Bawal Matulog

Ngayon, nasira yung screen ng phone ko. Bakit? Simple lang naman, masyado kasing natuwa yung bunso kong kapatid na si Dian, at pinaglaruan niya, at ni-flip niya ng ni-flip hanggang sa mawalan ng buhay ang kawawang screen ng phone ko.

Summer vacation is coming to an end. Yung iba nga, eh talagang nag-end na totally. Tulad nungmga pinsan ko na nagsimula na ang kalbaryo kani-kaninang umaga.

Ngunit bago matapos ang bakasyon, may pahabol kaming dalaw sa mga pinsan namin sa Munoz. Birthday kasi ng Tito namin, at siempre, niluboslubos na para makapaglibot-libot.

Nilibot kami ni Mervin sa CLSU. At natuwa naman kami bukod dun sa maingay na kuliglig. Haha. Nagpakyut din kami sa mga tilapia sa loob ng BFAR, lalo na sa mga gigantic tilapia, na feeling ko, eh pwedeng pwede mong ulam sa breakfast, lunch, at dinner.

Siyempre,  lahat ng bagay ay may katapusan. Di kami nakarami ng inom, dahil bukod sa late dumating si Mac, eh Pilsen yung nakahain sa amin. Di ako nagpipilsen. Pang pulang kabayo lang ako.

Ilang beses ko ng muntik itumba yung motor nila, nagpaturo kase ako kay Mervin. Inutil kasi ako, ngayon lang ako matututong magmotor.

Ilang oras na biyahe, nakabalik na ulet kami sa tahanan namin. Hayy.. Home Sweet Home.

Di ako natulog. Baket? Nagbabad ako sa crunchyroll. At nagpapula ng mata kakanuod ng Higurashi no Naku Koro ni. Masaya kasi, lalo na pag magisa ka lang, at napa-praning-praning ka pa. ^_^

Umaga na. Ilang oras na lang, babangon na mga tao. Ilang oras na lang, mag-aabang ng kami sa kabilang kalsada ng bus upang mamundok. At ano namang gagawin mo sa Nueva Vizcaya aber?

Ihahatid ko yung mahala kong kapatid, kase nga, pasukan na nila bukas. Eh dun siya nakadestino. Sabi ko naman sayo, kalat-kalat na tae kami e. Sige, next time, ikukwento ko pa ng mas malawak.

Matapos ang mas mahabang byahe kesa sa pags-stay sa dorm ng kapatid ko…

Nakauwi na din kami. At kinabukasan nga, ay babalik akong QC, para mag-enroll, dahil sa putangenang diskriminasyon na yan. Well, anyway. Masaya ako, kase, wala pa akong tulog, at feeling bangag na naman ako today. Kita mo nga, walang kwenta tong kwentong naipost ko ngayon. Boboshit.

14 Comments »

  1. eloiski Said:

    waw. adik ka rin sa crunchyroll. parehas tayo!
    hahaha!
    adik din ako sa kakapanood ng mga ganyang tsenes!

    aKDa : chenes chenelyn chuchu lovely muni muni mura mura purin purin nuruero ero [haha, peborit kong kanta to] LOL. apir!

  2. MisyeL Said:

    anong walang wenta eh natapos ko ngang basahin post mo, hahaha! so ikaw pala late na papasok? happy schooling! :)

    aKDa : hehe. teynks! hmmm… di naman, meron pa naman papasok ng mga 16. kainggit. hahaha. sana nga maging happy ako, kami, at tayong lahat! owye!

  3. honga, pasukan na naman! badtrip.. at ang mas badtrip ay ang mag-enroll.. akalain mong nakaka-dalawang araw na ko sa pag-eenroll pero di pa rin ako tapos! babalik pa tuloy ako bukas.. hay..

    aKDa : oo. talagang nakakairita lalo na pag yung mga kaharap mo, eh inakala mong karespe-respeto, ngunit, bastos din naman palang humarap sa mga tao. fuckening diba? yung mga pinsan ko din, same school as yours, nahihirapan din sila e. pabalik-balik na din daw sila. ^_^

  4. faith Said:

    yey skul girl…ahaha..
    akalain mong natapos ko ang walang kwenta (ayon sayo…ahahah) kwetong post mo…
    aral mabuti akda…
    araling mabuti ang kung ano anong bagay…ahahah – apir!!!

    aKDa : hahaha. nawa’y makapag-aral nga tlga akong mabuti. hehehe. para naman di na nakakahiya sa kapatid ko, sabi ba naman, “yak ate, may 5 ka? hahaha”

  5. neex Said:

    crunchyroll! ako din adik dyan. haha.
    tsaka don’t worry, may 5 din ako. hahaha

    aKDa : hehe. apir! ^_^

  6. wei Said:

    ayoko pa pumasok… i said to my mommy:

    “kahit hatakin mo pako..ayaoko pa pumasok…” waaaahhhh!!

    hehe ganun nga siguro..kahit saan ka mapdpad,..may discrimination pa rin..hahayyy ^^

    aKDa : oo. tangkenang diskriminasyon yan! argh! pero dude, masaya din naman pumasok. may baon. makikita mo friends. makikita mo mga crush. PLUS, matututo ka pa! [weh?] haha. gud luck on our first day! terjer na ko shet!

  7. kengkay Said:

    ano yung crunchyroll? parang tootsie roll pa yan, hehehe – itong si panganay ko nga kindergarten pa lang tamad na pumasok, pano pa kaya sa sept kapag asa eskwela na, arrgh. kahit na di marunong tumingin ng oras e panay ang 5 minutes nya,e, hahaha

    aKDa : dito po o, CRUNCHYROLL. dito ako nakatambay palage. hehehe. jan po ako nanunuod ng anime.

    nakow. bat ako po, nung bata ako, super excited akong pumasok. haha. habang tumatagal, saka lang ako tinamad. hmm. nung mga gradeschool siguro, baon na lang tlga ang nagmomotivate saken na pumasok. hahaha.

  8. batabatuta Said:

    wellkam bak sa skull ate akda….hahahha…apirrrrrrrrr…peyborit mu rin pla ang crunchyroll??hehehehe…katuwa dun di ba? ;)

    aKDa : haha! apir! yea, peyborit ko din un. ^_^

  9. koreanmine Said:

    yoko din ng pilsen, parang pang beerhaus :D pero sabi nmn ni Jet Li great beer daw :D la lang.. di p kc din ako na22log hehe

    aKDa : great beer. oo. pang-tatay yun e. LOL. matulog na tayo!

  10. batopik Said:

    haha.. adik ka din pala eh.. haha! ako antukin talaga eh.. badtrip ako pag di nakakatulog masyado. hakhak.. ewan. hehe.. uy.. makacruncyroll ka din pala.. maganda ba yung sinabi mu sa taas? hehehe.. xD

    aKDa :yea. spirited away by the demon ata english title. owel, maganda yun. mejo nakakalito nga lang. pero ayus pa din. ^_^ sayang lang, walang avatar sa crunchyroll. vampire knight din maganda. try mo. ^_^

  11. lethalverses Said:

    syet ang dami ko ng namiss talaga sa blogosphere… :(

    im back, at namiss ko ang kwentuhan natin!

    aKDa : haha. ako din naman, kelan lang ako bumalik, at binuhay ako ng init ni Aling Sosing ng sabaw ng bulalo. sige, palagi tayong magkwentuhan. dalhin mo ang bulalo, para may pulutan. ^_^

  12. [...] na, kasunod sa pinangako kong pagkukwento sa Bawal Matulog kong post tungkol sa pagiging kalat-kalat naming tae, eh ikukwento ko na nga ang iba-ibang posisyon [...]

  13. eNocH Said:

    kung ikaw nasa manila at ang utol mo sa nueva vizcaya, sino kasama ng bunso niyo sa bahay? nagtatanong lang…

    aKDa : hmmm.. meron naman. mga anaders. at mga ader pipol. basta. sila sila. hehehe.

  14. harot102030 Said:

    kakatuwa talaba buhay ng taga clsu.

    istorya ng buhay sa clsu

    aKDa : hehe


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment