I am constrained within the period of the May 2012 CPA Board Exam. Lahat ng bagay na gusto kong gawin kailangang ipagpaliban sa pagkatapos ng May 2012.
Ang pwede ko lang gawin sa mga panahong ito ay ang mag-aral ng mabuti. At hindi ko man lang magawa ng matino. At saka pala mag-diyeta, kasi ambigat ko na. Kaya hume-healthy living ako at oatmeal na lang sa umaga at gabi. Pero timawa sa tanghali. Hahaha!
Sana may tinda sa Quiapo na time warp. Parang sa Super Mario. Kasi gusto kong pumikit, magmuni-muni at paggising ko, CPA na ko! O diba, the best yung pangarap ko! Inggit ka no?
Pero lagi kong sinasampal yung sarili ko kasi alam ko namang lahat ng bagay kailangan paghirapan, pagsikapan, at gustuhin mo ng bonggang-bongga para mapunta sa iyo. At kung pinaghirapan, pinagsikapan at ginusto mo na ng bonggang-bongga ang isang bagay at hindi pa rin napunta sa iyo, malamang hindi para sayo yan te! Kaya tigilan na ang pagi-stalk sa Facebook!




ahaha! sipagan mo’t nang mapasaiyo, akda.
wish you well, drink lots of water and think positive!
Goodluck po!