Parang aso lang ah. Alam mo ba kung ano ang sunod na nakakainis kapag nalaman mong magiging tatay/nanay ka na? Yun ay ang magising sa bangungot ng baradong ilong.
SIPON.
Oo na. Mas malala na nga yung ubo/sipon combo ko nung nagka-H1n1 ako, pero kamusta naman tong sipon ko ngayon? Bakit siya malabnaw? At andami dami ko pang sneezing moment ngayon! Kamusta naman yung pago-orchestra ng singhot, singa at hachoo ko dito sa bahay?!
Una, mauubos na ang mga tissue. Sunod, ayokong pumapasok ng may sipon dahil pag nakayuko ako o nagsusulat, maaaring tumulo siya ng hindi inaasahan. O di kaya’y ma-aching ako at di ko matakpan yung ilong ko, e tumalsik sa seatmate ko yung uhog ko.
MAJOR DISASTER YUN PARE.
Decolgen ang karamay ko ngayon. No-Drowse, para walang tulugan.
*sniff*sniff*
Parang aso lang.


