Nokturnal

Tanawin mo ang aking mayumi ngunit makapangyarihang sinag

Pagmasdan ng mabuti ang aking hiram na ganda’t liwanag.

Kagandahan kong kahit saang lupalop ay kinababaliwan

Nahuhumaling lahat ng mga mapagsamantalangkalalakihan

Mga salita ko ma’y maledukada’t bulgaran

Mga hayok sa laman wala ni kaunting pakialam

Isa lamang naman ang nais nilang makamtan sa aking kandungan

Ang maranasang umindayog kasabay ng init ng aking mala-diyosang katawang lupa.

Ngumiti, umindak, alindog ko’y walang tigil na sumasaliw sa musika

Pagmasdan mo ko ng iyong buong pagnanasa…

…Pagnanasang tumatagos sa aking madungis na kaluluwa

Haplos ko’t mga halik walang ismid mong nilasap

Parehong nagpakalango sa sarap

Ni isa satin walang huminto, walang kumurap.

Pare-pareho lamang kayo,

Yun ang palaging sambit ko

Pero sa pagkakapare-parehas ninyo

Ikaw lamang ang tinibok ng puso ko.

Matapos ang gabing puno ng ibayong pagmamahal.

Yumapos ka sakin at inalok ako ng kasal.

Tumanggi ako. Pinigil ko ang sarili ko.

Hanggang sa tuluyan kang nilamon ng kabilugan ng buwan

Lumayo sakin at naglaho tungo sa kawalan

Napatigil ako. Napatunganga.

Sa aking pagtanggi…

..wala bang karapatang magmahal ang isang puta?

________________________________________________________________

Isasali ko dapat to sa “..”, kaso, nahiya ako, saka di ako umabot.

4 Tugon to this post.

  1. sa ** =p…kase naman iba inaatupag..sayang!..kukunin pa naman kitang headwriter pag naging direktor ako..hahaha..(ambisyoso)…

    sure mahn! one text away lang naman ako. ^_^

    Tugon

  2. meron pare… may karapatan…yun nga lang…kung mahal din sila >.<

    lahat tayo meron. nfi-feel ko lang na somehow, some people are deprived of that small opportunity of loving. because of some unwritten rules written by the hypocrite society we belong to.

    Tugon

  3. wow! nice artik!

    thanks! ^_^

    Tugon

  4. Ipinaskil ni sigrid noong Abril 5, 2008 bandang 11:08 hapon

    akda! sa bandang gitna…it reminds me of eleven minutes…hehehe…yung gitna lang naman…i like the last line though…=)

    aKDa : thanks! oh! now, it reminds me of eleven minutes too! haha, di ko naisip yun, tsktsk. ^_^ thanks for informing me…

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito