May asthma ka ba?

Patapos na ang summer classes. Ang init. Ang lamig. Di lang pala ako ang confused, pati si pareng weather litung-lito na din kung magiinit ba siya o bibigyan na ako ng cold treatment. Hay buhay, parang life.

Last lecture na namin kanina sa Marriage and Family. Bukas, final exams na, nagpaphotox kami ng 54-page na handout para rebyuhin, pero wala pa kong nababasa kahit yung first page. Kuntento na ko sa pagiisip, na kasama ko sa Copytrade kanina yung crush ko.

Pero hindi ko sasayangin ang 27 pesos na dugo at pawis ng mga magulang ko. Aaralin ko mamaya yung pesteng handout na yun, na sana, kung bingay na samin before pa magstart yung lesson na yon, e sana nabasa ko ng mas maaga, at konti na lang sana ang aaralin ko ngayon. (ulul).

Final exams na din namin sa Law2 bukas. Alam kong mataas yung prelim grade ko sa Law2. At alam kong hindi nambabagsak si Garayblas, pero gusto ko kasi sanang maka-uno. Para ma-in-your-face ko sana si Inoturan. Hay… Pero pano naman ako makaka-uno kung hindi pa rin ako nagbabago. Tulad pa rin ako ng dati. Laging hindi pumapasok, at tamad mag-aral. Ewan.

Well, anyway, ang drama drama naman ng post na to. Naalala ko lang naman talaga si Garayblas kasi patapos na yung summer sessions namin sa kanya. Eto kasi yun…

Isang araw… pumunta ako sa tindahan ni aling nena para bumili ng suka…

Napansin niya yung classmate naming si X…

G : bat parang parati kang absent?

X : sir, nagkasakit ako e.

G : anong sakit mo?

X : asthma sir.

G : nakupo, mahirap yang asthma na yan, lalo na sa lovemaking, mahirap pag inatake ka bigla.


Hahaha. Yun lang. Ikaw, may asthma ka ba?

8 Tugon to this post.

  1. hahaha. na windang ako.. lol. delikado pala pag may asthma. haha. good luck sa pag aaral naman. magsipag ka daw kasi! hahaha.. :P

    Tugon

  2. HAHAHA! Adik pala talaga yang si Garaba….anu ba yan nosebleed.
    Hakhak! Magaral ka na! Galingan mo! *charots* hakhak!
    Pagdadasal kita…………………………………AMEN.
    HAHAHA!!! :p

    Tugon

  3. LOL.. So musta yung exams?

    Tugon

  4. ekkk???!!! alam niya ah…siguro may asthma din siya..hihi

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito