Isang Malupet na Ooopps!

Sir ** : O, anong oras tayo magsisimula ng exam sa Friday

aKDa : Sir, seven na lang, para makapag-discuss pa tayo ng Retail at Gross Method sa Inventories pagtapos ng exams.

[oo, more or less, kami nagdedesisyon ng sked ng exams, pero kelangan sang-ayunan ng propesor. eto ang saya ng summer classes.]

Sir ** : o cge, seven tayo mags-start. ok?

Clau : [pabulong sakin] seven? papasok ba si sir ng seven?

aKDa : [pasigaw kay Sir] Sir! Kaya niyo ba ng seven? Haha!

[Para sa inyong kaalaman, alas siyete ang klase namin, pero dahil sa hindi malamang kadahilanan, alas syete y medya, o di kaya'y alas otso pumapasok ang propesor namin, nuong partikular na araw pa nga na yan, ay alas nuwebe siya pumasok. Hindi ko naman minamasama ang pagpasok niya ng huli, para sa akin nga ay mabuting bagay pa yon. Nakakatulong iyon para sa mga tamad bumangon na tulad ko. At kahit naman nahuhuli siya, eh nababawi niiya naman sa sobrang gaan at galing niyang pagtuturo. Well, walang tatalo kay Ma'am Cruz, ngunit nakaka-entertain naman magturo si Sir **. At madami siyang kwento. Magaling din naman siyang propesor. ^_^]

oh well… at napagdesisyunan na alas otso na lamang ang exam namin. Hehehe.

fast forward na sa “Exam Day” — Friday

Pucha, alas siyete singkwenta’y singko na , nasa Welcome Rotonda pa din ako. Konti na lang! Go Manong Tsuper! Usad na! Konti na lang o! Ilang singhot na lang, nasa USTe na tayo!

At pagtapos ng ilang sandali…

3 Message Received

–> d2 na c sir! hinahanap ka!

–> san ka na? start na exam!

–> san ka na? d2 na c sir! hinahanap ka! pumasok pa naman daw siya ng maaga para sayo.

Naman! Kamusta naman yon? Malay ko ba naman na seseryosohin niya yun? At di din naman ako winarningan ni Batman na mabagal yung masasakyan kong jeep kaya dapat di yun yung pinara ko? Deyam!

7 Comments »

  1. wahahahaha!!! anung nangyari??? nakapag-exam ka pa din?

    aKDa : yea. nakapag-exam pa din sa awa ni madam auring. pero siempre, eksena pagpasok ko ng klasrum. nakangiti yung prof ko sakin. siempre, nakangiti din ako. hahahaha.

  2. batabatuta Said:

    hahahahahaha.ok lng po yan te..i just hope nakapag test ka pa din dat tym..nakakatuwa namn po nun…pumasok pa si sir mo ng maaga just for you..hahahaha..apirrrrrrrrrr…;-)

    aKDa : nakapag-test pa din naman ako, ako pa!. ^_^ apir!

  3. kengkay Said:

    wahaha, that’s called marpay’s low :D huy, sino titser mo dyan, huh? baka kilala ko pa yan, hahaha

    aKDa : hahaha. bago lang prof ko e, este, bata pala, jc domingo. pero malay natin naging klasmeyt mo sia.

  4. koreanmine Said:

    2 ang ubercool ko na naging prof jan sa uste..
    at bat cla cool? kc bata pa din cla at kakagraduate din lang sa uste! :D

    aKDa : meron din namang seniors na cool din, kaya lang, siempre, mas kool yung ibang batang prof. ^_^

  5. neex Said:

    yun lang! ganda ng timing at mabagal na jip pa nasakyan. expect the unexpected, ika nga. lols

    aKDa : oo nga. at natuto akong itahimik na lang ang mga saloobin ko paminsan-minsan.

  6. batopik Said:

    hahaha! buti na lang friends kau ng prof mu..
    may kakilala aku tga uste nalate lng xa ng 5 mins muntik na syang di pagtake-in ng exam.. la lang.. share lang. hehehe. XP

    aKDa : wahaw! lupet naman non! 5 minutes lang e! diba 10 allowance ng late. hahahaha. siguro, nag-away yung prof niya at yung asawa nun, kaya ansungit niya nung araw na yun. hehehehe…

  7. Banana Said:

    cool titser mo ah! :lol:

    aKDa : oo. haha. buti na lang, kundi, lagot ako!


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment