.sobra. waterfalls. free fall. hard core beating of my heart.
hindi ko maintindihan. isa ka na nga sa mga perpektong nilalang, at ayon sa ating common friend, bukod sa ngipin mo, e wala na siyang mahanap na flaw sayo. ako nga, hindi ko napapansin yung ngipin mo.
bat ba sumasakay ka sa trip ko? feeling mo ba nagt-trip lang ako? ako, hindi ko nafi-feel na nagt-trip lang ako. pero tandaan mo, darating ang araw, ipaparamdam ko sayong hindi ito lokohan. darating tayo dyan. sige, sa ngayon, ituring mo muna akong pare. oo. pare.
yun pa yung masakit. hindi man lang ako kandidato. lagi na lang akong nage-exist as kaibigan. kainuman. kakwentuhan. PARE.
akala ko magiging awkward yung mga sandaling kasabay kitang maglalakad. sabi kasi ng friend kong guidance councilor. magiging ‘critical’ daw ang ating unang MULING pagkikita. ang ating muling pagkikita mula nung event kung saan mejo some kinda tinapon ko papunta sayo yung feelings ko. in short, yung para bang umamin ako. pero siguro naisip mo, nant-trip nga lang ako. kaya ganun, back to normal pare.
kanina, yung ating muling pagkikita. hindi ko naman sinasadya. hindi naman ako handa. pero pare, tinadhana. ayun, nauwi sa inuman. well, hindi naman talaga tayo uminom, tumikim lang tayo. isang bote pare.
yung naguusap tayo habang naglalakad. oo, naririnig ko yung mga sinasabi mo. naiintindihan ko pa naman. at kahit papano’y nagreregister pa din naman siya sa utak ko. pero may nagvo-voice over. “wow. shit. kinakausap niya ko. finally.”
pero siyempre pare, hanggang dun lang.
nung magtrip tayong gawin ang isang bagay na pinagbabawal sa institusyon natin, walang kimi-kime, malakas ang loob ko. pati ikaw. siguro, ayaw mo kong makasamang mag-isa, kaya naman pinilit natin ang isang kaibigan. at tayo’y nagkasala. sa batas ng ating institusyon. small deal. pero kung nahuli tayo, pwede tayong ma-kick out. ako, ok lang, on the edge of debarment na din naman ako. pero ikaw? pare naman. wag sirain ang pagiging perpekto.
yes. i broke the law. but i broke it with you. and with another friend. but still with you. so, that’s fine. plus, wala namang nangyaring masama.
tara. let’s break rules again. together. someday. i wish.



Ipinaskil ni sigrid noong Marso 6, 2009 bandang 10:53 hapon
kawawa naman yung another friend…hahaha
Ipinaskil ni jose noong Marso 7, 2009 bandang 6:53 umaga
what rule? haha
Ipinaskil ni fhranz noong Marso 7, 2009 bandang 8:47 umaga
nice moment mo talga un ahh..
talgang kahit anung mangyari ma kick out man ikaw or what basta SIYA ung kasama mo ayos lang ang lahat…
LOVE keeps you breathing and moving..
go tsong!!
go akda
Ipinaskil ni wei vines noong Marso 7, 2009 bandang 2:16 hapon
moment mo nga to…yun lang