Isa sa mga paborito kong kanta ng DevilDriver ang I Dreamed I Died. (diba dapat dreamt?)
Anyway, naisip ko lang nung isang gabi. Nung isang, isang, isang, isang gabi pa pala, kung paano ko gustong malibing. I mean, the ceremonies and stuffs like that. Tantya ko kasi, by 45, patay na ko. Ok lang, may isip na yung anak ko sa mga panahong iyon. Saka bahala na yung tatay nila. Kaya niya na yon. ^_^
Ngunit, bago ako mamatay sa eksenang to, gusto ko gawin yung tulad ng sa Tuesdays With Morrie. Pre-burol meeting. Gusto ko kasing marinig kung gano ako kamahal ng mga tao. Kung pano sila malulungkot pag nawala ako. At kung ano ang nagging papel ko sa buhay nila. Kaya Sovereign People of The Republic of the Philippines, magkita-kita tayo pag mga 40 years old na ko. Baka di niyo ko maabutan. Be prompt naman. Wag pausuhin ang Filipino Time. Dapat punctual tayo sa pagkakataong to.
At sa pagkakataong natodas na ko. Mga nagmamahal sakin, eto lang naman yung mumunting mga kahilingan ko…
- Unanag-una. AYOKO NG LATE. Wag niyo kong agawan ng trono ok? Saka bawal absent.
- Ayokong sa bahay maglalamay ang mga tao. Mabubulabog lang yung mga tao dun. Kawawa pa yung maglilinis ng bahay. Saka tama na yung 2-3 days. Ayokong nakadisplay ng matagal.
- Gusto ko, sa libing ko, maganda ang make-up ko. Ayokong magmukhang panget sa last day ko. (Last day bago matabunan ng lupa). Gusto ko Hollywood make-up artist ang gagawa sa mukha ko. Para big time.
- Gusto ko, may video coverage. Parang kasal ganon.
- May choir na kumakanta sa background. Gusto kong kantahin nila yung Breakaway ni Kelly Clarkson. Big time na choir gusto ko. Yung Loboc Choral ata magaling.
- Color coordinated dapat ang suot. Ayoko ng mukhang skwater ang mga tao at rainbow colors ang suot nila sa libing ko. Gusto ko, black lahat. Pati payong. Pati panyo. Pati underwear nila. Pati yung pari, choir, at lahat ng aattend. Gusto ko ganon.
- Ayokong may mga batang ngumangawa sa libing ko. Ayoko din ng may mga taong, “nung nabubuhay pa siya, isa siya sa mga blah blah blah…” Please. Spare me. Dun niyo na sabihin lahat ng hinanakit at pagkamuhi at pagmamahal niyo saken sa ating pre-burol meetup.
- Ayokong ililibing ako sa madaming nakalibing na. Ayoko sa public cemetery. Gusto ko, may sarili akong burol (hill). Dun ako malilibing mag-isa. Ayoko sa bahaing lugar. Kaya wag niyo kong ilibing sa España, Manila.
So far, yan pa lang mga demands ko. Dadagdagan ko pa yan pag nakaisip ako. Ciao!



Ipinaskil ni peyt noong Pebrero 13, 2009 bandang 1:00 hapon
napakademanding mo nmn…
wag ka kcng isip ng isip!!!
Ipinaskil ni fhranz noong Pebrero 13, 2009 bandang 1:04 hapon
waahh wag naman 45..hindi ka pa dapat mawala sa ganung edad, try to experience da senior citizen discounts..hehehehe
nice naiingit naman ako, may pre-burial meeting…hehehehe
naku aakyatin ko ung burol na un just to give you flowers, light candles and pray for your soul..
Ipinaskil ni fhranz noong Pebrero 13, 2009 bandang 1:06 hapon
naku kung naisip mong ganun un..hindi mangyayari yan kasi naikwento mo or na ilabas mo thru ur blog.. kasi sabi nila according to da seniors once na may ganyan kang panaginip or pangitain at naikwento mo or na ishare mo sa ibang tao or kung kanino man, hindi na daw yun matutuloy
Ipinaskil ni mangbadoy noong Pebrero 13, 2009 bandang 2:56 hapon
ayokong ilamay at ayaw kong ilibing sa sementeryo gusto ko cremation tapos yung buhangin ko sa dagat na lang itapon or gawing pataba sa lupa…
ayoko ng madrama namatay na nga ako mag geget together pa at mag iiyakan pa sa lamay ayoko ng ganun…
Ipinaskil ni gudang noong Pebrero 13, 2009 bandang 6:13 hapon
“Ayoko sa bahaing lugar. Kaya wag niyo kong ilibing sa España, Manila.”
–ahahah! grabe super! lecheng lugar yun, parang yun ata yung sa Noah’s Ark.. ahahaha
ako pag namatay, gs2 ko kanta yung “i will be here”.. para creepy. tas “i’ll be there for you”.. mga ganun.. pra ma-fil pa din yung presence..
ahaha.. ba’t ba usapang patay.. nakktkot pa.. ayaw..
ge ayun lang.. wag ka muna mamamatay..
mgblog ka na muna.
slamat sa pagdaan pala..
–gudang!
Ipinaskil ni jose noong Pebrero 13, 2009 bandang 9:13 hapon
ano naman nilamon mo at nagiilusyon ka ng ganyan? gusto mong ihulog kita mula sa window mo?! haha
tsk. wag magiisip ng ganyan. bad.
Ipinaskil ni flamindevil noong Pebrero 14, 2009 bandang 8:54 hapon
wow this is really morbid.wala lang.hehe
Ipinaskil ni stef noong Setyembre 30, 2009 bandang 9:19 hapon
panalo.
*tayo.palakpak.peew-weet*
Ipinaskil ni aKDa noong Oktubre 3, 2009 bandang 8:14 hapon
hahaha. naks, may standing ovation ako!! LOL.