Almost Done With No Chaser

Kasi boring kang kainuman.

Kasi, boring ang mga kasama nating kainuman.

Kasi, boring ako.

Sunday night. Birthday ni Bebe Dian. Siempre, naglaklak kami ng madaming vodka, at lumagok sila ng madaming Four Seasons (mga tipong 20 seasons na yung natagay nila). Tamang Trip. Almost wala na kaming chaser.

Extra Challenge : Tipirin ang isang basong sprite sa buong magdamag.

CONGGGGRRRACHULEYSHENS!

Astig tayo mehn.

Hindi ako nalasing that night. Dahil hindi boring sina Mac, Mervin, at utol kong si Jan. HAHA! Saktong antok lang. Sarap ng tulog ko after.

Nabuo tuloy ang realization ko. Na kaya ako nalalasing, pag hindi ako masyadong dumadaldal. O kaya, pag masyado akong dumadaldal, pero AKO lang yung dumadaldal, at wala kang partisipasyon. Wala akong kalaro, kumbaga.

Ngayon, alam ko na kung bakit ako nalalasing. ASTIG. Ikaw, alam mo bang boring ka? HAHAHAHA.

6 Tugon to this post.

  1. ayos! di ko ata kaya uminom ng vodka ng walang chaser

    Tugon

  2. waw!!! cool!! oo alam ko boring ako..nyahahhaha!! kaya minsan tinatamad na din ako dumaldal… =P

    Tugon

  3. isang baso ng sprite lang ang tulak? ayus ah.. ahaha

    Tugon

Tumugon sa paskil na ito