Aremikan Aydol

Meron akong titser nung hayskul, lagi niyang ginagago, I mean, binabaluktot ng sadya sa tuwing sinasabi niya ang “America”, or “American”. Bakit? Yun ay nananatili pa ding palaisipan para sa akin.

Tulad nga ng aking inilahad sa aking Orgasm Idol post, na ako’y di naman talaga panatiko ng American Idol, ang totoo nga niyan ay di talaga ako nanunuod ng American Idol. Wala, naalala ko lang yung titser ko nuon sa Business English, kaya naisipan kong gawing title yan.

Litung-lito ako, natutuliro, pero walang pakelam ang mundo diyan. Kiber nga ba nila kung magkanda-praning-praning na ko sa kakaisip ng mga bagay-bagay na wala namang kinalaman sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Wala talaga silang pakelam. Kasi, sa kalagitnaan ng pagkawindang ko, eh binaha pa din ako ng gm’s na iisa lang ang ipinaparating na mensahe…

ang galing daw ni David Cook.

Ewan ko ba pero wala talaga akong ideya kung sino si David Cook.

Basta ang alam ko, eh isang beses ko lang nasilayan nuon si Jason Castro,

Jason Castro

… eh naman, talagang nainlababo ako. Naman! Kasi…

nakakabading talaga e. Nabakla talaga ako sa kanya. Pramis. Anong gamot sa labnat?

Pero siempre, may tatalo ba kay Ramon sa puso ko?

12 Comments »

  1. ako din madaming nrcv na msg na nagsasabing ang galing ni david cook…
    hindi rin ako nanonood non…kya mejo wafakels si ako…
    Continuation ba ito nung orgasm post mo??ahahah

    aKDa : hindi naman talaga sila magkadugtong. trip ko lang silang gawing kunwari eh related. hahahaha.

  2. wooooot wooooot
    yow ako nauna…ahahaha

    aKDa : yes! oye! ikaw ang nauna! woohoo! hehehe…

  3. wala pa ring tatalo kay sir ramon!!!! sayang, di ko nakuha yung klas niya dis sem, conflict of skeds kasi.. next sem, for sure, magiging prof ko na yung crush mo.. :)

    aKDa : aw. sayang naman! ang alam ko, meron siyang summer class e, sa film something ata.. sana meron next summer. hehehe.

  4. batabatuta Said:

    ai tem pareho po pla tau na hindi mahilig sa americn idol..ako din eh..at unitl now di ko pa rin kilala or alam ang pagmumuka nung david crook na un..ni hindi ko nga kung pano naging magaling un eh..basta alam ko guro wla siyang skit kaya magaling sha…hahahah..eh sino po si sir ramon?:)

    aKDa : david cook bata. hehehe. pero sabagay, pwede ring crook. ay haha, joke lang. crush pa naman un ng isa kong prend. magaling naman siguro siya. siguro, nagv-vitamins din siya ng extra joss kaya magaling siya. hehehe.

    si Ramon, ang tinitibok ng puso ko. ^_^ naka-link naman yang pangalan niya sa post ko na nagpapahayag ng aking damdamin sa kung sino siya. basahin mo na lang kung gusto mo siang makilala. hehehehe.

  5. eloiski Said:

    hindi rin ako nanonood ng maerican idol at parang wala nga akong balak manood eh.
    at syempre mas lalong hindi ko kilala si david cook na yan. ang lam ko nga eh baka chef kasi may cook. wapaK!

    pero imperness wafuletsss!!!

    aKDa : baka nga chef siya. hahaha. wafu no? tsktsk. di na ko magrereklamo kung habambuhay na lang kaming magkakantahan. hehehe.

  6. kengkay Said:

    pogi nga si castro ha. pareho tayong walang alam, wala kasing merican idol sa alemanya e

    aKDa : hehe. pogi noh? apir! dito nga meron, pero yoko lang talagang manuod, di ko feel. hehehe. whew, buti na lang, madami din palang di nanunuod nun. kala ko kasi, ako lang di nanunuod, yun kasi laging usapan ng mga pinsan ko, at ng mga nilalang sa skwelahan. ^_^

  7. supertomboy Said:

    nung una mahal na mahal ko yang si jason castro, siya lang, hindi naman kase ako polygamous.. kaya lang nung marinig ko si david cook (oo cook na naman puro cook nalang) ng mag always be my baby.. dinivorce ko agad si castro eh..

    aKDa : ah. pinarinig din sakin un, ung always be my baby. lupet nga e. pero narining ko lang yang mga kanta nila nung matapos na ang aremikan aydol na yun. hehehe. pero siempre, kras ko lang naman si jason castro. si Ramon, siempre, mahal ko un. hahahaha.

    Polygamous. nyay. ako ba yun? wahahahahaha!

  8. koreanmine Said:

    labnat? kispirin saka yakapsule.. ay korni, kapanahunan ko pa yan! Lols :lol: biogesex? .. sori may labnat p din ako hanggang ngayun, di ko din mapagaling :D

    aKDa : hahaha. patok pa din naman yun kahit luma na e. pero yung biogesex, ngayon ko lang narinig, prescription drug ba yon? hahaha..

  9. yah meron siyang kino-conduct na workshop every summer.. next summer, enroll ka! hehehe!

    aKDa : titingnan ko,kung mayaman ba ako next summer, at kung kakayanin ko pang mag-workshop sa kabila ng aking full load next summer, dahil sa kalokohang mandatory summer classes namin. ^_^ whew!

    pag nag-enroll ako, sama ka? enroll ka din? yey!

  10. neex Said:

    yung insan ko, gusto din si jason castro. sino yung kayakap nya sa pic? hmm..

    aKDa : ako yan, nung lalake pa ako.

  11. wei vines Said:

    ahahaha!! for girls pala to..lols.

    aKDa : hindi naman. pwede ka naman dito. maki-comment-comment lang. hehehehe.^_^

  12. batopik Said:

    hahaha! gusto ko si david archuleta.. hihihi.. :D
    nakakabanas nga eh, inaaway nila ako.
    nanalo na nga si cook, inaaway pa rin nila ang mga archuleta fanatics.
    hehehe. la lang.. share ku lang. :D

    aKDa : haha. may awayan pa pala ng fans na nangyayare? Ganun pala to katindi, buti na lang, kay Jason Castro ako!


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment