When Juliet Blew It Off

Alkohol at sandamakmak na stik ng yosi. Tsktsktsk. Not good. Definitely bad. Not just for your health but even for your lovelife.

Yesterday afternoon, nakasalubong ko sila Dio, Marc, Vince, Rico, and whodahells, sa corridor ng AMV, kakagaling lang namin ng Lacson for a yosi and siomai break. Nagkabatian, nagtawanan kung gaano kabakla si Marc, at kinwento nilang may inuman sila mamaya. I told them I have classes till 5:45, and Dio, with that evil intention of making me feel guilty, said, “Ako nga, hanggang 7:30 pa class ko, pero susunod pa din ako. Ikaw, hanggang 6 ka lang, tapos… blah blah blah.” So much for friendship. Pero hindi ako nagpahatak dahil mahal ko sila, kaya ako pumunta, kasi uhaw na uhaw na ko sa alkohol.

Bago umuwi, kinamusta ko muna ang laptop ko sa TYK, sa may Varsitarian. At sabay na kaming lumabas ng TYK ni Caryl. She was smirking, and I was smiling. **** is going to be at the inuman session. At sa kanya ko na lang kukunin yung laptop ko.

Ang plano ko, dahil aantayin ko pa si Dio after ng klase niya para sabay kaming pumuntang Tapsi, uuwi muna ako, dahil kasing baho na ko ng ashtray. At dahil madaming laman ang bag ko dulot ng VB book, e iu-unload ko muna sila sa bag ko, para naman hindi masyadong mabigat ang bagahe ko pag nasapian na ko ng espirito ng alak.

Nakauwi ako, nakapagbihis, at nakarating sa baba ng AMV, para antayin si JC at Dio.

Naunang dumating si JC, galing Balay, at lasing na din.

aKDa : ambaho mo pre.

JC : grabe ka naman gurl!

Antay-antay…

Nainip si aKDa, at tinawagan si Dio, hindi sinagot, at nag-text, “W8″ Hokey!

Antay-antay…

Antay-antay…

Nakita namin si Shox, Loree, at si Lazaro nga ba yong isa nilang kasama? Usap-usap. Antay-antay. Napagusapan ang patapos ng thesis nila Shox, at nagyabang kami ni JC na tapos na kami. Hahaha.

“Uy, Dio, ano ba yan?! San ka ba galing? Tagal-tagal mo naman! Tara na!”

“Teka, magwi-withdraw lang ako”

“Naks, pawithdraw, withdraw, pengeng pera!!” <–partida na, hindi pa ko nakakainom niyan.

Nagwithdraw. Nag-babay kina Shox, at hinatak na si JC.

Naglalakad na papuntang Tapsi.

Nakasalubong si Mariel (ang hot ni Mariel), at nagsigawan.

Mariel : san kayo?

aKDa : Tapsi.

Dio nang-aasar habang naglalakad sa Dapitan.

aKDa : Tangina, pag nilaglag mo ko mamaya. Tangina. Tama na nga! *naasar daw, pero kinikilig din*

Dio : Hinde. Para nga maubos na mamaya pagdating natin ng Tapsi.

Pagdating sa Tapsi. Pukingina! Jackpot! Hindi pa umuuwi si ****. At may hawak siyang sigarilyo. Gusto kong sabihing, “hoy, kelan ka pa nagyoyosi?!” Kahit alam ko naman kung kelan siya nagyosi. Haha.

Malayo kami sa isa’t-isa. Siyempre, wala lang sa kanya yon. Kaso, naaasar ako. Si Dio kasi, ibinabandera na naman ang kanyang shit eating smile. Hindi pa ko masyadong makulit. At hindi ko pa masyadong inaasar si Marc na bakla siya.

Dumating ang panahon ng kanyang pag-uwi. Nila pala, I mean. Madami silang umuwi e. Kwentuhan… Kwentuhan… Asaran.

At naasar ako kay Marc. Tangina Marc. Nakadalawang pakyu ka saken. At sandamakmak na mura.

Jc : Mag-sorry ka boy. Pramis. Mag-sorry ka talaga. Yung seryosong sorry.

aKDa : NR kunware. Pero naaasar na talaga ako.

Nagkabati. Umalis na si Dio pagtapos ko siyang iorder ng isang bote.

Sinumbatan ni aKDa si Dio tungkol sa SAD. Pero umuwi pa din siya. Ohwell, mahirap gabihin pag pauwi ka ng Tondo. Haha.

Nagtext ako kay ****. At sa hinaba-haba ng kwento kong to.

Ang summary : I some kinda made amin-amin to ****.

Ang judgment ni Caryl, “para kang nagpropose pare…blah blah… hindi ko naman alam na ganyan ka kaseryoso kay Romeo.”

Tangina.

TANGINA.

Bahala na. Hindi ko alam kung paano ko pa siya babatiin kung saka-sakaling magkasalubong kami sa corridor ng AMV. Kung makasama ko siya sa Lacson.

Basta, paninindigan ko na to. Bahala na si batman.

Nung nahimasmahan na ko, I thought, “anong pinaggagagawa ko?!”

Oo nga pala. Di pa daw siya ready, gusto pa niyang ienjoy ang pagpapariwara. Ako si gaga, sabi ko, sige pag nagsawa na lang siya sa pagiging malaya.

PUTANGINA.

At ilang segundo lang bago ko matapos tong post na to. Tumugtog sa MTV ang Love Story.

****

****

Romeo save me they try to tell me how to feel
This love is difficult, but it’s real...

4 Tugon to this post.

  1. weee

    ok lang thru txt lang naman eh..tska tsong ayaw niya nun..ung babae na nag tatapat sa knya..ibig sabihin ganun mo xa kamahal atganun kalalim ang pakakahulog mo sa knya.hehehe

    yaan mo mapapagod din sa sa pagkakapariwara niya..hehehe

    aKDa : sana mabilis siyang magsawa sa pagpapariwara niya…

    Tugon

  2. sige. ichcheer kita. haha

    arf arf!!

    aKDa : sige, simulan mo ng mag-vocalize.

    Tugon

  3. oo sige ganyan naman talaga ang mga LASING, ang lakas ng LOOB! hahahaha! Gudlak!

    aKDa : oo nga. lecheng alkohol yan! haha.

    Tugon

  4. … lalake! lalake! puro ka lalake!!! aral ka muna! lol.

    aKDa : siempre kailangan ng inspirasyon!

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito