Huwad Na Kasiyahan
July 6, 2008 at 1:50 am (Emotional Torture, Estupijante Mode, Isang Shot, Sa Paglipad ng Utak ni aKDa)
Tags: confused, kaligayahan, lito, maskara
Sabi ng mga gago sa mundo, “everybody deserves a second chance”. E what about the third? The fouth? Or even the fifth maybe?
Muntk na akong bumitaw. Ang sakit na kasi ng pagkakakapit ko. Mahapdi na. HINDI NA AKO MASAYA.
Putangina.
Ilang araw akong lumiban ng klase. Para sa sandaling kasiyahan na mapapala ko, at para na rin takasan ang pikit-mata kong pagkukunwari na ayos lang sakin ang lahat. At ang mas masakit pa, masaya na ang lahat, samantalang ako, hanggang ngayon, nagpapanggap pa lang din na masaya. Plastik kumbaga.
Walang pakelam ang mga tao sa paligid ko. Mukha naman akong masaya e. Ano pa bang dapat mangyari? Yun lang naman ang papel ko, ang maging masaya, at bawal akong malungkot. Nakakainis, tao din naman ako, lahat ng positibong emosyon ko, may kaakibat ding negatibong emosyon sa kabilang pahina.
Tulad ng dati, estupido pa din ako, at pabalik-balik pa din sa dating kaguluhan ng emosyon, ng utak, at ng aking pagkatao.
Gisang-gisa na ako sa mga responsibilidad na nakapatong sa balikat ko. Sa walang hangganang bilang ng mga pangako na aking binasag. At sa madami pang dadating na problemang wawasak sakin.
Sa ilang araw kong pagliban sa klase, dun lang ako nagiging masaya. Sa ilang mga sandali na pagtakas sa kung ano ang talagang nakatakdang dapat kong ginagawa, dun ko napupulot ang kaligayahan. Masama ba para sakin na maghangad ng tunay na kaligayahan? Samantalang, lunod na lunod na ako sa pagkukunwari, sa maskarang pumipigil sakin para makahinga ng maluwag, at para sa pag-abot ng liwanag na matagal ko ng inaasam. Masama ba ang aking paghahangad na alisin na ang maskarang lumamon na sa aking pagkatao? Masama ba?
Komplikado ang mga bagay-bagay. Ang bawat desisyon, may kapalit. Bawat panandaliang saya, may kaakibat na sampal. Di ko masisi ang sarili ko tulad nung dati ng nakagawian, masyado na akong nasasaktan sa bawat dagok na tinatanggap ko, napuputol din naman ang pagtitimpi ko, may hangganan ang pagtitiis, natatapos din ang pagkukunwari.
Sabi ng isang kaibigan, “masyado ka kasing matigas…”
Ayan tuloy, nabali ako, bumigay na. Pero sa kabila ng lahat ng to, alam ko, kaya ko pa ding bumangon. Nais ko na ding putulin ang pagiging huwad ng aking kasiyahan.
Para sa ikabubuti ko. Para sa ikasisiya ko pang lalo. At para sa pagpapatuloy ko sa aking napiling propesyon.








