Bawal Matulog

Ngayon, nasira yung screen ng phone ko. Bakit? Simple lang naman, masyado kasing natuwa yung bunso kong kapatid na si Dian, at pinaglaruan niya, at ni-flip niya ng ni-flip hanggang sa mawalan ng buhay ang kawawang screen ng phone ko.

Summer vacation is coming to an end. Yung iba nga, eh talagang nag-end na totally. Tulad nungmga pinsan ko na nagsimula na ang kalbaryo kani-kaninang umaga.

Ngunit bago matapos ang bakasyon, may pahabol kaming dalaw sa mga pinsan namin sa Munoz. Birthday kasi ng Tito namin, at siempre, niluboslubos na para makapaglibot-libot.

Nilibot kami ni Mervin sa CLSU. At natuwa naman kami bukod dun sa maingay na kuliglig. Haha. Nagpakyut din kami sa mga tilapia sa loob ng BFAR, lalo na sa mga gigantic tilapia, na feeling ko, eh pwedeng pwede mong ulam sa breakfast, lunch, at dinner.

Siyempre,  lahat ng bagay ay may katapusan. Di kami nakarami ng inom, dahil bukod sa late dumating si Mac, eh Pilsen yung nakahain sa amin. Di ako nagpipilsen. Pang pulang kabayo lang ako.

Ilang beses ko ng muntik itumba yung motor nila, nagpaturo kase ako kay Mervin. Inutil kasi ako, ngayon lang ako matututong magmotor.

Ilang oras na biyahe, nakabalik na ulet kami sa tahanan namin. Hayy.. Home Sweet Home.

Di ako natulog. Baket? Nagbabad ako sa crunchyroll. At nagpapula ng mata kakanuod ng Higurashi no Naku Koro ni. Masaya kasi, lalo na pag magisa ka lang, at napa-praning-praning ka pa. ^_^

Umaga na. Ilang oras na lang, babangon na mga tao. Ilang oras na lang, mag-aabang ng kami sa kabilang kalsada ng bus upang mamundok. At ano namang gagawin mo sa Nueva Vizcaya aber?

Ihahatid ko yung mahala kong kapatid, kase nga, pasukan na nila bukas. Eh dun siya nakadestino. Sabi ko naman sayo, kalat-kalat na tae kami e. Sige, next time, ikukwento ko pa ng mas malawak.

Matapos ang mas mahabang byahe kesa sa pags-stay sa dorm ng kapatid ko…

Nakauwi na din kami. At kinabukasan nga, ay babalik akong QC, para mag-enroll, dahil sa putangenang diskriminasyon na yan. Well, anyway. Masaya ako, kase, wala pa akong tulog, at feeling bangag na naman ako today. Kita mo nga, walang kwenta tong kwentong naipost ko ngayon. Boboshit.

Disturbed—

lahat ay nagsasaya na. pasado sila sa fin acc. Ako? Bagsak. Ang hirap magalit, lalo na kung sa sarili mo dapat ikaw magalit.

“Ok lang yan. Madaming next time. Galingan mo na lang sa susunod.” Eh hala, linya ko to dati sa mga depress-depressan kong kaklase kapag may nabagsak sila. Pero isa lang ang na-conclude ko, YOU’LL NEVER KNOW HOW IT FELLS HANGGA’T HINDI IKAW YUNG BUMABAGSAK. Totoo.

Gusto ng parents ko, dito na lang ako sa Nueva Ecija. AYOKO. Una, sabi nga ng Kuya ni Yani, wag ko ng sayangin yung pagkakataon na andito ako sa UST. Kaso, eto e, sinayang ko na nga siya. Haha. (Ok, another thing, my friends are there, I cannot afford to leave them… Wahaha~!)

Hayy… Sorry nga pala Terri, kasi, di ako makakasama sa Wednesday. Sorry dude. Ang hirap e. Next time na lang. Sa April 2, clearance day. Hayyy…

Kanina pala, nung paalis na kami galing kina Yani(nambulabog na naman kami sa kanila, dun nagtipon-tipon ang sandatahang a2), I feel so fuckin’ sad. Hayyy talaga.

Ok fine. Enough of this. Madami namang masasayang moments kagabi, at kaninang madaling araw, at least for me. Hahaha. Ahummm….

Sitio Malasa… Mmm… Sarap!

January 06, 2007

 

Anong meron bukas?

 

Hmm… Accounting, Lit, saka Hum. Ok.

 

Haha. ‘Di counted yung Theology. LOL

 

Anyway, nasingit ko lang naman yan. Yan kasi yung nakakatawang mga salitang namutawi sa aking mga labi pagkababa naming ng bus mula sa Sitio Malasa, Bamban, Tarlac. Malasa. Masarap dun. Oo. Masarap talaga ang hangin. Saya sa bundok!

 

Siempre, senti mode ako sa biyahe. Pero nung nabusog na *burp*, at bumaba na ng bus para magliwaliw, este, simulan ang mga dapat simulan. Ayun ako, gumana na naman ang aking de susing kakulitan mode.

 

Wala talaga akong ni-katiting na talento sa pagtuturo, kaya naman nung maulinagan kong sinabi ng aming facilitator na, “Kailangan ko ng isang videographer. Di na niya kailangan pang magturo…blahblahblah..” Nag-CR ako nun, pero umabot sa aking mga tenga ang magandang balita. Siyempre, pagkabalik na pagkabalik ko, swerteng wala pang nag-volunteer para maging vcideographer. Dahil wala talaga akong pasensyang magturo, at baka katukan ko lang yung learner na mapupunta saken, kinausap ko agad si Ms Rhea. And the rest was history.

 

Napagod ako kakalakad sa pataas-pababang daan. Naalala ko tuloy…

 

Sleepover kina Yani sa Commonwealth…

Katatapos lang ng inuman session, napagdesisyunan kong sumabit sa lakad ni Migs papuntang simbahan. Wala akong balak magsimba. Nais ko lang siyang suportahan, para naman makumpleto niya ang simabgn-gabi… Naligaw kami. May maiingay na mga aso. At madilim ang ibang streets. Yan. At bukod pa sa akyat-babang daan palabas ng subdivision nila Yani…

 

“Pucha, anlayo pala ng simbahan tsong…”

 

“Oo nga. Sus. Wala na amats ko. Ayus pala tong exercise.”

 

“Ano? Kaya pa ba?”

 

“Onaman! Tangina… Layo na ng nalakad natin… Galing natin! Woohoo!”

 

At habang nagmumuni-muni sa aming walkathon ni Migs, naalala ko ang trabaho ko. Videographer nga pala ko. Di turista. Haha…

 

Nag-enjoy ako kahit papano. Masaya naman, kahit may accounting kinabukasan. At may project pa sa HUM. At meron pang quiz sa Lit. Babalik pa naman kami sa dalawa pang magkasunod na Sundays. Wala ng pahingahan to. Sa Quiapo Day lang ang holiday namin. Bawal ng matulog. Sa jeep na lang papuntang USTe.

Trip to Pampanga

 

Nanay ko yan. Walang kupas. Pinapunta niya kong Pampanga, kahit di pa ko nakakarating dun ever, kasi, ako yung hinire niyang photographer. At dahil baka di ako makarating sa paroroonan ko, in-invite ko ang aking friend na si Terri na sa kasamaang palad, ay di pinayagang makasama.

Sinalubong naman nila ko sa San Fernando. And nakilala ko yung ilan sa mga officemates ng nanay ko. Si Ate Naching ( di ko sigurado kung ganyan yung spelling ), and si Kuya Tino ( a.k.a Papa Tins; ewan ko kung bakit ganito yung tawag sa kanya )

Na-OP ako siyempre, so, tulog mode ako sa sasakyan. Medyo nagliliwaliw na yung utak ko sa ibang dimensyon, nang may biglang tumawa ng malakas.

“Hahaha. Nakupow!”

Nananaginip na ata ako. Sige, sige, tuloy…

“Yan na nga bang sinasabi ko e..”

What the—. Rewind. Rewind.

Parang— Teka, teka, boses yun ni—

Para akong naligo sa kumukulong kape. Ganun yung feeling.

Anong ginawa ko? Matapos kong marinig ng paulit-ulit yung boses na yun? Siyempre, dumilat ako, nakangiti. Pero, nabura din agad yung ngiti kong iyon. Bakit?

Andun nga pala ako sa sasakyan ni Kuya Tino, siyempre, nasa likod kami, at habang tinititigan ko siya, at pinapakinggan yung sabay niyang pagkukwento at paghalakhal, isang tao lang ang pumapasok sa isip ko.

Pumikit ulit ako. Nakangiti pa din. Tapos in-imagine ko, yung mga nakaraan. Nung siya yung nagmamaneho ng sasakyan. Tapos andami niyang kwento. Nakakamiss.

Hanggang makarating kami dun sa may dike, ganun lang yung ginawa ko. Nakapikit at nagmumuni-muni. Inaalala si Kuya Bernard. RIP