Sabi ng mga gago sa mundo, “everybody deserves a second chance”. E what about the third? The fouth? Or even the fifth maybe?
Muntk na akong bumitaw. Ang sakit na kasi ng pagkakakapit ko. Mahapdi na. HINDI NA AKO MASAYA.
Putangina.
Ilang araw akong lumiban ng klase. Para sa sandaling kasiyahan na mapapala ko, at para na rin takasan ang pikit-mata kong pagkukunwari na ayos lang sakin ang lahat. At ang mas masakit pa, masaya na ang lahat, samantalang ako, hanggang ngayon, nagpapanggap pa lang din na masaya. Plastik kumbaga.
Walang pakelam ang mga tao sa paligid ko. Mukha naman akong masaya e. Ano pa bang dapat mangyari? Yun lang naman ang papel ko, ang maging masaya, at bawal akong malungkot. Nakakainis, tao din naman ako, lahat ng positibong emosyon ko, may kaakibat ding negatibong emosyon sa kabilang pahina.
Tulad ng dati, estupido pa din ako, at pabalik-balik pa din sa dating kaguluhan ng emosyon, ng utak, at ng aking pagkatao.
Gisang-gisa na ako sa mga responsibilidad na nakapatong sa balikat ko. Sa walang hangganang bilang ng mga pangako na aking binasag. At sa madami pang dadating na problemang wawasak sakin.
Sa ilang araw kong pagliban sa klase, dun lang ako nagiging masaya. Sa ilang mga sandali na pagtakas sa kung ano ang talagang nakatakdang dapat kong ginagawa, dun ko napupulot ang kaligayahan. Masama ba para sakin na maghangad ng tunay na kaligayahan? Samantalang, lunod na lunod na ako sa pagkukunwari, sa maskarang pumipigil sakin para makahinga ng maluwag, at para sa pag-abot ng liwanag na matagal ko ng inaasam. Masama ba ang aking paghahangad na alisin na ang maskarang lumamon na sa aking pagkatao? Masama ba?
Komplikado ang mga bagay-bagay. Ang bawat desisyon, may kapalit. Bawat panandaliang saya, may kaakibat na sampal. Di ko masisi ang sarili ko tulad nung dati ng nakagawian, masyado na akong nasasaktan sa bawat dagok na tinatanggap ko, napuputol din naman ang pagtitimpi ko, may hangganan ang pagtitiis, natatapos din ang pagkukunwari.
Sabi ng isang kaibigan, “masyado ka kasing matigas…”
Ayan tuloy, nabali ako, bumigay na. Pero sa kabila ng lahat ng to, alam ko, kaya ko pa ding bumangon. Nais ko na ding putulin ang pagiging huwad ng aking kasiyahan.
Para sa ikabubuti ko. Para sa ikasisiya ko pang lalo. At para sa pagpapatuloy ko sa aking napiling propesyon.








Ipinaskil ni pEyt noong Hulyo 6, 2008 bandang 11:11 umaga
hindi ko masyadong naabsorb dahil may sakit ako…pero ramdam ko yung bigat nang nararamdaman mo kasabay nang pagtulo nang sipon ko (hindi luha)…
kya yan!!!
yung strong personality mo, yan yung isang makakapitan mo. wag kang bibitiw bigla (*sing*)
keep safe akda…wag na lumiban nang klase…^_^
Ipinaskil ni kamotenista noong Hulyo 6, 2008 bandang 12:55 hapon
sabi nga hindi lahat ng ngiti o tawa ay masaya.
hindi lahat ng “ok” ay ayos lang
minsan ang sarap din sumigaw may emosyon din ako…in short, tao rin ako!
nice entry…..
Ipinaskil ni mhar noong Hulyo 6, 2008 bandang 9:37 hapon
weeeh… emo ka ata ngayon? i hope nung bumitiw ka may sumalo sa yo. talagang ganyan ang buhay, minsan masakit minsan masarap. buti nga may blog eh, mas naisisiwalat mo ang iyong tunay na nararamdaman.
Ipinaskil ni eNocH noong Hulyo 7, 2008 bandang 1:16 umaga
uhhm… ganyan din ako madalas mga 3 or 4 yrs ago. ngayon minsan na lang.
Ipinaskil ni bayistander noong Hulyo 7, 2008 bandang 8:37 umaga
ito ang unang blog na nadalaw ko dito sa wordpress at mukhang nakakarlate ako sa entry mo. Totoong minsan ang hirap magsuot ng maskara ng kasiyahan kung ang puso ay nagdurugo at lumuha.
Ipinaskil ni angel noong Hulyo 7, 2008 bandang 2:00 hapon
emo.. aheheh *peace*
Pero nakakarelate ako.. halos ganan din sitwasyon ko ngayon.. Kaya mo yan! Aja!
Ipinaskil ni Aling Baby noong Hulyo 7, 2008 bandang 3:03 hapon
kelan lang ganyan din ang pakiramdam ko, parang nasagad na sa buto kaya lang naisip ko rin pagkatapos na, ayokong sirain ang ulo sa mga walang kwentang bagay kaya ipinagpag ko na silang lahat! yeheey, mahirap pero nakahinga na rin ng maluwag. kaya mo yan at lilipas din yan. sige na, ismayl na.
bumibisita
Ipinaskil ni kuyajhun316 noong Hulyo 7, 2008 bandang 7:39 hapon
pawisik ng konti..
hehehee…. speaking of “maskaradong kasiyahan”… -paraphrase ko mas angkop kc..weeee… lahat yata ng tao ganyan.. parang damit n pinipili isuot batay s dadaluhan… (kakakain ko lang ng pritong manok-sana gumana utak ko..)…
sa aking palagay, ang kasiyaha’y animo ulam n laging handa s hapag kainan. bago ito mailagay s mesa, maraming storya ang nkapaloob dito… ngunit sa huli’y kasiyahan nman tlaga ang putahe nting lahat…
sa pagmamaskara (huwad), ablidad ang kailangan upang ito’y maganpanan ng maayos… at kpg npanindigan mo ito, ng hindi nila nkikita- db isang kagalingan sa’yo, kaya mong sabihin s sarili ” ang galing kong magmaskara”… na dapat mo nman ikasiya;)…. hehehee… gets b?…
… ah basta …” ang umamaayaw, di ngwawagi…” ika ni ka freddie;)….//
Ipinaskil ni Huwad na Kasiyahan - Maskaradong kasiyahan « Kuyajhun316’s Weblog noong Hulyo 7, 2008 bandang 7:44 hapon
[...] Huwad Na Kasiyahan [...]
Ipinaskil ni linglingbells noong Hulyo 8, 2008 bandang 10:39 hapon
itagay mo na lang yan!! haha! joke!
Ipinaskil ni kirksydney noong Hulyo 12, 2008 bandang 6:49 hapon
*sindi ng yosi*
Ganyan talaga ang buhay.