eHeads The Final Set Adventure

MOA Concert Grounds. 8pm. Eraserheads. The Final Set.

Kwento.. Kwento..

March 7, 2009. 1:45 in the morning.

Ate Tarah : Tal, may ticket si Knight sa eraserheads. sama ka? kaso, bronze nga lang.

aKDa : *naalimpungatan mula sa kanyang pagtulog* waaa! hindi ako makakasama! gagawa kami ng vb! asar!!!

Paggising ko ng 8am (late na para sa kanyang klase), akala ko, panaginip lang ang lahat. Aww. Paasa. Pero hindi true to life siya. Hahaha. Pero akala ko talaga hindi ako makakasama.

So, ayon, dahil maaga kaming umuwi dahil wala naman pala kaming accounting, na ikinatuwa ko at ikinainis ng ibang tao, nakauwi ako ng maaga pagtapos naming magbilyar nila JC at Bogs.

Pagdating sa bahay. Sabi ni Ate Tarah, 7 daw kasi yung bronze tickets ni Kuya Knight. Sayang daw yung iba. Basta ako, pinatos ko na kahit bronze. LIBRE E! Inimbayt ko pa yung isa kong friend,

aKDa : eheads concert mamya. 8pm. MOA concert grounds. sama ka? bronze nga lang ticket.

mariel : punta ko. silver kami.

HAHA. Pahiya ako. Sorry naman sa mga silver.

March 7. Around 7pm. Nagpapaikot-ikot kami sa MOA dahil ang hirap magpark. At ng makapag-park na sa may “No Parking” sign, sibat na kami. Sugod na!

Pagkakita namin sa bronze, pota uber sa kalayuan. Pero sige papatusin talaga kita bronze!! May apat pa kaming spare tickets at balak na lang naming ibenta. Pang-kain. Haha.

At ng marealize naming ayaw talaga namin sa bronze, ginawan naman ng paraan ng friend ni Kuya Knight. Ang nangyare? Ang bronze, nakapasok sa Silver A. LULS.

Ayan, naging crew pa kuno kami ng San Miguel. Haha. Mga delivery crew at technical crew daw yan e. hehehe.

Pero kiber lang namin.

Hindi masyadong laganap ang populasyon ng mga Jologs. Marahil ay dahil ito sa kamahalan ng tickets. Pero di maiiwasan ang panaka-nakang paglitaw ng mga Jologs. Siempre, meron namang mayayamang Jologs no. Meron pa ngang isa nung papunta na kami sa lugar kung san kami nag-park, merong Jologs na may hawak na banner, nakalagay, “Anti-Love” chorva. Kiber lang niya kung binabato na siya ng mga tao ng plastic bottles. Hahaha.

Bongga yung PAYERWORKS sa ending. Pero siempre, hindi kasing-bongga ng fireworks ng USTe pag paskuhan. Hahaha.

At oo. Scripted yung ending na yon. Sabi na e. Kasi, hindi pwedeng hindi nila tutugtugin ang Ligaya at Toyang. Ayun, nung ‘inakala’ naming tapos na, nadisappoint lang ako, dahil wala akong narinig na “sagutin mo lang ako aking sinta’y walang humpay na ligayaaaa…” E anuber, siempre, kelangan ko ng sumama kina Ate Tarah at Kuya Knight na lumabas. Or else maiiwan ako at gagastos pa ko ng pamasahe pauwi. Siempre dun na ko sa libreng sasakyan. LOL.

At nung nasa labas na kami. Saka sila bumalik para kuno sa kanilang three for the road. Ok fine. Nasa labas na kaya kami. Ampota. Anyway, ayun, nakisilip na lang kami sa labas.

Masaya naman. Lalo akong masaya kasi libre. At ang aking pagtitimpi sa yosi ay nawalan ng saysay dahil sa OA ang alikabok. Sige, bahala ng hindi makahinga. Pota.

Pahabol. Naingget ako sa mga nasa bleachers ng VIP. Tangina niyo. Hahahaha. PEACE!

NEXT STOP :
SAKAY NA! LOLS.

5 Tugon to this post.

  1. i love eheads

    i love kamikazee

    i love PNE

    you’re one lucky person!

    aKDa : i know… ang saya! and i love PNE and kamikazee and eheads too. haha.

    Tugon

  2. Ipinaskil ni spitfire noong Marso 12, 2009 bandang 9:43 umaga

    um, ung nasa bleachers eh mga family and friends of the band.
    adun cla lally, cla lyra, cla ms.day and diane.

    aKDa : yun nga e. naingget lang ako. hahaha.

    Tugon

  3. Ipinaskil ni gudang noong Marso 12, 2009 bandang 5:52 hapon

    swerte. amf. lahat tlaga ng entries na about sa eheads final set pinatos ko ng basahin!!! ahahaha.. :D swerte mo, apir!
    lalalalalalabb! :D ELY at Chito at Jay. OMG. ♥♥

    aKDa : haha. ang sipag mo. congrats!

    Tugon

  4. Ipinaskil ni niconist noong Marso 13, 2009 bandang 5:17 hapon

    tlgng suxesful yung concert.. and bute dpa kme nkalabas nung 3 for tha road n..ayun siksikan n.. silver nga pla aq.. xP

    aKDa : wow. baka nagkabungguan tayo dun. haha. daming tao grabe.

    Tugon

  5. Ipinaskil ni watuber noong Marso 18, 2009 bandang 5:08 hapon

    powtek!

    naiinggit aq! wahahha
    hayup nman oh!…eh qng malaki laki lan katawan q pumunta q jan at nakipag siksikan ahihi

    bka mabali kc mga buto q eh arwo0h!

    hanep ung mga nkalusot kumuha ng videos…
    nakita q pinapano0d ng utol q sa utube ung super proxy!

    waaaaaaaaaahhh! HOMAYGADNESS!!!!!!
    kinilabutan aq ahuhu!

    ELY!…powtek! ur d man!
    inuuhog pa lan aq..di pa marunong magsuot ng salawal mag isa..IDOL na KITA!!!

    wahahahaha

    asteeeg! lufet!

    aKDa : wow. fan na fan ka nga… nakalusot nga din ako e. hindi ko nga alam na bawal pala. hahaha.

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito