Earth Hour?

Summer na. OA na sa pagsikat si haring araw. Idagdag mo pa dyan, yung pagkagising ko kanina, eh brownout na. Lintek.

Init. Super. Bakit daw ba brownout? Dahil ba nagp-participate kami sa earth hour? Hinde ah. OA naman, Mula alas siyete y medya ng umaga hanggang alas nuwebe y medya ng gabi eh nag-e-earth hour ba kami? Aba’y napakalufet naman nila!

So, dahil nakakapagod magreklamo kung bakit walang kuryente, at wala din naman magagawa kung sisibangot ako, humiga na lang ako, at nagpaypay sa sarili ko.

Hindi din naman ganun kasama ang mga pangyayari, dahil walang kuryente, hindi ko magamit ang PC, nangapitbahay ako, at nakipagsitsitan sa mga kapitbahay. At para sa inyong kaalaman, katext ko yung crush ko, na hindi naman niya alam na crush ko siya, pero alam ng kapatid niya. Haha! Boo!

Anyway, ayan, masaya naman aklo kahit na tumatagaktak ang pawis ko. Naglaro nga kami nung bunso kong kapatid sa labas ng bahay ng piko. And guess what? Talo ako. Kammon mammon. Champion ako nung grade school sa mga ganun a! Hayy. Buhayyy… How time flies. Matanda na pala ako’t nirarayuma na kaya di na makatalon ng mabuti. Haha!

Sabi ko nga, para kaming nag-participate sa earth hour. Sana, sa Baguio or sa Tagaytay or sa Bayumbong na lang nila i-hold yun. Kasi dun, kahit walang kuryente, ok lang. Malamig naman dun. Tsss. Dito samen? ASABOI!

Unexpected happenings happened. Tumawag yung isa kong kaklase kasi, ahem, nami-miss niya na ko. Come on! Who wouldn’t? Nyahaha! O, eniway, tama na ang kahanginan. Natuwa ako kasi tumawag siya ngunit ang mas ikinatuwa ko, e nung narinig ko kung sino ang nagma-may-ari nung boses sa kabilang linya(Nyahaha! Parang suspense sa nobela ampft!). Oh my gulay! Makulay na buhay! Haha! At ang tanging nasabi ko lang sa mga pinagsasasabi niya ay…

A1: Uy!

Haha! Gaga ko talaga. Eniway, so glad my classmate called. Nyahahaha! Oi, classmate ko, pag nabasa mo naman to, wag ka naman magtampo, kasi, masaya talaga akong tumawag ka, kahit pa iba yung iniisip mong dahilan. Peace!

6 Comments »

  1. dave1112 Said:

    ay oo ako (kami) din biktima nyan kanina..ang OA nga e, earth hourS dapat itawag dyan.. di tulad mo, wala akong ginawa kanina…nahiga lang ako at nagmuni muni..tae talaga..waaa~! akala ko pa naman hanggang 5pm lang abay nawala na yung araw wala pa..peste talaga..

    kumusta naman pala, e pano pag nabasa ng kras mo to, edi magkakaalaman na….bwahahaha..

    aKDa : asa! eh hindi naman ata yun nagb-blog. hindi nga ba? haha! heniway, ang hangin naman niya pag inisip niyang sya to. hahaha!

    ang una ngang sabi, hanggang 5 lang daw ng hapon. tas naging seven. tas 8, then 9. tas di na kami umasa, ang una kasi talagang nabalitaan ni mama sa palengke, hanggang alas onse daw ng gabi. hahaha.! oo tama, dapat EARTH HOURSSSSSS. hahay!

  2. dave1112 Said:

    sinabe mo kaya dito naka-txt mo sya…kaya sya na yun pag nabasa nya…mwahahaha..

    aKDa :haha! eh, artista nga ako, madami akong katext. saka yaan mo na. napost ko na e. tae.

  3. wei vines Said:

    hehe..leche nga yan paminsan minsan..asa ka naman dito?tangina, pag nawala ang aircon at fan eh malamang na lumipad nako sa bundok (?!)

    but at least, your classmate called ^___^

    aKDa :yea. that was the catch. nyahaha! grabe, ang init na talaa sa earth ngayon, tara lipad tayo sa moon!

  4. dave1112 Said:

    :p

    aKDa : o ano to?<

  5. dito sa bahay kapag brown out, masaya! lalo na pag gabi…
    kandila ang trip.. hehehehe…

    wag nga lang sana umaga,
    sawa na akong kalaro si ’sunny’
    na natrap sa green house gases..
    nyah!

    aKDa : ah oo, masaya talaga pag gabi, kaso, di nakakatuwa pag whole day, lalo na nga pag sa umaga. ang siga kasi ni haring araw!

  6. batopik Said:

    ” At para sa inyong kaalaman, katext ko yung crush ko, na hindi naman niya alam na crush ko siya, pero alam ng kapatid niya. Haha! Boo!”
    –ahahaha. same tau.. hahaha! la lang.. ang OA nga ng araw eh.. ang OA din ng bagyo.. hahaha!!! buti ngaun ok na ang weather..

    aKDa : oonga. sana lang, wag bumaha… haha… pero masarap, malamig kase, lalo na sa gabi, ^_^


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment