Isang Malupet na Ooopps!

Sir ** : O, anong oras tayo magsisimula ng exam sa Friday

aKDa : Sir, seven na lang, para makapag-discuss pa tayo ng Retail at Gross Method sa Inventories pagtapos ng exams.

[oo, more or less, kami nagdedesisyon ng sked ng exams, pero kelangan sang-ayunan ng propesor. eto ang saya ng summer classes.]

Sir ** : o cge, seven tayo mags-start. ok?

Clau : [pabulong sakin] seven? papasok ba si sir ng seven?

aKDa : [pasigaw kay Sir] Sir! Kaya niyo ba ng seven? Haha!

[Para sa inyong kaalaman, alas siyete ang klase namin, pero dahil sa hindi malamang kadahilanan, alas syete y medya, o di kaya'y alas otso pumapasok ang propesor namin, nuong partikular na araw pa nga na yan, ay alas nuwebe siya pumasok. Hindi ko naman minamasama ang pagpasok niya ng huli, para sa akin nga ay mabuting bagay pa yon. Nakakatulong iyon para sa mga tamad bumangon na tulad ko. At kahit naman nahuhuli siya, eh nababawi niiya naman sa sobrang gaan at galing niyang pagtuturo. Well, walang tatalo kay Ma'am Cruz, ngunit nakaka-entertain naman magturo si Sir **. At madami siyang kwento. Magaling din naman siyang propesor. ^_^]

oh well… at napagdesisyunan na alas otso na lamang ang exam namin. Hehehe.

fast forward na sa “Exam Day” — Friday

Pucha, alas siyete singkwenta’y singko na , nasa Welcome Rotonda pa din ako. Konti na lang! Go Manong Tsuper! Usad na! Konti na lang o! Ilang singhot na lang, nasa USTe na tayo!

At pagtapos ng ilang sandali…

3 Message Received

–> d2 na c sir! hinahanap ka!

–> san ka na? start na exam!

–> san ka na? d2 na c sir! hinahanap ka! pumasok pa naman daw siya ng maaga para sayo.

Naman! Kamusta naman yon? Malay ko ba naman na seseryosohin niya yun? At di din naman ako winarningan ni Batman na mabagal yung masasakyan kong jeep kaya dapat di yun yung pinara ko? Deyam!

Summer Classes

So, nakakuha ako ng slot for Acc3. So glad. So happy. Yung paggising ko ng maaga para lang mauna sa school actually paid off. Sabi kasi, first come first serve. Pero bago ako nakapag-enroll madami muna ang nangyaring kalokohan. –0– Alas sais y medya pa lamang, eh dumating na ko sa aking mahal na eskwelahan. Waw! Aga ko! But, to my disappointment, madami pa pala ang mas excited maagang dumating para mauna sa mga slots. Sa totoo lang, wala ako sa mood nung araw na yon para gumising ng maaga, pero, dahil sa chinismis ni Janina sakin na first come first serve nga daw, at dahil 298 kaming bagsak ng FinAcc, at dahil ayokong ma-delay, napilitan akong gumising ng masyadong maaga.

Babaeng Unknown : Yung mga na-advise-an na, yung mga regular students na mage-enroll for IACC, pwede na kayong dumiretso sa Seminary Gym.

Walang kumibot. Walang huminga. Isa lang ang ibig sabihin nito…

Babaeng Unknown : I said yung mga mage-enroll for IACC, third year and fourth year students, dumiretso na kayo sa Seminary Gym. Pwede na kayong dumiretso. (*merong mandatory summer for third year and fourth year students, kagagawan ng proposed curriculum sa AMV, four years na lang ang accountancy, pero may 2 mandatory summers… oh well…*)

Wala pa ding umaalis. Nakupow. Lahat ba kami second year na naghahabol ng slots?!? Oh my gulay. Ang ikinaka-kaba ko pa, baka lahat ng mga to, Acc3 din ang binagsak. Susme. After ilang chismisan at pagkainip sa lobby… The gate finally flew up! Hahay!

Guard : Punta kayo sa Room 431 for advising.

Eh di lipad naman ang madlang pipol sa Room 431, kung saan din nangolekta ang sandatahang a2 nung April 08, 2008 ng clearance.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Text muna mga tao.

Teka, nauuhaw ako, labas muna, at makipag-bonding sa drinking fountain.

Lamig ng tubig. Whew!

Uy! Si Tero at si Dio ba yun? Teka, makikipagdaldalan muna ko. Take note, yung tinambayan namin, eh kaharap ng Dean’s Office kung saan nakapaskil na sa Room 402 yung advising, pero di ko nakita yun, at nalaman ko na lang na lumilipad na yung mga tao papuntang Room 402. Pagdating sa Room 402, lalo pa kong nanggalaiti, dahil sa dami ng tao, na, ayon sa isa Babaeng Unknown # 2, eh mauuna nilang asikasuhin.

Hayy. Basta, nakakairita. After that, nawala na ang lahat ng bahid ng professionalism sa katawan ko, nilamon na ng inis ang utak ko, at inaway ko na halos lahat ng taeng nagkalat sa daan.

Eniway, highway, after naman ng madaming daldalan at lokohan, naayos na namin ang lahat, at lumipad na kami patungong Seminary Gym (pero bago ako tumuloy sa Gym, nagpa-load muna ako, kasi, nagtext yung crush ko. Nyahahaha!).

—Sa Seminary Gym—

OA SA HABA ANG PILA!!!!!!!!!!! Pramis. As in OA talaga. Well, eniway, sumingit lang naman ako kay Karina at Jani. Inaway ko nga din yung babae na nag-assess sakin. Asshole kasi talaga yung bobitang yun. After everything else… Lumamon kami sa P.Noval dahil sa sobrang gutom, kailangan lagyan ng laman yung tyan namin. Ate lunch with Clau, Karina, Jani, Louie, Dio and Miguel.

Bonding-bonding.

Yosi bago pumasok ng USTe ulet.

Daldalan.

KWENTUHAN.

^_^

Ayos na araw ko, kahit sirang-sira ito nagsimula, masaya ako sa buhay ko. Hayy. Sarap!

Earth Hour?

Summer na. OA na sa pagsikat si haring araw. Idagdag mo pa dyan, yung pagkagising ko kanina, eh brownout na. Lintek.

Init. Super. Bakit daw ba brownout? Dahil ba nagp-participate kami sa earth hour? Hinde ah. OA naman, Mula alas siyete y medya ng umaga hanggang alas nuwebe y medya ng gabi eh nag-e-earth hour ba kami? Aba’y napakalufet naman nila!

So, dahil nakakapagod magreklamo kung bakit walang kuryente, at wala din naman magagawa kung sisibangot ako, humiga na lang ako, at nagpaypay sa sarili ko.

Hindi din naman ganun kasama ang mga pangyayari, dahil walang kuryente, hindi ko magamit ang PC, nangapitbahay ako, at nakipagsitsitan sa mga kapitbahay. At para sa inyong kaalaman, katext ko yung crush ko, na hindi naman niya alam na crush ko siya, pero alam ng kapatid niya. Haha! Boo!

Anyway, ayan, masaya naman aklo kahit na tumatagaktak ang pawis ko. Naglaro nga kami nung bunso kong kapatid sa labas ng bahay ng piko. And guess what? Talo ako. Kammon mammon. Champion ako nung grade school sa mga ganun a! Hayy. Buhayyy… How time flies. Matanda na pala ako’t nirarayuma na kaya di na makatalon ng mabuti. Haha!

Sabi ko nga, para kaming nag-participate sa earth hour. Sana, sa Baguio or sa Tagaytay or sa Bayumbong na lang nila i-hold yun. Kasi dun, kahit walang kuryente, ok lang. Malamig naman dun. Tsss. Dito samen? ASABOI!

Unexpected happenings happened. Tumawag yung isa kong kaklase kasi, ahem, nami-miss niya na ko. Come on! Who wouldn’t? Nyahaha! O, eniway, tama na ang kahanginan. Natuwa ako kasi tumawag siya ngunit ang mas ikinatuwa ko, e nung narinig ko kung sino ang nagma-may-ari nung boses sa kabilang linya(Nyahaha! Parang suspense sa nobela ampft!). Oh my gulay! Makulay na buhay! Haha! At ang tanging nasabi ko lang sa mga pinagsasasabi niya ay…

A1: Uy!

Haha! Gaga ko talaga. Eniway, so glad my classmate called. Nyahahaha! Oi, classmate ko, pag nabasa mo naman to, wag ka naman magtampo, kasi, masaya talaga akong tumawag ka, kahit pa iba yung iniisip mong dahilan. Peace!

(Heart | Head) ACHE

Stupid people need stupid second chancesIf you’re not stupid, why not make it right the very first time?

Only stupid people would want some idiotic company.

You want my company

If a+b=c, what now?

Eto nagpapaulit-ulit sa utak ko. Kahapon pa. Tsss…

Kahapon ko naranasan ang pinakamasaklap na tulog ko sa buong buhay ko. Biruin mo, alas siyete ako gumising?! Alas dose kaya ang schedule ng gising ko pag bakasyon.

E bakit ka naman kasi gumising ng pagka-aga-aga?

Recognition ni Althea, and dahil lagi namang wala siyang kasama dito sa bahay, sabi ko nga kalat-kalat na tae ang pamilya namin, nahiya naman ako na hindi sumama sa pagkakataong to.

Dahil ambagal namin gumayak n kapatid ko, sabi ko susunod na lang kami.  Maaga pa din naman kaming dumating sa school nila. And to my disgust, uber late nagsimula yung ceremony.

Pag-uwi sa bahay, di na ko makakain ng maayos, at para bang sukang-suka na ko. At alam mo yun, yung sobrang sakit g ulo mo. As in, OA sa sakit. Parang pinapakuan, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hinarap ko pa din ang computer.

tae, masakit na ang lahat sayo, inatupag mo pa din ang pagcocomputer!

O, sorry naman.

Nilagnat ako pagdating ng madaling araw. Ansakit ng everything.

MORAL LESSON : Wag gumising ng maaga.

Stupid people need stupid second chancesIf you’re not stupid, why not make it right the very first time?

Only stupid people would want some idiotic company.

You want my company

If a+b=c, what now?

Let us start… to end this crap.‘Cause you know,

You + Me = undefined

So better not believe in fairytales

It will only hurt the both of us.

Panaginip

Ambisyosa : Hello! Gud Morning!

He-Who-Must-Not-Be Named : ‘Cnu k?’

Ambisyosa : Sabi ko na nga ba, yan itatanong mo saken. Kainis ah. Di man lang pala naka-save sa phonebook mo yung number ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ah. Pasensya na. Di naman kasi tayo close.

Ambisyosa : Ok fine. Tsss…

He-Who-Must-Not-Be Named : Anu ba yan. Big deal ba yun. Eto na nga o, naka-save na.

Ambisyosa : OO! Big deal yun sakin, bakit ba. Epal mo ah!

He-Who-Must-Not-Be Named : Hala! Ikaw na nga tong nang-iistorbo saken, ako pa yung tatawagin mong epal. Kamusta ka naman!?

Ambisyosa : E di sorry!

He-Who-Must-Not-Be Named : Wag kang galit.

Ambisyosa : [insert malumanay tone here] E di sorry.

He-Who-Must-Not-Be Named : Thanks nga pala.

Ambisyosa : San?

He-Who-Must-Not-Be Named : Nung isang gabi…

Ambisyosa : Alin dun?

He-Who-Must-Not-Be Named : Wala. Wala.

Ambisyosa : Ok.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : …

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Wag mo naman akong pahirapan.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha?! Baket? Wala naman akong ginagawa a!

Ambisyosa : Yun nga e. Wala ka kasing ginagawa. Tangina.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha? Di ko maintindihan.

Ambiyosa : Ano ka ba? Wag ka ngang uminom ng anaesthesia…

He-Who-Must-Not-Be Named : Ay, bahala ka nga! Labo mo!

Ambisyosa : Tangina.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Yan ka na naman e. Magsalita ka nga!

He-Who-Must-Not-Be Named : E bakit? Ayoko magsalita.

Ambisyosa : Magsalita ka. Naiilang ako.

He-Who-Must-Not-Be Named : Bat ka naiilang.

Ambisyosa : E malay ko ba kung ano na yang tumatakbo sa utak mo. Andami pa namang laman niyan.

He-Who-Must-Not-Be Named : Wag mo na kasi akong pakelaman.

Ambisyosa : Grabe o! Sakit nun a!

He-Who-Must-Not-Be Named : Bat ka ba nasasaktan. Pwede mo naman akong iwan sa isang tabi. Yaan mo na kong mag-moment dito.

Ambisyosa : Ayoko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito.

He-Who-Must-Not-Be Named : Para san?

Ambisyosa : Para makausap ang taong gusto ko. Para makalapit sa taong mahal ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha? AKo ba yun?

Ambisyosa : Lakas mo din a!

He-Who-Must-Not-Be Named : Ay sorry.

Ambisyosa : Oo, ikaw yun.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : …whew…

He-Who-Must-Not-Be Named : A.. Ok..

Ambisyosa : Explain that ‘ok’.

He-Who-Must-Not-Be Named : Bakit?

Ambisyosa : Manong, madaming maaaring ibig sabihin ang ‘ok’. For one, it may mean, ‘ok, but please, stay away from me, magulo ang relasyon ko ngayon, pero wala akong balak iwan siya. wag kang masyadong umabuso, please?’

He-Who-Must-Not-Be Named : …**insert malalim na buntong-hininga here**

Ambisyosa : So… I think i’ve explained it already.

He-Who-Must-Not-Be Named : …**insert mas malalim pang buntung-hininga here**

Ambisyosa : Ok lang yun tsong! Anu ba! Lalim ng buntung-hininga mo, nakakalunod!

He-Who-Must-Not-Be Named : …sorry…

Ambisyosa : Wag ka ngang mag-sorry, i took the risk, if i would be hurt, the blame’s all on me.

He-Who-Must-Not-Be Named : yaan mo na ‘kong mag-sorry. it’s the least i can do.

Ambisyosa : palipasin mo na lang yun. wala naman akong balak guluhin ka. ok lang ako dito sa isang tabi, patuloy pa din kitang gugustuhin. patuloy akong magaambisyon.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named : mas ok siguro kung wag mo na ipagpatuloy. ayokong magpaasa ng tao. ayokong makatapak.

Ambisyosa : Wusus! As if naman you have the slightest bit of care for me. Ulul mu! Tigilan mo nga ko. Lalo ka lang nakakasakit. Kasi, lalo lang akong umaasa na kahit papano, may pakelam ka sakin, kahit wala ka naman talagang pakelam. Shit.

He-Who-Must-Not-Be Named : Di naman! Grabe to!

Ambisyosa : Tangina. Wag ka nga magpanggap!

He-Who-Must-Not-Be Named : Di ako nagpapanggap tsong! Takte naman.

Ambisyosa : Puta! e di man lang nga naka-save yung number ko sa phone mo! Tapos, sasabihin mong… Pucha…

He-Who-Must-Not-Be Named : …so, big deal pala talaga sayo yun.

Ambisyosa : OO! BAKIT!? WAG KANG MAKIALAM KUNG BIG DEAL SAKIN YUN! fucker!

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Sorry, namura na kita ng madaming beses pare.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ok lang. Naintindihan ko naman na ganyan ka na talaga.

Ambisyosa : Oo. Ganito na talaga ko. Pasensya. Ganito na talaga ko. Siraulo. Gago. Walang patutunguhan ang buhay. Kaya ako, di din naman ako umaaasang magiging close tayo, at lalaung-lalong di ako umaasang magugustuhan mo ko. Kahit pa ambisyosa ako, medyo kinokontrol ko pa naman yung sarili ko na “oi, ambisyosang bata, hanggang dito ka lang ine, wag masyadong high, baka lumagpas ka sa ether, at mabutas ang atmosphere.. ok?” ganun. kilala ko sarili ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : sobra ka naman.

Ambisyosa : Ay, sobra ba? Dapat ba, di ko na lang sinabi sayo?!

He-Who-Must-Not-Be Named : hinde—

Ambisyosa : Sobra? Dapat hindi ko na pinagpilitan pang magsimula ng usapang to?! HA?!

He-Who-Must-Not-Be Named : di naman sa ganon—

Ambisyosa : Ha?! Ha?! Dapat ba, hindi na lang ako nagkagusto sayo?!? Ha?! Ang hirap kaya! Tangina. Akala mo ba nadadalian ako?!

He-Who-Must-Not-Be Named : Teka. Teka. Di naman ganun yung ibig kong sabihin… tssss… Pero sana, wag mo na akong gustuhin.

Ambisyosa : Sana nga. Ako din. Yun yung gusto kong mangyari. Sana, dun na lang ako magkagusto sa mga putanginang nagkukunwaring may gusto sakin. Sana, dun ko na lang ibinuhos yung pagmamahal ko. Kahit na kunwari lang yun, pwede ko ding laruin yun, at enjoy-in. Ako pa! Dun na lang sana ako. Para nag-enjoy pa ako. F*** Pero hindi e.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Ok na ko. Wag mo na pakelaman yun. Isipin mo na lang ham yun.

He-Who-Must-Not-Be Named : Haha.!

Ambisyosa : este, isipin mo na lang, “nananaginip ka lang ngayon” Lilipas din tong panaginip mo.

He-Who-Must-Not-Be Named : ….

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : O pano ‘pre! Sibat na ko. Tinatawag na ko sa inuman dun o!

He-Who-Must-Not-Be Named : Sige tsong…

Ambisyosa : **paints a smile on** Ambisyosa talaga AKO! Tsktsktsk.

Disturbed—

lahat ay nagsasaya na. pasado sila sa fin acc. Ako? Bagsak. Ang hirap magalit, lalo na kung sa sarili mo dapat ikaw magalit.

“Ok lang yan. Madaming next time. Galingan mo na lang sa susunod.” Eh hala, linya ko to dati sa mga depress-depressan kong kaklase kapag may nabagsak sila. Pero isa lang ang na-conclude ko, YOU’LL NEVER KNOW HOW IT FELLS HANGGA’T HINDI IKAW YUNG BUMABAGSAK. Totoo.

Gusto ng parents ko, dito na lang ako sa Nueva Ecija. AYOKO. Una, sabi nga ng Kuya ni Yani, wag ko ng sayangin yung pagkakataon na andito ako sa UST. Kaso, eto e, sinayang ko na nga siya. Haha. (Ok, another thing, my friends are there, I cannot afford to leave them… Wahaha~!)

Hayy… Sorry nga pala Terri, kasi, di ako makakasama sa Wednesday. Sorry dude. Ang hirap e. Next time na lang. Sa April 2, clearance day. Hayyy…

Kanina pala, nung paalis na kami galing kina Yani(nambulabog na naman kami sa kanila, dun nagtipon-tipon ang sandatahang a2), I feel so fuckin’ sad. Hayyy talaga.

Ok fine. Enough of this. Madami namang masasayang moments kagabi, at kaninang madaling araw, at least for me. Hahaha. Ahummm….

The Walkout Drama

kung di ka makakarelate, malamang di ka a2. so, goodluck! :D

Bakit nga ba kasi siya nag-walkout?!?!

>menopausal stage

>mababa ang remittance galing Oman

>wala siyang sagot sa mga exercises

>gusto niya ng sofa, red carpet, soldiers sa paligid niya, at trumpet sounds pag-enter niya ng classroom

>late si Kristine

>41 na lang ang dolyar

>siya ang gumawa ng year-end adjustments ng inventory ng College of_____, at nafrustrate siya nung makita niyang wala yung isang silya ng prof

>binenta ni dean yung nawawalang chair, at merong loss on sale, ngunit di pinaalam sa kanya na may loss on sale pala. nainsulto siya.

>totoo niyang anak si Julius at di niya maatim na makitang nahihirapan ito sa kanyang mga itinuturo

>wala siya sa mood magturo, may hangover pa ng new year

>sunog yung itlog kaninang umaga

>nakipagtanan si Inday sa hardinero ng kapitbahay

>ninakaw yung calculator niya

>di pa siya nakakapamalengke

>madami daw kasing naka-pink na jackets. asiwa siya sa pink.

>wala na siyang prepaid load pantext kay honeybunch

>nakita niyang mas maganda si Loisa sa kanya

>nainggit siya dahil mas bagay kay Janina yung gupit niya

>kasi may bangs ang karamihan

>iniwan siya ng kanyang driver na sweet lover

>alam niyang walang sagot si aKDa sa exercises

>Quaipo Day sa Wednesday

>eto yung christmas gift niya saten (one meeting vacation)

>nag-attend siya ng bridal shower at kamukha ng mga boys sa harap yung mga strippers.

>na-stress siya dahil di pa siya nakakapag-warm up para sa prusisyon sa Quiapo sa Wednesday

>six pesos ang siningil sa kanya sa jeep. inakalang senior citizen na siya.

>malamig sa room

>ang totoong dahilan lang talaga, eh asiwa siya sa mga pagmumukha namin…

**eto lang yung mga naisip naming maaaring makapag-justify kung bakit, at bakit nga ba siya nag-walkout. dagdagan niyo kung gusto niyo. wag niyong dagdagan kung ayaw niyo. tapos ang usapan.**

pero kahit saang sulok ng kilay ng alaga kong bading na dagang bukid, di ko talaga makita kung bakit kami nagkaron ng kasalanan sa biglaang paglabas niya sa klasrum

Invertebrates

Kay Caryl ko natutunang tawagin ang mga tao, lalo na ang mga lalake, na ‘mga walang backbone’… Nakakatuwa kasi. Pero, pag may nakilala ka ng mga taeng walang backbone, di ka na matutuwa, mas gugustuhin mo na lang na sunugin sila sa Plaza Miranda.

1. Louie Angelo Cipriano - “Oo. Tama yun! Tama!” *with matching apir pa yun!* Magaling lang tong magsalita. At magpakyut. Di ko talaga to magets. Kung bakit kelangang laging paganahin lagi ang charm. Nyeta. Madalas na siyang karakter dito sa blog ko. Sa kadahilanang asar na asar naman talaga ako sa kanya. Dahil sa kanyang taglay na kahanginan.

L : Ano aKDa, inom tayo!

A : geh, Libre mo!

L : oo ba!

M : Haha. gusto ni akda magyosi…

L : Allergic ako sa usok…

(sa pagkakatanda ko lang naman, kasama namin siya nila marc, myla, at dio nun sa lacson. kelan pa siya naging allergic sa usok?)

**madaming apir pa ang sumunod habang ginagatungan niya ang galit ko sa mundo**

at dahil wala na kong mapagtripan. siya na lang ang binara ko ng binara.

L : anu ba yan! pinag-aantay nila yung may star ng show!

A : sus! ano bang role mo?

L : ewan ko ba. basta. ganun. womanizer ata ako dun.

A : bagay naman pala sayo.

L : Hahahaha…

A : Ang di ko matanggap, pinagaantay nila si aKDa … Hahaha,. Ikaw, yung role mo, madali lang palitan yan. La kong pakelam sa role mo. Womanizer lang ba? Eh kahit ako, kaya kong gampanan yun!

**madaming tawa ulet. kahit pa banas na lahat ng tae sa paghihintay…**

L : Sige nga.

A : Ano? Demo? Gusto mo, demo ko pa sayo eh!

L : Kay Marc…

**end of conversation na, basta pumasok yung pangalan ni Marc. LOL**

2. Aloysius Gonzaga - meron akong tinatag na organisasyon para lamang sa kanya. The Anti-Aloy Movement a.k.a The A-Squared Movement. Maswerte siya, binigyan ko siya ng oras para gawan ng org. Si Louie nga, na number 1 sa listahan ko, walang anti-louie org. Eto namang isang taeng to, tuwang-tuwa talaga ako sa kanya. Last sem, eto yung pinakamemorable kong narinig mula sa kanya…

M : Aloy, pano ba to? Paexplain naman… (turo ng formula sa finance)

A : Ah! Yan ba? Madali lang yan. Sa sobrang dali niyan, di ko na kailangan pang i-explain…

Hayep! Sabagay, madali lang nga naman kasi yung formula… Pero, kainis talaga to. Feeling superior kasi. Wala lang. Ayoko talaga sa kanya. Isa din siya sa mga madaling-madali ng lumayas kanina. Di ko magets kung nabubusog ba siya sa pagdodota. Pero, isa din siya sa mga taong tapang-tapangan daw sa mga pinagsasasabi niya, eh wala nga sila ni isa man lang nasabi nung dumating yung mga hinihintay namin.

3. JC Libiran - aba! siempre, di mawawala si Libiran. Kelangan ko pa ba tong iexplain? Wag na. Sayang ang space.

–madami pa to, ewan ko senyo, pero eto lang yung natandaan ko ngayong araw na to.dadagdagan ko na lang pagkatapos kong gawing flat ang bilog na mundo…

Unang Bala ng Reklamo

October 07, 2007. Friday. 08:00 - 15:00

Reklamo Number 1 : Kulang ako sa tulog. Ang hirap ng quiz sa accounting. Eto, reklamo ko lang sa sarili ko, kasi, mahihirapan ka talaga, lalo na sa mga katulad kong bobo. Punyeta, parang tinatasa yung utak ko kanina.

Reklamo Number 2 : Gaano ba kainsensitive ang isang tao? Nagpalipat na nga ako ng group, tatanungin niya pa ko, “Bat ka nagpalipat? Ayaw mo ba samin?” I told him, “Hindi naman…” –Hindi naman kayo yung ayaw ko, IKAW lang naman… At di pa siya nakuntento dun, lumapit pa ulet siya saken pagtapos ng LIT102, at saka sinabing, “Hi Athina!”… Wooo~~! Pumapapel ampf. Hindi ko talaga siya kayang plastikin, kaya tinalikuran ko na lang siya.

Reklamo Number 3 : 12 ang last class mo for the day. May ni-set na appointment ng 1. Ok lang yun. At naman, garantisado pang on-time ang mga tao, dahil may karampatang parusa daw ang sinomang male-late or di a-attend. Dahil pumunta pa kami kay Ma’am Inoturan, at na-trap pa ng Angelus, nabawasan na yung oras ko for lunch.

A : Tara guys, burger na lang tayo… Yumm! Solb na sa burger na lunch!
Teka, nayoyosi ako,

A : —-tara muna sa overpass, wala pa naman.

& : Wag na, 10 mins na lang before 1.

A : Ok. Sige. Wag na.

Alam mo naman ako. Di na mapakali. Di kasi nakahithit. Heniway, later na lang…

Badtrip… Ala-una na. Wala pang ibang tae kundi kami. Badtrip na ko. Ginatungan pa ng hinayupak na walang backbone na si Louie yung mga reklamo ko, “Oo, tama yun…”

C : Eh wala naman tayong magagawa. Sila naman ang masusunod. Di naman natin sila kayang labanan.

A : Aba! Kung ayaw niyo, ako na lang magsasabi sa kanila.

JENJEREREN….!!!!

Dumating na po ang mga panauhing pandangal.

A : ( pumatong pa sa ibabaw ng bench, para magpapansin, dahil nais na talagang mailabas ang mga hinanaing niya…) Naman! 7 lang kaming dumating ng 1. Late na yung iba… May bayad diba? BLAH BLAH BLAH BLAH….

Bigla naman akong napatigil. Sana man lang kasi, respeto lang. Nagpapansin na nga ako, at sinabing “MAY SASABIHIN AKO!!” Pero wala, si Franz lang ang napansing kong nakinig sakin. MADERPAKER! Nakakabanas! Sobra…! Well, sino ba naman kasi ako? Maliit lang naman yung role ko sa putangenang play na to. At sa technicals committee lang naman ako! Ano namang importansya para pakinggan ako. Kung ipinamukha ko nga kay Louie na kahit major role yung sa kanya, madali lang siyang palitan, ano pang ibubuga ko? Nyeta…

Kuha ng paper and pen, sinulat ang mga nais sabihin, pinasa kay Dio, at nag-walkout na ko. Tangina. Bastusan pala. Ako, pinipilit ko ng maki-socialize sa ibang parte ng klaseng to. Para naman hindi ako makulong sa circle of friends ko. Anyway, let us proceed to the next one…

Reklamo Number 4 : Manong! Gusto ko pang makarating ng buhay sa patutunguhan ko! Jeep tong nasakyan ko diba? Hindi naman to ambulansya? Ayt?…

Reklamo Number 5 : Nahulog yung yosi ko. From 7th floor, nasa bubong na siya sa 2nd floor. Yung lighter ko, nilunok na ata ng mga pare kong daga. Demmit.

Reklamo Number 6 : Tumawag si Amang Hari. Anong nangyari sa putanginang selpon? Lowbatt. Inutil talaga amp.

Reklamo Number 7 : May gagong naglalaro ng doorbell sa unit namin. Sarap niyang gilitan ng leeg.

Ayoko Sila

Ayokong kausap yung mga taong egocentric.

Sino bang may gusto?

Ayokong nakakarinig ng taong nagyayabang. Kahit di ako yung kausap niya.

Sino bang may gusto?

Ayokong makipag-usap sa mga taong tanga magpakaplastik. Yung hindi kayang galingan yung pagpapakaplastik nila.

Sino bang may gusto?

Ayokong makipagdiskusyon sa mga taeng makikitid ang utak. Lalo na kung wala silang alam sa mga pinagsasasabi nila. At lalung-lalo na kung di naman nila mapanindigan yung mga pinagdadadakdak nila.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausapin, at lalung-lalo na ang makipagbati sa mga malditang iyakin. Di ako nadadala ng iyak ng mga maarteng tao sa mundo. Bato ang puso ko. Kahit hingalin at mamatay ka na kakangawa, walang epek sakin yan. Tulungan pa kitang maiyak.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausapin yung mga taong nabalitaan kong bina-backstab ako. Tangina mo.

Sino bang may gusto?

Ayokong kausap yung mga taong feeling nila (di lang nila feel, pinagpipilitan talaga nila) na may gusto ako sa kanila. Tanda ko, madalas ako makipagsuntukan nung grade school dahil dito.

Sino bang may gusto?

At pinakaayaw ko ng kausapin, yung kaibigan ko, na nagpakaplastik saki, at nagpanggap na isang mabuting tae, pero lahat ay isa lamang palabas.

We’re so done… Being friends…

Angsarap nilang pasakan ng isang trak ng basahan sa bunganga, ipasok sa sako, isabit ng patiwarik sa puno ng mangga sa gilid sapa, bambuhin ng sandaang beses gamit ang dos por dos, at saka ipasok sa tambutso.

« Previous entries