Basag!

Dahil basag na basag ako ngayon, ayoko namang gawing tapunan tong blog ko at dito maglabas ng mga galit ko sa mundo, na hindi ko naman mae-esplika ng mabuti sa pagt-type lang.

Eto na, kasunod sa pinangako kong pagkukwento sa Bawal Matulog kong post tungkol sa pagiging kalat-kalat naming tae, eh ikukwento ko na nga ang iba-ibang posisyon namin sa aming tinatawag na “Battle Formation”.

Ang pamilya namin ay tulad lang din ng isang normal na pamilya na matatagpuan mo sa Pilipinas. Kumakain ng maraming beses sa isang araw. At natutulog pag sinisipag kaming matulog.

Ako ang panganay saming magkakapatid kaya naman, maaga akong namulat sa katotohanan ng buhay. Ngunit, di lang naman talaga ako, lahat naman kami, ay mulat na sa reyalidad na inihain ng mundo para samin.

Nasa labas ng bansa ang mga magulang namin, hindi para mag-honeymoon, kundi para kumayod ng pampaaral at pampalamon samin. Ngunit kung inaakala niyong magkasama silang nakikipagsapalaran sa labas ng Pinas, eh nagkakamali kayo diyan. Magkahiwalay sila, dahil sa hindi ko malamang kadahilanan, pero hindi sila magkahiwalay as in war sila, I mean, magkahiwalay lang yung workplace nila. Baket? Aba’y itanong mo kay batman!

Tatay

Ang padre de pamilya namin na sobra sa kabaitan, ay nasa Qatar, nakikipagbunong-braso. Eto, di ko ipagpapalit kahit magtatatambling ka pa maghapon magdamag. The best to. Matalino, pero humble. Yumayabang lang pag nakainom. ^_^

“Bat ko naman titipirin yung mga anak ko? Eh kung sa inuman nga, ganun-ganun na lang kung makagastos ako, pagtapos, titipirin ko yung mga anak ko? No way!”

-ERA

Nanay

Siya ay nakabase sa Dubai, at namamalengke. Nasa lahi nila ang pagiging palaban. Pero pusong-mamon siya. Kaya naman lab na lab ko siya, dahil she do unexpected things. She can be as open-minded as any other yet unexpected words of wisdom. Masarap din siya magluto. The best din!

“Hindi mo matatago sa palad mo ang usok kahit anong gawin mo. Lalabas at lalabas ang katotohanan.”

-MDA

Sila ang pundasyon ng pamilya naming makulit at nagmamahalan. Malupet sila sa family planning, dahil may mga nakatagong rason sa likod ng mga agwat ng edad naming mga magkakapatid.*Clap*Clap*Clap* Sa kanila ko nga nakuha yung paggamit ng initials, kaya ako naging “aKDa”. Sila ang nauna dun, at gaya-gaya lamang ako.

At siyempre, pahuhuli ba naman ang mga bunga? Ang mga makukulit na fruit of the tree of knowledge of good and evil. Hindi po kami mga mansanas.

aKDa

Ako ang ate. Bow. Nakadestinong manggulo sa Unibersidad ng Santo Tomas, kaya naman nasa NCR ako palagi. Hayy. Madalas kong ma-miss ang bunso kong kapatid. Madaming nakapatong na responsibilidad ngayon sa akin, bukod pa sa pressure na maka-graduate sa tamang panahon. Walang oras para ma-delay. Pag nadelay ako, isang linggo akong magmumukmok at di kakain, at di maliligo, at babaho hanggang sa mabulok. Parusa ko yan sa sarili ko, dahil di ako nagpakatinong mag-aral.

“We are inferior to somebody else…”

-aKDa

Kuya

Pangalawa saming magkakapatid. Unang lalaki. Magaling magbasketball, at nakadestinong magpakatao sa Nueva Vizcaya. Siya ang tanging lalaki saming magkakapatid. Kung gaano siya kasinop sa mga gamit niya, ganun naman ako kaburara. Mabait paminsan, pag sinumpong, ewan ko lang. Siya ang pinakamasipag mag-aral, at kahit di naman siya mag-aral, eh siya pa din ang pinakamatalino samin. Iskolar siya ngayon, na dahilan kung bakit lalong lumulubog ang pride ko dahil sa ako ang pinakatanga, at pinakatamad, at pinakapasaway, at pinakamagastos saming magkakapatid. Siya, kabaligtaran ko lahat. ^_^ Magaling din siya magsulat. At magaling din mang-asar. Kung ayaw niiya sayo, Ayaw niya talaga sayo, kahit magtatatambling ka pa ng nakahubad at mag hawak-hawak na isang galong holy water.

“Wala silang pakelam, di naman nila ako pinapalamon e!”

-JLDA

Bunso

Ang pinakakyut na nilalang sa mundo. Pinaka-witty. At pinakakikay sa pamilya. Wala siyang pakelam kahit ilang taon yung tanda mo sa kanya, basta may ayaw siya sayo, sasabihin niya agad. Lalo na pag alam niyang tama siya. Mahilig mambara. At matakaw. Nung bata siya at mga 6-7 years old pa lamang siya, eh mas malakas pa siya magmura kesa dun sa mga lasinggerong tambay sa kanto ng pinakakantong kanto. At nagkakalat siya ng lagim sa kapatagan ng Nueva Ecija. Pero ngayon, nagbago na siya. Dalaga na daw siya e. Hehehe.

[wala pa siyang qoutable quote, bata pa siya e. to follow na lang if ever. haha!]

Eto ang pamilya ko. Layu-layo, pero nagmamahalan. ^_^

9 Comments »

  1. wei vines Said:

    hahahah! pwede na siguro yung sa multiply mo:
    “di lang ako marunong sumunod” lols… hahaha~!
    walang young age young age pag panganay…waaaahhhh~ lam ko kaya mo yan..mas malaki responsibility mo pag nagttrabaho ka na…be ready :D
    kasi ang girlscout:
    laging handa :lol:

    aKDa : hahaha. pwede! pwede! opo nanay, magpapakagirlscout po ako, wag mag-alala. wahaha! laging handa talaga dapat!

  2. kengkay Said:

    nice to meet your pamilya… antayin ko yung quotable quotes ni bunsoy, hehe. pareho pala tayong panganay :)

    aKDa : sabi nila, nice to meet you din daw. hehehe. sige, update ko pag meron na. at gusto ko pag pinost ko dito, eh yun na yung pinakamalupit na quotable quote. hehehe.

    mahirap na masarap maging panganay! apir!

  3. batopik Said:

    haha.. ang kulet naman ng bunso niyu. haha.. lahat nga kau hiwahiwalay.. tsktsk.. kami din eh. haha.. pero medyo lang naman.. hehe.. xP

    aKDa : hala! bat nga ba nalagpasan ko tong comment mo, at ngayon ko lang nareply-an? waddahell. owell…

    oo, malditang makulit yan. haha. at least, masaya pa din at nagmamahalan kahit na hiwa-hiwalay. hahaha.

  4. pEyt Said:

    kya yan akda…wag ka lng mag-aasawa agad!!!heheh..
    ingat ingat lng…planuhin ang mga bagay bagay…isipin ng paulit ulit hanggang mabaliw..may nakalimutan ka sa quotable quote mo…
    “i can be as evil as i want to be. love is just the restraining force that restricts me.” ~akda

    ~mfav~ (pakigaya sa initials…lol)

    aKDa : haha. onga no? ok din pala yung quote na yun. natutuwa ako at nagpapasalamat sa pakikinig mo ng maayos sakin nung panahong windang ako. teynks.

    ^_^

    gudluck saken, gudluck din sayo, kasi, alam kong lubog ka din sa problema ngayon, pero ok na ko. just a few finishing touches here and there, and voila, aha! buhay na ulet si aKDa. nabuhay ang bakla! oye!

    ingat!

  5. otep Said:

    uu nga, uu nga pareho tayo ng template..

    aKDa : haha. ayus no.! ^_^

  6. grabe, hiwa-hiwalay nga kayo ah! pero pag pasko naman eh nagsasama kayo?? kahit na yung kayong tatlong magkakapatid?

    aKDa : ah. oo. pag pasko. akshalli, ngayon lang kami totally nahiwa-hiwalay. this year lang. ^_^ don’t wori, ok naman kami, hahaha. normal pa kuno kahit papano. LOL.

  7. apollo Said:

    matanong ko lang po, saan po sa nueva vizcaya ang utol mo? taga dun po kasi ako. solano, specifically.

    aKDa : wow apollo! akalain mo nga naman, kapangalan mo pa yung kras ko. hahaha. eniway, sa bayombong siya. ^_^ dun lang siya nags-stay kasi dun siya nag-aaral.

  8. batopik Said:

    onaman. ako pa. hindi ako nalelate… sa second subject ko.. ahahahaha! xP

    aKDa : hahaha. ako din madalas akong early para sa next subject ko eh. hahahaha.

  9. eNocH Said:

    “Eto ang pamilya ko. Layu-layo, pero nagmamahalan. ^_^”

    may naisip ako pero di bale na lang! :(

    aKDa: ano? naman to, nahiya ka pang sabihin dito sa blog ko. don’t wori, sikret lang naten yon. hehehe.


{ RSS feed for comments on this post} · { TrackBack URI }

Leave a Comment