Okay. So basically, my third year in college sucks. Sa taong to sobra akong nagpakawala. Dahil siguro wala ng nakabantay saken. At marahil ay dumadami ang aking mga kaibigan. At lalo pala akong nagiging bakla.
Bukod sa pumanget ako lalo, e napagtanto ko na nitong pangatlong taon ko sa kolehiyo, dumating ako sa point na gusto ko na lang lumaklak ng lumaklak. Stressed? Nung una siguro stressed talaga ako. Pero putangina naman, tumatagal ba ng isang taon ang stress?!? Yung tipong ayoko na lang pumasok. Malapit na kong ma-FA, at ang naging resulta, bumagsak nga ako ng FinAcc. At sa ikalawang pagkakataon, e maaari na naman akong bumagsak dahil sa hindi pa din ako pumapasok. Ikaw ba naman kasi, sisipagin kang pumasok, SABADO NA NGA, ANIM NA ORAS PA?! ano? ano? ano? amplastik mo kung sasabihin mong mageenjoy ka. Babanatan kita.
Anyway, last year, parang di pa ko masyadong nababaliw sayo. Hindi pa kita masyadong naiisip. Ngayon, ewan ko, lalo ka na ngang pumapanget, lalo mo pa kong pinepeste? Leche. Dumating na nga ko sa point na asar na asar na ko sayo e. Ewan ko bat naging ganito. Nyeta.
Masaya naman ang kabuuan ng third year ko. At eto, para dun sa babae sa guidance office na ipinamumukha na walang pressure sa PSBA, “hi sayo!” at pinaparamdam niya talagang enjoy na enjoy siya. Oo, alam kong malaking bahagi ng populasyon ng AMV ang halos wala ng social life. Ibahin mo ko. Naeenjoy ko ang buhay ko. Sa sobrang enjoyment nga, e lumalagpak na ko. At para sa iyong kaalaman, hindi kaproud-proud sabihin na pumapasa ka ng walang kahirap-hirap. Victory is sweeter kapag pinaghirapan. Pag dinugo ka ng todo todo. At pag napaire ka hanggang wala ng lumabas na utot at pawis sa katawan mo. Yun ang matamis at masarap na pagpasa. nagsalita ang magaling…
Sabagay, dumaan din ako sa phase na gusto ko na lang ung easy victory. LEAKAGE! Wag na tayong maglokohan, sa mga tamad na tulad ko, masarap na biyaya talaga ang pagdating ng mensahe na puro numbers, at puro letters. Kung hindi mo nagets yung dumating sayong message, e idelete mo na lang at isiping na-wrong send yung kung sino man yon.
Pero nagsawa din ako sa leakage. NAKAKABOBO. Nakakabura ng dignidad. At nakakababa ng pagkatao. At siempre, idagdag na ang pagkatakot ko nung inakala kong maeexpel na ko. Pero hindi nangyare, dahil love ako ni Papa Jesus.
Ang haba, gusto ko lang sabihin dun sa babae, “Hindi ko kailangang lumipat ng PSBA para ienjoy ang college life ko, asshole. Masarap magenjoy habang nag-aaral sa University of Santo Tomas Alfredo M. Velayo-College of Accountancy.” Pero ngayon ko lang masasabi yan. Maaari din kasi akong masibak sa college ko. Hayy… aKDa talaga, you always want to learn it the hard way babe.
Ang weird, wala akong maramdaman. Hindi ako masyadong nage-enjoy. Hindi din ako masyadong nalulungkot. At lalong hindi ako naiiyak sa posibilidad na madedebar ako. Ewan ko. Walang akong pakiramdam. Siguro dahil sa mga pula pulang spots sa katawan ko na hindi naman daw chicken pox kundi allergy lang daw.
Anyway, sideways, madami namang nangyari sa taong to.
-Dio’s birthday to start off. Whoa. Wala lang. Sarap uminom! At nakilala ko ang kanyang high school friends niya, Jigs and the others. Na naging kainuman ko din.
-Nalipat ako ng section. Mula sa pagiging a2, naging a9 ako. Excuse me, hindi ibig sabihin non, e bobo ako kaya ako nasa 9, random yun. At dumami ang friends ko ng dahil don.
-GA ng JPIA. Ang saya. Kahit nakakahectic, nagdugo yung kuko ko dahil sa muntik na kong madupa* nung ayaw gumana yung audio namin, at kahit na muntik na kaming magaway-away, at kahit na nagcram kami ng sobra, okay naman. At nagenjoy ang lahat ng mamamayan ng a9.
-yosi buddies! jc, mushi, gian. mwah.
-bitches. shox and tin. mwahugs.
-Nakilala ko ang psych friends ni Jigs. At naging kainuman.
-talamak ang pagch-cheat ko. Umabot sa point na kadiri na siya. At nawalan ako ng dignidad.
-nakilala ko ang mga nakakatuwang nilalang ng a1. si gab, si juancho, si ram. etc.
-natanggap ko na ang rnb. Dati kasi, gay music ang tawag ko dun. E since nagkaron ako ng rnb friends na nagdala sakin sa mga bar na hindi ko maatim pasukin dati, ayun, ok na sakin ngayon. At tanggap ko na sila T.Pain, Timbaland, and the kind.
-naging friends kami ni Jaocian matapos akoing maging late lagi sa klase niya, at nagustuhan ko din ang Cost Accounting. Akshalli, favorite ko siya as of now.
-naging friends(?) din ata kami ni Rexie after kong sabihin sa kanyang nakakatamad ang klase niya kaya hindi ako pumapasok.
-naging crush ko si Sir Apollo, kasi partner yung pangalan namin. Haha. Joke. Hind, mabango daw kasi siya sabi ni Myla. O baka naman kasi lagi siyang tumatangu-tango. Parang may nerve disorder. Hahaha.
-naging crush ko din pala lalo si ****. Hahaha.
Makalipas ang isang semestre, bumagsak ako ng accounting. Pero keri lang…
-Naging a12 na ko. Astig, evening sessions na. From 3pm to 7:30 ang pinakalate. Natuwa nga ako kasi kahit papano, naranasan ng katawan ko ang iba-ibang bugbog na dulot ng iba-ibang schedules. Naging morning kasi ako nung first and second year ko. Then mid nung 1st sem ng third year. At ngayon, evening na ko. Mga aswang na kami. Ang masaya lang dun, kahit anong oras pwedeng gumising, wag lang lalagpas ng alas tres yung gising mo, para hindi ka maminus-an ni Inoturan.
-nadagdag sa yosi buddies ko si bogs. at nabawas si gian at si mushi.
-nagbe-bake at nagbebenta na si kuya pao! sarap ng brownies! kumikitang kabuhayan!
-mas lalong naging talamak ang pandaraya ko. umabot na ko sa straight leakage. kadiri. nawalan ako ng respeto sa sarili ko.
-lalong lumala ang pag-absent ko. yung tipong mae-FA na talaga ako. At wala na kong natututunan. Ang resulta? Bagsak karamihan ng prelim grades ko. Nagising ako, at humabol ng finals. Turned out, hindi ko na kayang hatakin si Law2. Kaya ayun, lagpak na. Wala na kong magagawa, naencode na e. At wala na kong balak magmakaawa. Mahiya naman ako. Kasalanan ko naman yun. Konting pride para sa sarili.
-2 weeks bago magprelims. Inaral kong mabuti lahat ng dapat aralin. Natuto akong mag-lib, at naging paborito ko ang humanities section. Masungit kasi yung rumoronda don, kaya medyo tahimik kumpara sa Soc Sci. Oo, namiss ko yung ganitong feeling. Na pinaghihirapan ko talaga yung pag-aaral ko.
-Sa accounting, nawalan ako ng pride. Oo, nagcompare answers ako e, pero nagsolve pa din ako. Bastusan na. Para sa debarment to!
-bat ba kasi hindi nanalo yung Todo Landi na partido na Myla? Para sana wala ng debarment pa ngayon. hahaha.
-naasar ako ng bonggang-bongga sa mga kandidato. Asset? Lakasdiwa? Ewan ko. Pare-parehas lang sila, kung bakit? masyadong mahaba, magpopost na lang ako ng bago na tungkol lang don.
-dumami ang sleepovers dito sa condo.
-mas lalo akong naging gastador.
-mas lalo ko siyang minamahal. at umamin na ako sa kanya. WTF?! napaka-lowlife ko naman!!!
-nakarating ako ng UPLB na ang alam ng mga nilalang e nasa Espanya ako.
Ayan, ang haba na. Tinatamad na ko. At alam kong tinatamad ka na din magbasa. For more information, please contact the dean of the college of accountancy. Pakisabi, bigyan ako ng second chance, third chance, fourth chance, chance to infinity and beyond.
——————————-
*madupa – madulas + madapa








Ipinaskil ni fhranz noong Marso 24, 2009 bandang 7:02 umaga
weee i misshhhuuu subbbbrrraaa..
ok lang yan akda, lahat ng estujante dumadaan sa mga ganyang bagay, un nga lang yung sa part mo mejo lumala..heheh pero keri lang, tao ka lang naman eh,
mas enjoy naman tlgnag ang inuman and friends diba??
hahahaha
malay mo dis year magbago ang lahat diba…
Ipinaskil ni Pepe McKunat noong Marso 29, 2009 bandang 12:03 umaga
ansarap magkaroon ng LEAKAGE.
minsan ngkaLEAKAGE sa CHEM11 namin.
ang nakaktuwa doon,
isa lang ang pumasa.
Ipinaskil ni aia noong Abril 6, 2009 bandang 2:41 hapon
hindi ko alam pero binasa ko ng buong buo ang post mo. ang haba. pero nagenjoy ako. naparaan lang lang dahil naghahanap ng mababasang matinong blog.
ps. wag ka na pumatol sa leakage unless wala namang kwenta ang subject at hindi mo rin naman ikakaunlad kapag natutunan mo yun. pero syempre joke lang to, wag na magcheat.:p
Ipinaskil ni walongbote noong Abril 8, 2009 bandang 5:11 hapon
according to studies 3rd yr. talaga ang panahon kung saan, lahat ng kalokohan nagsisimula.. najan na lahat ng temptation, at najan na pumapasok ang sinasabi nating gustong itry lahat… ako nung 3rd yr. din ako napasabak sa mga inuman.. kaya masasabi kong TESTED xa…
Ipinaskil ni GINO ONG noong Abril 28, 2009 bandang 11:46 umaga
wah!
pano yan..
magthi3rd year na ako!
wah!
si BRO na bahala sa akin..
Ipinaskil ni PinoyEngine noong Mayo 2, 2009 bandang 8:49 hapon
hala kinabahan na akong mag college.
Ipinaskil ni batopik noong Mayo 5, 2009 bandang 8:48 hapon
hahaha! GO AKDA!!!
keri yan!
Ipinaskil ni sir31770 noong Mayo 31, 2009 bandang 9:42 hapon
Mas masarap pag napapagsabay ang kalokohan sa pag-aaral. Yung tipong gago ka pero di ka bumabagsak kahit walang leakage. Yun ang astig… Yun ang masaya…