Dati

Noon…


Masaya tayo…

Di ko alintana pag madaming kaguluhan sa paligid

Panatag na ko na ikaw ang kasama ko

Masaya tayo…

Kahit madaming kontrabida sa relasyon natin

Deadma lang

Mahal kasi kita

Masaya tayo…

Tanggap ko kung sino ka

Kahit pa sangkatutak na bisyo ang meron ka

Ni minsan, di kita sinubukang pigilan

Kasi, nakilala na kitang ganyan

Kasi, minahal kitang ganyan

Wala akong balak baguhin ka

Mahal ko at tanggap ko kung sino ka pa

Masaya tayo…

Tanggap mo din kung ano ako ( yun yung akala ko )

Sumasama ka sa group studies namin

Sa kung anu-anong researches ko

Ang alam ko, sinabi pa minsan ng iyong katropa na nagiging nerd ka na din

Masaya tayo…

Opposites…

Pero swak na swak sa isa’t-isa

Parang magnet ang dating

Masaya tayo…

Minsan sinama mo pa ko sa ‘session’ niyo

Di ako tumanggi

Parte yan ng buhay mo

At gusto ko ding maging parte ng buhay mo

Masaya tayo…

Kahit na nagkaroon din ako ng bisyo dahil sayo

Tinuruan mo ko ng mga bagay na I classify as ‘bad’

Pero nung ikaw nagturo sakin, they’re not bad anymore

Kasi… Ikaw yun…

Masaya tayo…

Kahit pa nagkaroon ako ng bagsak na subjects,

Di na din ako DL.

Yung scholarship ko, wala na

Yung mga pangarap ko, unti-unti ko silang iniwan

Yung mga ginagawa ko dati, wala na

Ang sarili kong barkada, wala na

Di ko pa napapansin,

Unti-unti mo na pala akong binabago

Unti-unti, hinuhubog mo ako sa kung sino ang gusto mong maging ako,

At hindi sa kung sino ako…

Pero, mas mahal mo kung sino yung gusto mong maging ako, kesa sa kung sino ako

Ayos lang, mahal kasi kita…

Wala akong pakelam

Feel na feel ko pang magrebelde noon nung pinalayas ako sa bahay dahil sayo…

Sinamahan mo ko…

Naglakbay tayo sa sarili nating mundo

Oo, ayos lang saken lahat…

Di ko inalintana ang kaguluhan na nangyayari sa buhay ko

Kahit nawalan ng direksyon ang buhay ko

Ayos lang

Mahal kasi kita eh

Natuto akong uminom,

Lunurin ang mga problema sa tulong ng serbesa

Yan ang linyang gamit mo

Akala ko dati, ginagamit lang yan ng mga duwag

Pero nung ikaw nagsabi sakin niyan

Iba na naman ang dating saken.

Ramdam ko ang katapangan sa paginom

Kahit pa sa likod ng utak ko,

May bumubulong, na duwag ako,

At tinatakasan ko lang ang mga problema ko

Natuto akong tumira ng weeds

Natuto akong pumormang rebelde

Natuto ako ng mga salitang kanto

Natuto akong magmura

Pati ata Diyos, namura ko na..

Natuto akong ‘ang eskwela ay para lamang sa mga taong walang kwenta’

At matagal-tagal akong nasa ganoong estado ng buhay…

Pero, ayos lang ulet… Tangina… mahal kasi kita eh…

Si… Sino na nga yon?

Yung babaeng inuwi mo sa bahay?

Na pinakilala mong mas mahal mo kesa sakin?

Pasensya ka na.. Nalimot ko pangalan niya eh..

Basta siya..

Siya, na harap-harapan mong sinampal sa akin

Na nakahanap ka na ng bagong mamahalin

Ng bagong babaguhin…

Mas maporma siya sakin…

Mas magaling siyang tumoma kesa sakin…

Mas adik siya kesa sakin…

Mas maganda siya kesa sakin…

Mas seksi siya kesa sakin…

Mas nasasakyan niya ang trip ng barkada mo…

Mas marunong siya sa lahat ng tinuturo mo…

Mas… Mas… Mas…

Malamang, nagsawa ka ng magturo sakin…

Ayus lang ulet… Mahal na mahal kasi kita eh…

Hindi mo naman ako pinalayas…

Sabi mo, naaawa ka sakin, kasi wala akong titirhan..

Hindi naman ako lumayas…

Kasi, wala nga naman akong titirhan…

Pero ang totoo, ayoko lang kasing tanggapin,

Na ganun ganun mo na lang ibabasura ang relasyon natin

Matagal-tagal ding naging makapal ang mukha ko na magtagal pa sa bahay mo…

Nakikita ko kayo,

Ansarap niyo maglandian…

Pinapadinig niyo pa nga sakin e..

Ansaya niyo talaga…

Nakakainggit..

Pero, kinapalan ko pa din ang mukha ko,

At nagtagal pa din ako sa bahay mo…

Kasi, gusto kita laging makita

Mahal kasi kita…

Matagal-tagal din bago ko napansin na hindi na makapal ang mukha ko…

Lumayas na ko sa bahay mo…

Yun lang naman ang tamang gawin…

Pero kahit wala na ko sa bahay mo,

Sayo pa din umiikot ang buhay ko…

Ikaw lang ang tanging araw sa gitna ng solar system ko…

Ngayon…

Di ko na mabalik sa dati ang buhay ko

Yung ‘dati’…

Na nabubuhay akong di ka kasama…

Mahirap ibalik..

Pero minsan, kinukwestiyon ko din ang sarili ko

Kung ano ba talaga yung ‘dati’ na gusto kong ibalik

Yung ‘dati’ na wala ka?

O yung ‘dati’ na andyan ka, at masaya tayo…?

Ang sagot ng utak ko, briefcase number 1…

Pero ang sabi ng puso ko?

No Deal…

Pano na?

Di ko yata alam ang salitang ‘move on’?

Mahal pa din kasi kita eh…

Lintek yang pagmamahal na yan…

Di siya makatotohanan…

Hanggang pangarap nga lang ako eh

Na mababalik pa din ang ‘dati’…

Noon…

Masaya tayo…

Kahit pa laging tampulan ng tukso ang grupo natin

Tayo daw ang mga nerds

Ang mga bookworms,

Ang mga utak ng lipunan

At ang mga grade conscious na indibidwal…

Tayo yon…

Pero, ayos lang, kasama naman kita

Kahit pa tawagin nila kong kriminal, okay lang

Basta, andyan ka…

Mahal kasi kita…

Isa ka sa mga may pinakamagandang imahe sa buong eskwelahan

Para sakin, di lang sa school, sa buong bansa,

At sa buong mundo pa…

Ganon talaga

Mahal kasi kita…

Masaya naman ako sa ganitong sitwasyon natin

Walang commitment, pero nagkakasundo

Ayos na ayos ang lahat

Kaya lang, dumating siya

Pero, mahal pa din kita…

Nagbago ka bigla

Parang isang iglap lang,

Di na ikaw yung dating minahal ko

Pero, masaya ka naman sa kanya e

Kaya masaya na din ako,

At napapangiti pa ko sa tuwing makikitang ang mala-anghel mong ngiti

Kahit na siya pa ang dahilan ng iyong kasiyahan

At kahit ganon,

Mahal pa din kita

Naglagpakan ang grades mo

Yung scholarship mo na noon mo pa sinasalba

Biglang naglaho

Di ka na DL

At biglang nagbago ang timpla ng mga nais mo sa buhay

Nagkaroon ka din ng madaming bisyo

Kahit pa pinagbawalan kita

Dahil alam kong masama sa kalusugan mo,

Ako pa ang lumabas na mali.

Siya ang tama.

Siya kasi ang mahal mo

Ako? Wala lang, mahal lang kita e…

Napariwara na ang buhay mo

Nawalan ng direksyon

Napalayas ka pa senyo

At nagbago na ang ugali mo

Ngunit sa kabila ng pagbabago mo

Nakatanaw lang ako sa di kalayuan,

Nagbabantay, at nagmamahal

Isang araw, bigla ka niyang pinalitan

Di ko matanggap

Na may kapalit ka pa pala

Sakin kasi, wala na.

Wala na talaga.

Ang bobo nung lalake,

Di ba niya alam na minsan ka lang ipanganak?

Pinalagpas ka pa niya

Sus! Dakilang BOBO talaga

Di lang bobo…

Tanga

Inutil

Walang kwenta

Pariwara

Pero above all, mayaman siya

Mahal mo siya eh…

Saksi ako sa mga paghihirap mo

Pero, mas nahihirapan ako,

Kasi, wala akong magawa

Di ako pwedeng makialam

Mahal lang naman kasi kita

Wala ng iba

So, wala akong karapatang makisawsaw sa buhay mo

Pero nasasaktan ako

Sa tuwing sinasaktan ka niya

Mas masakit pa kesa sa inaakala mo

Nung nagdesisyon kang umalis sa poder ng hayup na yon

Nalungkot ako,

Wala na pala talaga kayo

Dapat masaya ako diba?

Eto na yung hinihintay kong pagkakataon

Para maipamalas sayo

Na mas sasaya ka sa piling ko

Wala ka na nga sa kanya

Nasa poder na kita,

Pero walang nagbago,

Mahal mo pa din siya

At mahal lang din kita

Yun lang wala ng iba.

Gusto mong ibalik yung dati…

Yung ‘dati’ na hindi ko alam

Kung yung ‘dati’ na kasama mo siya

O yung ‘dati’ na iniisip ko?

Yung ‘dati’ na wala pa siya sa buhay naten?

Di bale, kahit anupamang ‘dati’ yan

Sasamahan kita

Andito lang ako

Mamahalin kita

At, ibabalik natin and ‘dati’…

DVD Marathon

Nagnakaw Nanghiram ako ng DVD kina Kuya Erwin. Puro masasayang palabas. Grabe. Super enjoy ako.

Maaga akong nagtext sa mga taong trip kong itext ng…

“Gudnyt! Swtidrims! Haha, now i’m having a habit of sleeping early. tsk3. Bad cheetah… Haha! Nyt2!”

Ngunit, sa kasamaang-palad, eh hindi ako nakatulog.

At para magpalipas ng oras, nag-DVD Marathon ako, sinamahan ako ng utol kong si Jan. Buti na lang, pareho kaming insomniacs.

  1. Saw
  2. Hostel
  3. Hostel 2
  4. Saw II
  5. Saw III
  6. Saw IV

Saya ko! Sabi ng lola ko nung naabutan niya kong nakagising pa at nanunuod ng mga taong dumudugo…

“Anu ba yan? Puro patayan na lang ba yan?”

Anyway, papanuorin ko pa dapat yung series ng Anatomie, kaso, medyo naawa naman ako sa telebisyon namin saka sa debede player na magdamag ng umaandar. Kaya, pinahinga ko muna.

^_^

Mamaya ulet. Yung Anatomie naman.

“Ang Sarap Mong Maging Kaibigan” Campaign

Nung isang gabi, at the end of the day, pagtapos kong mabugbog kakapila sa iba’t-ibang parte at suluk-sulok ng USTe para sa page-enroll ng aking summer class, I realized, it doesn’t hurt to be sweet sometimes. I mean, SOME times lang talaga. As in yung parang zen… That you will just open your eyes after a blink, and BOOM!

Humiga ako pagdating dito sa bahay.

Nagmuni-muni at pinulot si pareng selpon.

Menu…

Messages…

Create New Message…

New Text Message…

…at kinaharap ko si blinking ’something’ para sa di ko malamang kadahilanan.

Isa-isang nagpipi-pindot ang aking mga daliri.

Ang sarap mong maging kaibigan… ^_^

Send To…

WTH–?! Kanino ko ba to isesend? Ano ba tong tinype ko?

Yea. Whatever. I just felt like it.

Matapos kong isend sa mga taong minamahal ko at pinapahalagahan bilang aking kaibigab, binilang ko sa Outbox kung sa ilang nilalang ko ba nasend yung kaartehan kong mensahe, at dahil marunong naman akong magbilang kahit papano, napansin ko, kakaunti yung mga taong by instinct eh sasabihan ko ng “Ang Sarap Mong Maging Kaibigan”. To be honest, they were less than ten. Kahit ako, nagulat sa konti ng nila. Hayyy….

Natuwa ako… Hindi dahil sa may mga nag-reply, kundi dahil sa mga reply nila mismo.

Ang pinakamalupet…?

?!

Haha! Pero, natuwa pa din ako, kasi, wala lang. Masaya talaga ako ngayon sa buhay ko.

Minsan, masarap din pala maging sweet. Kaming mga taong weird, eh naiisip din naming maging ma-drama pamnsan. Kaming mga taong comedy, may tinatago din namang kaartehan sa katawan.

Salamat sa mga nag-reply saken, sa mga hindi, naiintindihan ko na maaaring Smart kayo at naka-All-Text kayo kaya hindi kayo naka-reply sakin, o baka naman wala lang talaga kayong load, tulog kayo nung mga oras na yaon, o di naman kaya’y nasa kubeta kayo at naglalabas ng loob. Hindi ko na kayo tatawaging panget, kasi, nakakasawa na, epal na lang, at walang pakelam sa mundo. Hehe… ^_^

~~~~~~~~~~

“Ang Sarap Mong Maging Kaibigan” Campaign

~aKDa~

Summer Classes

So, nakakuha ako ng slot for Acc3. So glad. So happy. Yung paggising ko ng maaga para lang mauna sa school actually paid off. Sabi kasi, first come first serve. Pero bago ako nakapag-enroll madami muna ang nangyaring kalokohan. –0– Alas sais y medya pa lamang, eh dumating na ko sa aking mahal na eskwelahan. Waw! Aga ko! But, to my disappointment, madami pa pala ang mas excited maagang dumating para mauna sa mga slots. Sa totoo lang, wala ako sa mood nung araw na yon para gumising ng maaga, pero, dahil sa chinismis ni Janina sakin na first come first serve nga daw, at dahil 298 kaming bagsak ng FinAcc, at dahil ayokong ma-delay, napilitan akong gumising ng masyadong maaga.

Babaeng Unknown : Yung mga na-advise-an na, yung mga regular students na mage-enroll for IACC, pwede na kayong dumiretso sa Seminary Gym.

Walang kumibot. Walang huminga. Isa lang ang ibig sabihin nito…

Babaeng Unknown : I said yung mga mage-enroll for IACC, third year and fourth year students, dumiretso na kayo sa Seminary Gym. Pwede na kayong dumiretso. (*merong mandatory summer for third year and fourth year students, kagagawan ng proposed curriculum sa AMV, four years na lang ang accountancy, pero may 2 mandatory summers… oh well…*)

Wala pa ding umaalis. Nakupow. Lahat ba kami second year na naghahabol ng slots?!? Oh my gulay. Ang ikinaka-kaba ko pa, baka lahat ng mga to, Acc3 din ang binagsak. Susme. After ilang chismisan at pagkainip sa lobby… The gate finally flew up! Hahay!

Guard : Punta kayo sa Room 431 for advising.

Eh di lipad naman ang madlang pipol sa Room 431, kung saan din nangolekta ang sandatahang a2 nung April 08, 2008 ng clearance.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Text muna mga tao.

Teka, nauuhaw ako, labas muna, at makipag-bonding sa drinking fountain.

Lamig ng tubig. Whew!

Uy! Si Tero at si Dio ba yun? Teka, makikipagdaldalan muna ko. Take note, yung tinambayan namin, eh kaharap ng Dean’s Office kung saan nakapaskil na sa Room 402 yung advising, pero di ko nakita yun, at nalaman ko na lang na lumilipad na yung mga tao papuntang Room 402. Pagdating sa Room 402, lalo pa kong nanggalaiti, dahil sa dami ng tao, na, ayon sa isa Babaeng Unknown # 2, eh mauuna nilang asikasuhin.

Hayy. Basta, nakakairita. After that, nawala na ang lahat ng bahid ng professionalism sa katawan ko, nilamon na ng inis ang utak ko, at inaway ko na halos lahat ng taeng nagkalat sa daan.

Eniway, highway, after naman ng madaming daldalan at lokohan, naayos na namin ang lahat, at lumipad na kami patungong Seminary Gym (pero bago ako tumuloy sa Gym, nagpa-load muna ako, kasi, nagtext yung crush ko. Nyahahaha!).

—Sa Seminary Gym—

OA SA HABA ANG PILA!!!!!!!!!!! Pramis. As in OA talaga. Well, eniway, sumingit lang naman ako kay Karina at Jani. Inaway ko nga din yung babae na nag-assess sakin. Asshole kasi talaga yung bobitang yun. After everything else… Lumamon kami sa P.Noval dahil sa sobrang gutom, kailangan lagyan ng laman yung tyan namin. Ate lunch with Clau, Karina, Jani, Louie, Dio and Miguel.

Bonding-bonding.

Yosi bago pumasok ng USTe ulet.

Daldalan.

KWENTUHAN.

^_^

Ayos na araw ko, kahit sirang-sira ito nagsimula, masaya ako sa buhay ko. Hayy. Sarap!

Karera sa Slots Bukas!

Nakasuot na sakin yung backpack ko. Ewan ko nga bat nakasuot na to sakin, samantalang, inaantay ko pa naman yung nanay ko, na nagliwaliw pa sa mall para mamalengke nung mga requirements niya, saka para magpakuha ng 2×2. Ang init nga e. Kainis.

Summer heat’s getting into me. Grabey.

Dadalaw ako sa Recto bukas para mag-shopping ng Prac1. Haha. Pero bago ang lahat, mage-enroll muna ko, dahil kelangan kong makipag-unahan sa slots bukas ng maagang-maaga, konti lang daw yung available na slots, eh sa dami naming mga bumagsak, 289 ata, or somethin like that, malamang, maubos nga yung slots. Pero di ko pa alam kung ilang section yung kukunin. Basta, kelangan kong makuha to ngayong summer, or else, madedelay ako, ng one year. And i don’t like that to happen. Sino bang gustong madelay ng isang taon. Tae.

Tatapusin ko na yung binabasa kong Dekada ‘70. At kelangan ko na ding pakitaan ng progreso yung ginagawa kong kwento. Lintek. Ang tamad tamad ko kasi talaga. Kasi, ansarap talaga matulog. Kahit ano pang mangyari, masarap talaga matulog. Haha! Di ko ipagpapalit sa kahit anupaman.

Got to read everythin’…

Earth Hour?

Summer na. OA na sa pagsikat si haring araw. Idagdag mo pa dyan, yung pagkagising ko kanina, eh brownout na. Lintek.

Init. Super. Bakit daw ba brownout? Dahil ba nagp-participate kami sa earth hour? Hinde ah. OA naman, Mula alas siyete y medya ng umaga hanggang alas nuwebe y medya ng gabi eh nag-e-earth hour ba kami? Aba’y napakalufet naman nila!

So, dahil nakakapagod magreklamo kung bakit walang kuryente, at wala din naman magagawa kung sisibangot ako, humiga na lang ako, at nagpaypay sa sarili ko.

Hindi din naman ganun kasama ang mga pangyayari, dahil walang kuryente, hindi ko magamit ang PC, nangapitbahay ako, at nakipagsitsitan sa mga kapitbahay. At para sa inyong kaalaman, katext ko yung crush ko, na hindi naman niya alam na crush ko siya, pero alam ng kapatid niya. Haha! Boo!

Anyway, ayan, masaya naman aklo kahit na tumatagaktak ang pawis ko. Naglaro nga kami nung bunso kong kapatid sa labas ng bahay ng piko. And guess what? Talo ako. Kammon mammon. Champion ako nung grade school sa mga ganun a! Hayy. Buhayyy… How time flies. Matanda na pala ako’t nirarayuma na kaya di na makatalon ng mabuti. Haha!

Sabi ko nga, para kaming nag-participate sa earth hour. Sana, sa Baguio or sa Tagaytay or sa Bayumbong na lang nila i-hold yun. Kasi dun, kahit walang kuryente, ok lang. Malamig naman dun. Tsss. Dito samen? ASABOI!

Unexpected happenings happened. Tumawag yung isa kong kaklase kasi, ahem, nami-miss niya na ko. Come on! Who wouldn’t? Nyahaha! O, eniway, tama na ang kahanginan. Natuwa ako kasi tumawag siya ngunit ang mas ikinatuwa ko, e nung narinig ko kung sino ang nagma-may-ari nung boses sa kabilang linya(Nyahaha! Parang suspense sa nobela ampft!). Oh my gulay! Makulay na buhay! Haha! At ang tanging nasabi ko lang sa mga pinagsasasabi niya ay…

A1: Uy!

Haha! Gaga ko talaga. Eniway, so glad my classmate called. Nyahahaha! Oi, classmate ko, pag nabasa mo naman to, wag ka naman magtampo, kasi, masaya talaga akong tumawag ka, kahit pa iba yung iniisip mong dahilan. Peace!

Nokturnal

Tanawin mo ang aking mayumi ngunit makapangyarihang sinag

Pagmasdan ng mabuti ang aking hiram na ganda’t liwanag.

Kagandahan kong kahit saang lupalop ay kinababaliwan

Nahuhumaling lahat ng mga mapagsamantalangkalalakihan

Mga salita ko ma’y maledukada’t bulgaran

Mga hayok sa laman wala ni kaunting pakialam

Isa lamang naman ang nais nilang makamtan sa aking kandungan

Ang maranasang umindayog kasabay ng init ng aking mala-diyosang katawang lupa.

Ngumiti, umindak, alindog ko’y walang tigil na sumasaliw sa musika

Pagmasdan mo ko ng iyong buong pagnanasa…

…Pagnanasang tumatagos sa aking madungis na kaluluwa

Haplos ko’t mga halik walang ismid mong nilasap

Parehong nagpakalango sa sarap

Ni isa satin walang huminto, walang kumurap.

Pare-pareho lamang kayo,

Yun ang palaging sambit ko

Pero sa pagkakapare-parehas ninyo

Ikaw lamang ang tinibok ng puso ko.

Matapos ang gabing puno ng ibayong pagmamahal.

Yumapos ka sakin at inalok ako ng kasal.

Tumanggi ako. Pinigil ko ang sarili ko.

Hanggang sa tuluyan kang nilamon ng kabilugan ng buwan

Lumayo sakin at naglaho tungo sa kawalan

Napatigil ako. Napatunganga.

Sa aking pagtanggi…

..wala bang karapatang magmahal ang isang puta?

________________________________________________________________

Isasali ko dapat to sa “..”, kaso, nahiya ako, saka di ako umabot.

The Picture Tag

ni-tag ako ni Wei. Kaya, eto…

Hindi ko alam kung sino ita-tag ko… Kaya next time na lang.

Here’s how it works:
a. Go to http://photobucket.com/
b. Type in your answer to the question in the “search” box.
c. Use only the first page.

d. Insert the picture into your Blog.

1. What is your current relationship status?

th_single.png

wahahaha!

2. What is your current mood?

love.gif

i’m happy! and in love. pero siyempre, underground business lang to. nyahaha!

3. Who is your favorite band/artist?

as.jpg

paramore! crush ko talaga yung vocalist nila.

4. What is your favorite movie?


apocalypto.jpg

 

nag-iisa. apir! ^_^ ewan ko nga bat ko to naging peborit.

5. What kind of pet do you have?

wala.png

akshalli, monster yung pet ko, tulad niyang sa drawing. haha. joke lang, wala talaga akong pet. ^_^

6. Where do you live?

14ae.jpg

church yan dito samen. ewan ko kung sino yang babaeng yan.

7. Where do you work?

computer.jpg

ano pa nga ba? eh di harapin ang aking friend na si “computer”

8. What do you look like?

anime065fa.jpg

Not-So-Ordinary Ordinary aKDa ^_^

9. What do you drive?

idctou.jpg

10. What did you do last night?

slept.jpg

wala naman, natulog lang.

11. What is your favorite TV show?

moto_0019.jpg
The Ramon Bautista Show sa MTV! AYos!

12. Describe yourself.

strong.jpg
i am STRONG. sabi nga ni Myla.

13. What are you doing today?

bored.png
so bored…

14. What is your name?

a1athina001.jpg
Athina

15. What is your favorite candy?

wala.png