Sabado.
Ilang minuto bago mag-Linggo ng umaga.
May biglang nagpadala sakin ng text message at sabi,
“Oi”
Siempre, dahil bibong bibo ako, nagreply ako ng, “Hu is u?”
Wala pang panahon para mangulangot si Batman, tumunog na naman si Phaier [ang aking cellphone]
…sa kanya ulet galing…
“Twag k pls!!“
Ano ba ang dapat kong maging reaksyon. Kinwento ko kagad kay dave dahil magkadaldalan naman kami sa Y!M. Tapos, hindi ko na alam gagawin ko. Nang bigla itong magmiskol ng sandamakmak.
Eh ayon. Nagpanic si aKDa. Alam mo naman. Reaksyon ng mga bruha.
Tinanong ko kung sino siya at nagreply at sinabing siya si Jan [kapatid ko yon]
E di tumawag na si ako. At ang unang mga salitang binitawan niya saken ay,
“Ate, sinubukan lang naman namin e. Tapos nahuli kami.” ****in mejo malungkot na tone***
Ano bang dapat mong isipin. E lalake yung kapatid ko. Eto yung mga naisip ko :
>>Lumafang na ng chikas yung kapatid ko. At caught-in-the-act.
>>Nagdroga na yung kapatid ko.
>>Nasa labas pa siya ng curfew hours
Eh siempre, napraning ako. Tangina no. Gago kasi tong kapatid ko bat ganun magkwento. Parang timang. Tapos ginagawa din akong timang.
Ayon. Matapos ang pagkaubos ng load ko. Eh naikwento din niya saken ang lahat. At naliwanagan naman si ako sa mga pangyayari.
Eto o…

Tapos niloka niya ko at kung anu-ano na inisip ko. Gago talaga yon! Ang sabi ko, “Antanga-tanga mo naman kasi, iinom na lang kayo, magpapahuli pa kayo. At sa dorm niyo pa! Pag sinabi kasing bawal uminom sa dorm, bawal, humanap kayo ng ibang tambayan!”
Well, mahirap nga naman humanap ng tambayan sa lugar nila. Bukod na lang sa kung gusto mong makitambay at makipag-bonding sa mga NPA.
Hayy.Ang pagtoma talaga, it runs in the family. Wala na tayong magagawa jan. Saka, ayos lang naman sakin yon. Kanya-kanyang diskarte na lang. Tsktsktsk.
Natakot lang siya, ayaw daw kasi niyang matanggal sa Pisay. Hay…
Siempre, di ko hahayaang mangyari yon.



Ipinaskil ni ifoundme noong Setyembre 15, 2008 bandang 9:52 umaga
hahaahhaha! eh di lipat ng ibang dorm… tapos dun na naman ulit iinom
Ipinaskil ni wei vines noong Setyembre 19, 2008 bandang 3:08 hapon
haha!naalala ko kung pano ka nag panic! bwahahahah~!!
Ipinaskil ni Ralph noong Setyembre 23, 2008 bandang 7:22 umaga
hahaha kala ko kung ano na nahuli sa kanya (green haha!) inom lang pala. mukhang bata pa yang kapatid mo ahh hahaha!
Ipinaskil ni neex noong Setyembre 25, 2008 bandang 12:38 umaga
waha. akala ko nung una, mga naghahanap ng katext yun. xP