil classmate mo siya. Bukod dun, wala kayong special something, at di mo man lang kayo matatawag na friends.
Insensitive Prototype No. 20 – Pababa ka na ng dyip, medyo nagmamadali ka na, kasi gusto mo ng harapin yung Naruto, bigla ka pang sasalubungin ng isang magandang dilag na sa sobrang kagandahan niya, eh feeling niya, sa kanya ang buong dyip, nagkauntugan na kayo’t lahat, wala siyang naging reaksiyon, at parang gusto mo na siyang ihulog sa dyip nung mga oras na yon.
Insensitive Prototype No. 21 – Eto yung mga fanatic ng UAAP. Walang sense ang kanilang pagiging fanatic. Nasa dyip ulit kayo, di tulad ng dati, wala ng nakapintang UST sa mga pagmumukha niyo, kaya di nila malalamang taga-UST ka, pagtapos talunin ng school nila yung school niyo, kung anu-anong parinig at di-makatotohanang reviews yung ipapamahagi nila. Nanalo na nga sila diba? Wag ng balahurain pa yung players ng iabgn school. Syadap na!
Insensitive Prototype No. 22 – Sila yung mga model type. Pang commercial ng shampoo. Sa sobrang haba ng hair nila, hindi man lang nila naisip na ayusing mabuti. Yung tipong pag nasa harapan mo siya sa dyip, pinapakain nya sayo yung mga hibla ng buhok niya. Ganun siya katindi.
Insensitive Prototype No. 23 – Eto yung magpapaschedule sayo. Ie-expect mo, na darating siya, kukunin niya na yung inaamag na form, at makikihalubilo siya sa inyo. Pero, kahit ilang beses mo pa siyang kulitin, eh ayaw niyang sumipot, kasi, it’s either, taong bahay siya, may di sinasadyang date ang lola niya, or may sipon yung aso nila. Well, natuto na kami ni Teri, wala ng intayan, basta, enjoy lang. Ang motto namin, “Ang nangi-injan, panget…”
Insensitive Prototype No. 24 – Eto yung feeling señorito sa KFC. Lahat ng kelangan niya, eh inuutos niya sa waiter. Kulang na lang, magpasubo siya sa waiter. Nakakarindi pakinggan, lalo na kung nasa likod mo siya. Gugustuhin mo na lang na isalpak sa maingay niyang bunganga yung kinakain mong chicken steak.
Hanggang saan aabot ang listahang ito..?








