Nung isang gabi, at the end of the day, pagtapos kong mabugbog kakapila sa iba’t-ibang parte at suluk-sulok ng USTe para sa page-enroll ng aking summer class, I realized, it doesn’t hurt to be sweet sometimes. I mean, SOME times lang talaga. As in yung parang zen… That you will just open your eyes after a blink, and BOOM!
Humiga ako pagdating dito sa bahay.
Nagmuni-muni at pinulot si pareng selpon.
Menu…
Messages…
Create New Message…
New Text Message…
…at kinaharap ko si blinking ’something’ para sa di ko malamang kadahilanan.
Isa-isang nagpipi-pindot ang aking mga daliri.
Ang sarap mong maging kaibigan… ^_^
Send To…
WTH–?! Kanino ko ba to isesend? Ano ba tong tinype ko?
Yea. Whatever. I just felt like it.
Matapos kong isend sa mga taong minamahal ko at pinapahalagahan bilang aking kaibigab, binilang ko sa Outbox kung sa ilang nilalang ko ba nasend yung kaartehan kong mensahe, at dahil marunong naman akong magbilang kahit papano, napansin ko, kakaunti yung mga taong by instinct eh sasabihan ko ng “Ang Sarap Mong Maging Kaibigan”. To be honest, they were less than ten. Kahit ako, nagulat sa konti ng nila. Hayyy….
Natuwa ako… Hindi dahil sa may mga nag-reply, kundi dahil sa mga reply nila mismo.
Ang pinakamalupet…?
?!
Haha! Pero, natuwa pa din ako, kasi, wala lang. Masaya talaga ako ngayon sa buhay ko.
Minsan, masarap din pala maging sweet. Kaming mga taong weird, eh naiisip din naming maging ma-drama pamnsan. Kaming mga taong comedy, may tinatago din namang kaartehan sa katawan.
Salamat sa mga nag-reply saken, sa mga hindi, naiintindihan ko na maaaring Smart kayo at naka-All-Text kayo kaya hindi kayo naka-reply sakin, o baka naman wala lang talaga kayong load, tulog kayo nung mga oras na yaon, o di naman kaya’y nasa kubeta kayo at naglalabas ng loob. Hindi ko na kayo tatawaging panget, kasi, nakakasawa na, epal na lang, at walang pakelam sa mundo. Hehe… ^_^
~~~~~~~~~~
“Ang Sarap Mong Maging Kaibigan” Campaign
~aKDa~



Ipinaskil ni batopik noong Mayo 27, 2008 bandang 11:17 umaga
hehehe.. ang kulet..
nice one..
Ipinaskil ni rodessa noong Hulyo 27, 2008 bandang 11:01 umaga
ganun talaga minsan pag masaya ka.. hehehe nakangiti ka pa while nag send ng messages..hehehe naaliw ako sa post na to..apir!