October 07, 2007. Friday. 08:00 - 15:00
Reklamo Number 1 : Kulang ako sa tulog. Ang hirap ng quiz sa accounting. Eto, reklamo ko lang sa sarili ko, kasi, mahihirapan ka talaga, lalo na sa mga katulad kong bobo. Punyeta, parang tinatasa yung utak ko kanina.
Reklamo Number 2 : Gaano ba kainsensitive ang isang tao? Nagpalipat na nga ako ng group, tatanungin niya pa ko, “Bat ka nagpalipat? Ayaw mo ba samin?” I told him, “Hindi naman…” –Hindi naman kayo yung ayaw ko, IKAW lang naman… At di pa siya nakuntento dun, lumapit pa ulet siya saken pagtapos ng LIT102, at saka sinabing, “Hi Athina!”… Wooo~~! Pumapapel ampf. Hindi ko talaga siya kayang plastikin, kaya tinalikuran ko na lang siya.
Reklamo Number 3 : 12 ang last class mo for the day. May ni-set na appointment ng 1. Ok lang yun. At naman, garantisado pang on-time ang mga tao, dahil may karampatang parusa daw ang sinomang male-late or di a-attend. Dahil pumunta pa kami kay Ma’am Inoturan, at na-trap pa ng Angelus, nabawasan na yung oras ko for lunch.
A : Tara guys, burger na lang tayo… Yumm! Solb na sa burger na lunch!
Teka, nayoyosi ako,
A : —-tara muna sa overpass, wala pa naman.
& : Wag na, 10 mins na lang before 1.
A : Ok. Sige. Wag na.
Alam mo naman ako. Di na mapakali. Di kasi nakahithit. Heniway, later na lang…
Badtrip… Ala-una na. Wala pang ibang tae kundi kami. Badtrip na ko. Ginatungan pa ng hinayupak na walang backbone na si Louie yung mga reklamo ko, “Oo, tama yun…”
C : Eh wala naman tayong magagawa. Sila naman ang masusunod. Di naman natin sila kayang labanan.
A : Aba! Kung ayaw niyo, ako na lang magsasabi sa kanila.
JENJEREREN….!!!!
Dumating na po ang mga panauhing pandangal.
A : ( pumatong pa sa ibabaw ng bench, para magpapansin, dahil nais na talagang mailabas ang mga hinanaing niya…) Naman! 7 lang kaming dumating ng 1. Late na yung iba… May bayad diba? BLAH BLAH BLAH BLAH….
Bigla naman akong napatigil. Sana man lang kasi, respeto lang. Nagpapansin na nga ako, at sinabing “MAY SASABIHIN AKO!!” Pero wala, si Franz lang ang napansing kong nakinig sakin. MADERPAKER! Nakakabanas! Sobra…! Well, sino ba naman kasi ako? Maliit lang naman yung role ko sa putangenang play na to. At sa technicals committee lang naman ako! Ano namang importansya para pakinggan ako. Kung ipinamukha ko nga kay Louie na kahit major role yung sa kanya, madali lang siyang palitan, ano pang ibubuga ko? Nyeta…
Kuha ng paper and pen, sinulat ang mga nais sabihin, pinasa kay Dio, at nag-walkout na ko. Tangina. Bastusan pala. Ako, pinipilit ko ng maki-socialize sa ibang parte ng klaseng to. Para naman hindi ako makulong sa circle of friends ko. Anyway, let us proceed to the next one…
Reklamo Number 4 : Manong! Gusto ko pang makarating ng buhay sa patutunguhan ko! Jeep tong nasakyan ko diba? Hindi naman to ambulansya? Ayt?…
Reklamo Number 5 : Nahulog yung yosi ko. From 7th floor, nasa bubong na siya sa 2nd floor. Yung lighter ko, nilunok na ata ng mga pare kong daga. Demmit.
Reklamo Number 6 : Tumawag si Amang Hari. Anong nangyari sa putanginang selpon? Lowbatt. Inutil talaga amp.
Reklamo Number 7 : May gagong naglalaro ng doorbell sa unit namin. Sarap niyang gilitan ng leeg.