
Gusto kong suportahan ang OPM kaya ko ginagawa ang OPM Challenge 2012. Kaya naman imbes na 1 album per week tapos pipili lang ako ng isang album na bibilhin ko sa isang buwan, ni-revise ko na ang sarili kong challenge.
Isang album sa isang buwan na lang ang gagahasain ko, bibili na po ako at hindi magd-download ng pinoy music, para naman ipakita ang pagsuporta ko sa musikang Pilipino. Nakabili na ako ng Light, Peace, Love. Gusto ko naman sana next kong gahasain yung Himig Nating Pag-Ibig ni Noel Cabangon pero wala akong makita kanina sa SM North Annex, hindi na ako nakasilip sa isa pang branch ng Odyssey kasi nagmamadali na ako. Wala din akong nakitang Endings of a New Kind ng Taken by Cars.
Anyway, kung ano na lang ang makita ko sa Pebrero yun na lang ang gagahasain ko.




Pingback: Kwentong So… + February Album « Kwentuhan
Dito may pure OPM songs lang ang contents nila. http://www.opm2go.com