Bakit hindi ako marunong mag-drawing? Yan ang palagi kong tanong sa aking sarili sa tuwing ako’y nag-iisa, walang magawa at lumilipad ang utak.
Inggit na inggit ako sa pinsan ko na magaling mag-drawing. Isang beses na inaantay namin yung isa ko pang pinsan maligo nag-drawing siya sa tissue ng Tinkerbell na kamukha nung sticker na nakadikit sa planner ko. Ambilis lang ng mga pangyayari at hindi man lang niya nabutas ang tissue. Inggit na inggit talaga ako.
Bakit hindi ako biniyayaan ng talentong gumuhit? Sa gusto kong iguhit yung nakangiting itsura ng kras ko. Sa gusto kong iguhit yung mga katabi ko sa fx na bagot na bagot sa trapik. Sa gusto kong iguhit yung magandang christmas displays kapag panahon ng pasko.
Siguro kaya ako hindi natuloy sa engineering. Wala akong tiyagang mag-detalye ng mga bagay na gusto kong iguhit. Gusto ko lamang pag naisip ko, pipikit lang ako tapos himalang gagalaw yung mga kamay ko para i-print yung kung anong imahe ang nabuo sa isip ko.
Inggit na inggit ako sa tuwing nagbabasa ako ng mga manga. At kapag nanunuod ako ng One Piece. Saka. pangarap ko talagang mag-drawing. Saka. inggitera talaga ako.
Bow.




ako din. sa aming mga kapatid…ako lang ang nakalimutang biyayaan ng talent na magdrawing tsaka maging crafty…siguro nga kasi…impatient ako…pero they make it look easy so you couldn’t blame me…:)) magsulat na lang tayo pre.
related much! masaya ako at hindi ako ng-iisa! nyahaha… may kakilala ko marunong magsketch? padrawing nman ako cartoon version… hehe!