Nagp-playback sa subconscious mind ko mula nung weekend pa yung kanta ni Afroman(?) na Because I got high. Aruknoway!!! Bukod pa yan sa ka-alternate nitong pagka-LSS ko sa pagsemplang ni Regine Velasquez (i know, i know, luma na, naalala ko lang ulet e) sa kanyang pagkanta ng Listen. I’m in ni position to judge, I’m just stating my opinions.
Naisipan kong silipin ang aking Blogroll kanina, napansin kong ni hindi ko na nga nadadalaw ang ilan sa kanila. At ni hindi na din ako dinadalaw ng marami sa kanila. I mean, lahat sila.
HAHAHA.
Bummer, wala naman sakin yon, naisipan ko lang na maglinis ng blog. Sa katunayan, deleted na lahat ng drafts ko, dahil alam ko namang hindi ko na sila mababalikan. Hindi ko na maibabalik ang mga pangyayari na dapat sana’y naipaskil ko dito sa aking blog, pero mas pinili kong itambak sa drafts. Wala na ang emosyon. Kaya kung maituloy ko man ang pagsulat sa kanila, hindi na kasingalab ang damdamin na aking mano-note. At hindi na makatotohanan ang mga maraming bagay, dahil magiging exaggerated na lamang ito.

Normal.
Maglilinis na ako ng Blogroll, at magsisimulang muli.


