Masaya ang childhood ko. Pero sa tuwing makakakita ako ng ganitong post sa 9gag (kung saan ako nagtata-tambay nitong mga nakaraang panahon) ay feeling ko andami ko pa din na-miss. Parang hindi pa rin kumpleto ang childhood ko.
Nakapaglaro naman ako dati ng Gameboy, pero hiram lang sa pinsan ko pag nagbabakasyon ako sa kanila, kasi wala kaming pambili. Nagkaroon kami dati ng Family Computer, tinry ko maglaro ng Little Mermaid kasi babae ako at yun ang ibinili sakin ng parents ko, natapos ko din naman yon pero mas gusto kong laruin ang Super Mario na ibinili naman para sa kapatid kong lalake, well dahil lalake siya.
![]()
Hindi ko rin maintindihan ang logic ko nung bata ako pero kahit meron kaming Family Computer noon, nung napagsawaan ko na, ay hinihiram ko naman ang brick game ng kapitbahay namin. Sabi ko pa sa Tatay ko, ibili niya ako ng brick game.
Tatay: Bakit anak, mas gusto mo ba yung brick game kesa sa Family Computer?
Ako: Oo.
Tatay: Ha? E di ba mas marami kang nalalaro sa Family Computer? Sa brick game, iba-ibang versions lang ng tetris yon!
Ako: Mas gusto ko pa rin brick game! Ayoko na ng Family Computer!
At dun ko na-realize na talagang inggitera ako. Ngayon nga iniisip ko kung saan na napunta yung Family Computer namin at kung pwede pa bang i-hook yun sa TV namin ngayon.
Napanuod ko naman yung Lion King. Pati Mulan, at halos lahat ng Disney movies noon. Alam kong napanuod ko, natatandaan ko pa nga yung pwesto ko tuwing manunuod. Pero hindi ko na matandaan yung kwento… Actually feeling ko may sira yung memory ko talaga kasi karamihan din ng mga napanuod kong anime nung high school halos limot ko na. Maaaring matandaan ko yung iba, pero konting parts na lang at yung iba summary na lang. Hindi ko na nga matandaan kung paano nag-end yung Flame of Recca, Ghost Fighter at Ranma 1/2. Pero alam kong napanuod ko sila. Ang isang hindi ko napanuod nung bata ako ay Fushigi Yugi. Tapos naisipan ko na lang na panuorin yun ngayong pagtanda ko dahil sa tuwing magkukwento ako ng summary ng Sophie’s World (na hindi ko pa rin natatapos hanggang ngayon) ay sinsabi agad nilang “ahh, parang Fushigi Yugi!” Kaya nacu-curious ako.
Nabasa ko yung Harry Potter nung bata pa ako, pero hiram lang din. Actually karamihan ng mga nabasa kong books noon ay hiram. Yung isa kong friend binigyan ako ng book at yun ang first ever novel na naging pagma-may-ari ko. Nasa bahay kasi kami nila noon, just chilling out (naks, Grade 6, chumi-chill out!) tapos sobrang ganda ng book na yon, lagi akong pumupunta sa bahay nila at binabalik-balikang basahin yung libro na yun. Nung tumagal, binigay niya na din sakin. Nainis siguro kasi halos araw-araw akong nasa kanila. Salamat nga pala Karylle, ewan ko kung natatandaan mo pa ako, naks! Where the Red Fern Grows ang title. Sobrang inspiring at talagang damang-dama ko yung habang binabasa ko siya noon. Ewan ko ngayon, try ko ulit basahin. Hahaha.
Balik sa Harry Potter, sa sobrang sira ng memory ko, nire-read ko ang buong Harry Potter series last year, at hindi na sa hiram kong libro. Meron na din akong complete set. Sobrang heaven on earth yung pagkabili ko nun! Kahit ayaw ng parents ko kasi hindi sila mahilig magbasa at walang time for pleasure reading, hindi nila maintindihan kung anong napapala ko sa mga binabasa ko. Secret! Hindi pwedeng sabihin!
Yun lang, parang andami ko pa ding namiss. Gusto ko sila lahat panuorin ulit, pero hindi ko alam kung mae-entertain pa ba ako tulad ng dati (hal. Power Rangers). Baka kasi iba na ang nais ng katawang-lupa ko, este ng utak ko.
Hindi malungkot yung childhood ko, masaya nga e. Wala ako ng lahat ng laruan, pero meron namang bukid sa duluhan kung saan pwedeng maglaro ng luksong-baka. Walang kapantay yun!
Ang random, sarreh!






nice nice nice! namiss ko bigla gumamit ng family computer =))
Hindi ko na mahanap yung Family Computer namin, sayang gusto ko pa naman itry kung gumagana pa ba.’..
ako rin eh.. asan na nga ba yon.. hehe… miz ko na nga yong unang computer namin sa hauz, kay bigat ng monitor =)) lolz
Ako din, tapos ung horizontal na CPU,floppy disks, etc, etc..
ay tama! ang floppy disc.. uso pa yon hanggang college ako.. nkakainis pag my project ka tapos pag-open mo sira yong floppy disc =))
hay akda, nakakapagpamiss naman ‘to ng childhood…pero sa dinami ng nasabi mo dito ang nagstuck sa utak ko is yung fushigi yugi tsaka sophie’s world…ang pinagkapareho lang nila is yung characters nung story ay nasa loob pa ng isang book. yun lang…gusto ko kasing mag-alsa…sa comparison kasi, kasi…na-out of this world yung utak ko sa sophie’s world tas yung fushigi yugi…lumandi lang ako…:)) anywho…i miss you!
Ah usually naman yun lang ding part na yon ang sinasabi nila kasi pag nakukwento ko na ung ibang parts, hindi naman daw talaga kamukha, yun lang talagang set up na nasa book yung characters. Yung sa Fushigi Yugi, yun isang factor yun kung bakit hindi ko pinanuod dati, kasi sa pagkakatanda ko, medyo hapon/gabi na yun pinapalabas, tapos anjan na parents ko, e balita ko kasi malandi yung story. Ayoko naman manuod ng malanding story kasama ang parents ko, kung mag-isa siguro ako noon, nakapaglandi din ako sa Fushigi Yugi. Hahahaha. I miss you too!
haha parehas tayo … ilang ulit na banag pinalabas ang flame of recca at ghost fighter pero hindi ko pa din maalala ang ending nila..
namiss ko ulit panoorin yang lion king .. one of my childhood favorite cartoon movie
Ayun din, hindi ko matandaan kung naging favorite ko ba yung Lion King. Ang alam kong naging favorite kong Disney movie noon ay Pocahontas, kasi ang ganda ng hair niya, at yung Hunchback of Notre Dame, kasi well ang cool ng tirahan niya, hahaha.
Yung Ghost Fighter, tinatakbo ko dati yung mula sa school pauwi ng bahay, kasi ang scumbag ng schedule, 5:30 ata noon. Basta ang tanda ko, sakto pag-uwi ko Ghost Fighter na. Ang hirap talaga alalahanin ng ending.
wahhh all time favorite movie ko ang Lion King! at yan yung unang pelikula na nagpaiyak sa akin ng bongga. napanood ko rin ang Flame of Recca, GHost fighter at Fushigi Yuugi. alam ko yung mga ending pero mas sinubaybayan ko sa lahat yung FY pati na yung OVA series nyan. Crush na crush ko kasi si Hotohori, hehehehe! Naalala ko siguro last year bago i-total revamp ang TV5 nagkaroon sila ng marathon ng FY every Saturday or Sunday ata as in 5 episodes per day. Sobrang tuwang-tuwa ako dun hehehe.
Nagkaroon din kami ng family computer na gift ng nanay ko sa kuya ko. Lagi naman akong burot sa kuya ko, paano lagi na lang ako player B at si Luigi pag Super Mario ang laro. Wala feeling ko mahina yung player B at si Luigi kaya nya sa akin pinapalaro. hehehe