So…
Hindi ako masyadong ma-make-up na tao. I tried, pero hindi ko talaga masyadong type. Saka mga stuffs sa buhok and the such, hindi ko masyadong feel. Yung buhok ko kasi madaming issue sa buhay niya. Saka mainit lagi yung ulo ko. Hindi ako laging galit, lagi lang naiinitan yung anit ko, kaya hindi ko masyadong nilalagyan ng anik-anik ang aking buhok.
Pero isang araw (kanina), may natagpuan ako…

Hindi sa nagpo-promote ako. Yung nanay ko kasi nung umuwi sila dito last christmas andami niyang inuwing ganito. Pinipilit niya akong ilagay ko daw sa buhok ko kasi maganda, e ayoko nga dahil sa maarte kong anit. Ya know, ayaw ng anit ko ng mabibigat na cream/oils and shit stuff. Saka feeling ko pag may something sa buhok ko, hindi ako naligo. Kaya madalang talaga akong maglagay ng mga echos.
Pero this one, tinry ko lang kanina kasi ambango niya e. Saka wala akong magawa. Sobrang gaan lang niya, gusto ko ngang ipahid yung lahat ng laman nung container. Tuwang-tuwa kasi ako. Tapos hindi siya mainit sa anit, at kiber lang, hindi ako naaasiwa na parang may something sa ulo ko. Parang wala lang talaga siya, tipong ‘barely there’. Pero pag sinisipat ko ang sarili ko sa mga salamin na nadadaanan ko sa malls, tuwang-tuwa ako sa hair ko! Hala! Eto lang ata yung moment na natuwa ako ng bongga sa buhok ko. Kasi madalas lang akong natutuwa sa kanya kapag pinapaayos ko siya pag may event, or kapag bagong gupit. Pero kanina hindi naman ako nagpaayos at hindi bagong gupit pero masaya ako sa hair ko.
Siguro nga natagpuan ko na ang soulmate ng buhok ko.
Thanks sa nanay ko!
Ok, balik sa earth AKDA!
———–
So…
Tapos na ko sa January (at malamang kayo rin tapos na sa January). Eto na papasok na ang February. Naghanap na ko ng bagong album kanina sa Odyssey dito sa NE. Ang naalala ko kaninang hanapin ay yung sa The Camerawalls, which is hindi ko alam yung title ng album so naghanap ako ng kahit anong The Camerawalls, arranged naman sa artists yung albums (good!). E wala talaga akong makita. Tsk, badtrip.
Ironically, I found this…

Hmmkay… Hehehe. Wala lang, naaalala ko yung madrama nilang pagdi-disband. Well, una kong nagustuhan kasi si Clem (yes, fumi-feeling close ako) nung narinig ko siyang kumanta ng Ode to Love (ata) noon sa MTV Session. Medyo matagal na yon. Hindi ko sure talaga kung anong kinanta niya, basta nung siya na yung kumanta, e natanga na lang ako bigla sa TV. Tapos isa na siya sa mga gusto kong musikero. Hindi ko makita sa YouTube yung vid na yon. Eto lang, patikim, magaling talaga siya kumanta pramis!
Tapos nakita ko sa TV yung Clinically Dead for 16 Hours, tapos nakita ko sa YouTube channel nila yung The Sight of Love. Ayun, gusto ko talagang makabili ng album nila. Kaso magpe-Pebrero na kasi, kailangan ko na ng bagong album para sa aking Second Month of OPM Challenge 2012, kaya binili ko na yung Maharlika ng Kenyo.

Wala akong kaalam-alam sa album na ito, but I think plus factor yon, kasi misyon ko ngang suportahan ang OPM at maka-discover ng bagong musika at mga musikero. Well, hindi naman na sila bago kasi Orange and Lemons sila dati, naiba lang pangalan, pero malay ko ba kung nagbago sila ng style, etc.. Isang nakatawag pansin sa akin sa album na ito, ay yung packaging, ang ganda e. Kaya din siguro siya ang nakita ko kaagad nung hindi ko makita ang sa The Camerawalls. Saka astig to, tinry kong i-import sa iTunes e, swak, ayos na agad ang info. Medyo nainis kasi ako sa January album ko, nung tinry kong i-import sa iTunes, nakalagay lang ‘ Track01′ to ‘Track10′. Badtrip yon mehn!
Anyway… Siguro sa mga susunod na buwan ng aking pagbili, makakahanap na ako ng Pocket Guide to the Other World.



