Una, sa bus nung pauwi ako galing Nueva Vizcaya… nung January pa yon.
Mama : ang cute mo, anong pangalan mo?
WTF talaga?! As in, eeee… Katakot! Inaantok na ko nun, pagod na pagod na kakabyahe, at kulang sa tulog, dahil ginagawa kong magkapitbahay ang Sta. Rosa, at Bayumbong, e please naman. Patawarin na ko ni Papa Jesus, pero PUNYETA, wag na kong demonyohin ng mga mamang gustong maglandi. Im not interested. At hindi ako kyut, for Christ’s sake! Grrr…
Pangalawa, pumunta akong airport para awayin si Kuya Buge, dahil iiwan niya na ko. Well, di naman kami nag-away. Hahaha. Nung pauwi na ko, nag-taxi ako, atnagsimula akong kausapin ng mamang driver. Tangina, alam mo yung feeling na gusto mo na lang magmuni-muni kasi alas kwatro pa lang gising ka na, tapos kakausapin ka pa ng isang mamang ewan ko kung feeling niya e limousine yung minamaneho niya. Ang scary kaya! Saka, excuse me, estudyante naman akong matino, at wala akong balak pumatol sa taxi driver.( Sana kung yummy siya, pero hinde… LOL) At ang lakas ng loob niyang kausapin ako no. Putangina naman. Basta, nakakawindang, tinatamad lang akong ipaskil ang buong usapan, dahil nga tamad ako.
Kaya imbes na dun ako bumaba sa kung saan ako nakatira, sa USTe na lang ako nagpahatid, ang scary kaya, mamaya paglabas ko ng building na tinitirhan ko, andun na lang bigla yung mamang panget. (Praning Mode). Ugh.
Ano ba naman to, mukha na ba kong ganun katanda para pagtripan ng mga matatandang tigang?! OH-EM-GEE. Magpapapanget na lang ako everyday of my life.
Papa Jesus naman, humihingi ako ng love life, pero parang awa mo naman, kung ganito na lang ang mga natitirang lalake para saken, magmamadre na lang ako.








Ipinaskil ni wei noong Pebrero 21, 2009 bandang 4:07 hapon
bwahahahah!! well well well… kakahanap ng lovelife..hayan!!
Ipinaskil ni jose noong Pebrero 21, 2009 bandang 4:35 hapon
no comment. haha.
–
OT: kumusta na cellphone mo?
Ipinaskil ni fhranz noong Pebrero 21, 2009 bandang 9:37 hapon
awww nakaka takot nga un..
parang llumabas na maakas ang appeal mo sa mga elderly..ahehehehe
don;t you worry
hinahanda pa ni Papa Jesus ung para sayo tlga..
Ipinaskil ni jose noong Pebrero 23, 2009 bandang 7:19 umaga
wala lang. para lang makapagcomment. haha.
tama si kuwa wei.
“kakahanap ng lovelife..hayan!! ”
bwahahaha… PEACE!