Masyadong naging isyu ang eleksyon sa Estados Unidos. At sa wakas natapos din, at wala akong nabalitaang naabusong aso sa kanto ng bahay ng mga kumandidato. Naisip ko lang kung gaano kaimmature ang sistema ng pagboto sa ating mahal na bansa.
…flying voters
…mga nawawalang balota
…ambush
…dead on arrival ang kabilang kampo
ONLI IN DA PILIPINS. WALANG GANYAN SA STATES
Kamakailan lang ay biniro ako ng isang kaibigan, “Pare, pwede ka ng bumoto… Hahaha!” Oo na, tumanda lang ako ng isang taon, andami ng nagbago.
Pwede na kong legal na bumili ng alak at sigarilyo sa tindayan. Hindi na void ang contract of sale.
Pwede na kong legal na pumasok sa bar.
Baket legal? Kasi, nagagawa ko na yang mga kabalastugang yan dati pa. Hindi ako emancipated minor noon, pero hindi lang talaga sinusunod satin ang mga ganyan kasimpleng batas. Hatak lang ang kailangan mo. At konting diskarte.
At eto ang pinaka-nakakaintriga, pwede na kong makisawsaw sa kalokohan ng mga matatanda. Itago natin siya sa pangalang : “ELEKSYON”
I-exercise daw natin ang ating karapatan para bumoto. Makiisa, at ihayag ang ating opinyon sa manunungkulan sa bansa sa pamamagitan ng ating boto.
Sabi ko sa aking kaibigan, “Saka na ko boboto kapag automated na.” Hindi dahil sa mas sosyal yon. Ang totoo niyan, wala akong pakealam kahit de uling ang panulat natin sa pagboto, nais ko lang, eh ayusin ang sistema ng eleksyon dito sa atin.
Bakit nga ba ayaw pang gawing automated ang botohan satin.
Naisip ko…
Kasi, pag ganon, bibilis ang eleksyon. Ayaw nila noon, dahil iigsi ang oras nila ng paghahanda sa mga pandaraya. Iigsi ang oras para pumatay ng kalaban. Iigsi ang oras para makabili ng boto. Iigsi ang oras para sa mga katarantaduhan.
Pag nangyari yaon, lalaki ang halagang kukurakutin ng mga taeng makikipagkarera sa eleksyon, dahil hindi na mga patay-gutom na tatanggap ng limandaan ang pwede nilang bayaran para nakawin ang mga balota, dahil kelangan na nilang umarkila ng matalino at propesyunal na mambubutingting ng mga automated machines. O pwede rin naman sigurong yung mga nasa COMELEC na mismo yung suhulan nila. Mapapamahal nga lang sila.
AYAW NATIN NOON! Kasi, gusto nating nagpapaloko. Gusto natin ng aksyon. Bakbakan, siyempre, parang pelikula ang ating buhay.
Mga bida. Mga artista. Mga putangina.
Ano pa ba ang mga kabalastugan tuwing eleksyon?
…flying voters
…mga nawawalang balota
…ambush
…dead on arrival ang kabilang kampo
Sa madaling sabi, ang sistema ng ELEKSYON, at ang mga GAGONG GANID sa likod nito. Mismo.
I quote President Gloria Arroyo’s Statement to congratulate Obama, ”We welcome his triumph in the same vein that we place the integrity of the U.S. electoral process and the choices made by the American people in high regard,”***
Libre lang mangarap diba, President?
——————-
***Source : Jim Gomez
——————-
OFFTOPIC : Wag masyadong seryoso, baka atakihin kayo sa puso. Thanks kay dave, para sa pagshare ng linnk ng picture na to. ^_^




Ipinaskil ni wei vines noong Nobyembre 7, 2008 bandang 3:17 hapon
sabi nga ng prof ko, pag naging automated na yung election, dapat daw yung machine eh hindi availabale sa ibang bansa..tsaka kung automated daw yung eleksyon for president, malamang, hindi si mole yung president naten ngaun…
naks.. mature na mature ang dating ah! hehehe! mwah!
Ipinaskil ni graceegurl noong Nobyembre 8, 2008 bandang 2:32 hapon
hay nku…puro pawang katotohanan lamang ang iyong mga nabanggit…
“Kasi, pag ganon, bibilis ang eleksyon. Ayaw nila noon, dahil iigsi ang oras nila ng paghahanda sa mga pandaraya. Iigsi ang oras para pumatay ng kalaban. Iigsi ang oras para makabili ng boto. Iigsi ang oras para sa mga katarantaduhan.”
kailan naman kaya iigsi ang kanilang mga buhay,ano? XD
Ipinaskil ni Paspasero noong Nobyembre 8, 2008 bandang 9:12 hapon
nakakasawa na ang eleksiyon sa pinas. ilang presidente na ba ang napaalis ng taung-bayan? amg nakatutuwa pa, ang mga taong nagpaalis kay erap para bigyang-daan ang panunungkulan ni gloria, ang siya ring mga taong nakikibaka sa pag-alis sa kanya sa malacanang.
kung nakukuntento lang ang taung-bayan wala na sana tayong problem. hay.
Ipinaskil ni taroogs noong Disyembre 12, 2008 bandang 3:34 hapon
nadale mo, kapatid… abangan ang 2010 — ano na naman kayang kabulastugan ang bubulaga sa madlang pipols?
pero merry krismas na rin pala. hehehe
Ipinaskil ni nhals noong Marso 11, 2009 bandang 10:39 umaga
hai nku!!!!!
elecksyon talaga oo