Huwad Na Kasiyahan

Sabi ng mga gago sa mundo, “everybody deserves a second chance”. E what about the third? The fouth? Or even the fifth maybe?

Muntk na akong bumitaw. Ang sakit na kasi ng pagkakakapit ko. Mahapdi na. HINDI NA AKO MASAYA.

Putangina.

Ilang araw akong lumiban ng klase. Para sa sandaling kasiyahan na mapapala ko, at para na rin takasan ang pikit-mata kong pagkukunwari na ayos lang sakin ang lahat. At ang mas masakit pa, masaya na ang lahat, samantalang ako, hanggang ngayon, nagpapanggap pa lang din na masaya. Plastik kumbaga.

Walang pakelam ang mga tao sa paligid ko. Mukha naman akong masaya e. Ano pa bang dapat mangyari? Yun lang naman ang papel ko, ang maging masaya, at bawal akong malungkot. Nakakainis, tao din naman ako, lahat ng positibong emosyon ko, may kaakibat ding negatibong emosyon sa kabilang pahina.

Tulad ng dati, estupido pa din ako, at pabalik-balik pa din sa dating kaguluhan ng emosyon, ng utak, at ng aking pagkatao.

Gisang-gisa na ako sa mga responsibilidad na nakapatong sa balikat ko. Sa walang hangganang bilang ng mga pangako na aking binasag. At sa madami pang dadating na problemang wawasak sakin.

Sa ilang araw kong pagliban sa klase, dun lang ako nagiging masaya. Sa ilang mga sandali na pagtakas sa kung ano ang talagang nakatakdang dapat kong ginagawa, dun ko napupulot ang kaligayahan. Masama ba para sakin na maghangad ng tunay na kaligayahan? Samantalang, lunod na lunod na ako sa pagkukunwari, sa maskarang pumipigil sakin para makahinga ng maluwag, at para sa pag-abot ng liwanag na matagal ko ng inaasam. Masama ba ang aking paghahangad na alisin na ang maskarang lumamon na sa aking pagkatao? Masama ba?

Komplikado ang mga bagay-bagay. Ang bawat desisyon, may kapalit. Bawat panandaliang saya, may kaakibat na sampal. Di ko masisi ang sarili ko tulad nung dati ng nakagawian, masyado na akong nasasaktan sa bawat dagok na tinatanggap ko, napuputol din naman ang pagtitimpi ko, may hangganan ang pagtitiis, natatapos din ang pagkukunwari.

Sabi ng isang kaibigan, “masyado ka kasing matigas…”

Ayan tuloy, nabali ako, bumigay na. Pero sa kabila ng lahat ng to, alam ko, kaya ko pa ding bumangon. Nais ko na ding putulin ang pagiging huwad ng aking kasiyahan.

Para sa ikabubuti ko. Para sa ikasisiya ko pang lalo. At para sa pagpapatuloy ko sa aking napiling propesyon.

Dati

Noon…


Masaya tayo…

Di ko alintana pag madaming kaguluhan sa paligid

Panatag na ko na ikaw ang kasama ko

Masaya tayo…

Kahit madaming kontrabida sa relasyon natin

Deadma lang

Mahal kasi kita

Masaya tayo…

Tanggap ko kung sino ka

Kahit pa sangkatutak na bisyo ang meron ka

Ni minsan, di kita sinubukang pigilan

Kasi, nakilala na kitang ganyan

Kasi, minahal kitang ganyan

Wala akong balak baguhin ka

Mahal ko at tanggap ko kung sino ka pa

Masaya tayo…

Tanggap mo din kung ano ako ( yun yung akala ko )

Sumasama ka sa group studies namin

Sa kung anu-anong researches ko

Ang alam ko, sinabi pa minsan ng iyong katropa na nagiging nerd ka na din

Masaya tayo…

Opposites…

Pero swak na swak sa isa’t-isa

Parang magnet ang dating

Masaya tayo…

Minsan sinama mo pa ko sa ‘session’ niyo

Di ako tumanggi

Parte yan ng buhay mo

At gusto ko ding maging parte ng buhay mo

Masaya tayo…

Kahit na nagkaroon din ako ng bisyo dahil sayo

Tinuruan mo ko ng mga bagay na I classify as ‘bad’

Pero nung ikaw nagturo sakin, they’re not bad anymore

Kasi… Ikaw yun…

Masaya tayo…

Kahit pa nagkaroon ako ng bagsak na subjects,

Di na din ako DL.

Yung scholarship ko, wala na

Yung mga pangarap ko, unti-unti ko silang iniwan

Yung mga ginagawa ko dati, wala na

Ang sarili kong barkada, wala na

Di ko pa napapansin,

Unti-unti mo na pala akong binabago

Unti-unti, hinuhubog mo ako sa kung sino ang gusto mong maging ako,

At hindi sa kung sino ako…

Pero, mas mahal mo kung sino yung gusto mong maging ako, kesa sa kung sino ako

Ayos lang, mahal kasi kita…

Wala akong pakelam

Feel na feel ko pang magrebelde noon nung pinalayas ako sa bahay dahil sayo…

Sinamahan mo ko…

Naglakbay tayo sa sarili nating mundo

Oo, ayos lang saken lahat…

Di ko inalintana ang kaguluhan na nangyayari sa buhay ko

Kahit nawalan ng direksyon ang buhay ko

Ayos lang

Mahal kasi kita eh

Natuto akong uminom,

Lunurin ang mga problema sa tulong ng serbesa

Yan ang linyang gamit mo

Akala ko dati, ginagamit lang yan ng mga duwag

Pero nung ikaw nagsabi sakin niyan

Iba na naman ang dating saken.

Ramdam ko ang katapangan sa paginom

Kahit pa sa likod ng utak ko,

May bumubulong, na duwag ako,

At tinatakasan ko lang ang mga problema ko

Natuto akong tumira ng weeds

Natuto akong pumormang rebelde

Natuto ako ng mga salitang kanto

Natuto akong magmura

Pati ata Diyos, namura ko na..

Natuto akong ‘ang eskwela ay para lamang sa mga taong walang kwenta’

At matagal-tagal akong nasa ganoong estado ng buhay…

Pero, ayos lang ulet… Tangina… mahal kasi kita eh…

Si… Sino na nga yon?

Yung babaeng inuwi mo sa bahay?

Na pinakilala mong mas mahal mo kesa sakin?

Pasensya ka na.. Nalimot ko pangalan niya eh..

Basta siya..

Siya, na harap-harapan mong sinampal sa akin

Na nakahanap ka na ng bagong mamahalin

Ng bagong babaguhin…

Mas maporma siya sakin…

Mas magaling siyang tumoma kesa sakin…

Mas adik siya kesa sakin…

Mas maganda siya kesa sakin…

Mas seksi siya kesa sakin…

Mas nasasakyan niya ang trip ng barkada mo…

Mas marunong siya sa lahat ng tinuturo mo…

Mas… Mas… Mas…

Malamang, nagsawa ka ng magturo sakin…

Ayus lang ulet… Mahal na mahal kasi kita eh…

Hindi mo naman ako pinalayas…

Sabi mo, naaawa ka sakin, kasi wala akong titirhan..

Hindi naman ako lumayas…

Kasi, wala nga naman akong titirhan…

Pero ang totoo, ayoko lang kasing tanggapin,

Na ganun ganun mo na lang ibabasura ang relasyon natin

Matagal-tagal ding naging makapal ang mukha ko na magtagal pa sa bahay mo…

Nakikita ko kayo,

Ansarap niyo maglandian…

Pinapadinig niyo pa nga sakin e..

Ansaya niyo talaga…

Nakakainggit..

Pero, kinapalan ko pa din ang mukha ko,

At nagtagal pa din ako sa bahay mo…

Kasi, gusto kita laging makita

Mahal kasi kita…

Matagal-tagal din bago ko napansin na hindi na makapal ang mukha ko…

Lumayas na ko sa bahay mo…

Yun lang naman ang tamang gawin…

Pero kahit wala na ko sa bahay mo,

Sayo pa din umiikot ang buhay ko…

Ikaw lang ang tanging araw sa gitna ng solar system ko…

Ngayon…

Di ko na mabalik sa dati ang buhay ko

Yung ‘dati’…

Na nabubuhay akong di ka kasama…

Mahirap ibalik..

Pero minsan, kinukwestiyon ko din ang sarili ko

Kung ano ba talaga yung ‘dati’ na gusto kong ibalik

Yung ‘dati’ na wala ka?

O yung ‘dati’ na andyan ka, at masaya tayo…?

Ang sagot ng utak ko, briefcase number 1…

Pero ang sabi ng puso ko?

No Deal…

Pano na?

Di ko yata alam ang salitang ‘move on’?

Mahal pa din kasi kita eh…

Lintek yang pagmamahal na yan…

Di siya makatotohanan…

Hanggang pangarap nga lang ako eh

Na mababalik pa din ang ‘dati’…

Noon…

Masaya tayo…

Kahit pa laging tampulan ng tukso ang grupo natin

Tayo daw ang mga nerds

Ang mga bookworms,

Ang mga utak ng lipunan

At ang mga grade conscious na indibidwal…

Tayo yon…

Pero, ayos lang, kasama naman kita

Kahit pa tawagin nila kong kriminal, okay lang

Basta, andyan ka…

Mahal kasi kita…

Isa ka sa mga may pinakamagandang imahe sa buong eskwelahan

Para sakin, di lang sa school, sa buong bansa,

At sa buong mundo pa…

Ganon talaga

Mahal kasi kita…

Masaya naman ako sa ganitong sitwasyon natin

Walang commitment, pero nagkakasundo

Ayos na ayos ang lahat

Kaya lang, dumating siya

Pero, mahal pa din kita…

Nagbago ka bigla

Parang isang iglap lang,

Di na ikaw yung dating minahal ko

Pero, masaya ka naman sa kanya e

Kaya masaya na din ako,

At napapangiti pa ko sa tuwing makikitang ang mala-anghel mong ngiti

Kahit na siya pa ang dahilan ng iyong kasiyahan

At kahit ganon,

Mahal pa din kita

Naglagpakan ang grades mo

Yung scholarship mo na noon mo pa sinasalba

Biglang naglaho

Di ka na DL

At biglang nagbago ang timpla ng mga nais mo sa buhay

Nagkaroon ka din ng madaming bisyo

Kahit pa pinagbawalan kita

Dahil alam kong masama sa kalusugan mo,

Ako pa ang lumabas na mali.

Siya ang tama.

Siya kasi ang mahal mo

Ako? Wala lang, mahal lang kita e…

Napariwara na ang buhay mo

Nawalan ng direksyon

Napalayas ka pa senyo

At nagbago na ang ugali mo

Ngunit sa kabila ng pagbabago mo

Nakatanaw lang ako sa di kalayuan,

Nagbabantay, at nagmamahal

Isang araw, bigla ka niyang pinalitan

Di ko matanggap

Na may kapalit ka pa pala

Sakin kasi, wala na.

Wala na talaga.

Ang bobo nung lalake,

Di ba niya alam na minsan ka lang ipanganak?

Pinalagpas ka pa niya

Sus! Dakilang BOBO talaga

Di lang bobo…

Tanga

Inutil

Walang kwenta

Pariwara

Pero above all, mayaman siya

Mahal mo siya eh…

Saksi ako sa mga paghihirap mo

Pero, mas nahihirapan ako,

Kasi, wala akong magawa

Di ako pwedeng makialam

Mahal lang naman kasi kita

Wala ng iba

So, wala akong karapatang makisawsaw sa buhay mo

Pero nasasaktan ako

Sa tuwing sinasaktan ka niya

Mas masakit pa kesa sa inaakala mo

Nung nagdesisyon kang umalis sa poder ng hayup na yon

Nalungkot ako,

Wala na pala talaga kayo

Dapat masaya ako diba?

Eto na yung hinihintay kong pagkakataon

Para maipamalas sayo

Na mas sasaya ka sa piling ko

Wala ka na nga sa kanya

Nasa poder na kita,

Pero walang nagbago,

Mahal mo pa din siya

At mahal lang din kita

Yun lang wala ng iba.

Gusto mong ibalik yung dati…

Yung ‘dati’ na hindi ko alam

Kung yung ‘dati’ na kasama mo siya

O yung ‘dati’ na iniisip ko?

Yung ‘dati’ na wala pa siya sa buhay naten?

Di bale, kahit anupamang ‘dati’ yan

Sasamahan kita

Andito lang ako

Mamahalin kita

At, ibabalik natin and ‘dati’…

Summer Classes

So, nakakuha ako ng slot for Acc3. So glad. So happy. Yung paggising ko ng maaga para lang mauna sa school actually paid off. Sabi kasi, first come first serve. Pero bago ako nakapag-enroll madami muna ang nangyaring kalokohan. –0– Alas sais y medya pa lamang, eh dumating na ko sa aking mahal na eskwelahan. Waw! Aga ko! But, to my disappointment, madami pa pala ang mas excited maagang dumating para mauna sa mga slots. Sa totoo lang, wala ako sa mood nung araw na yon para gumising ng maaga, pero, dahil sa chinismis ni Janina sakin na first come first serve nga daw, at dahil 298 kaming bagsak ng FinAcc, at dahil ayokong ma-delay, napilitan akong gumising ng masyadong maaga.

Babaeng Unknown : Yung mga na-advise-an na, yung mga regular students na mage-enroll for IACC, pwede na kayong dumiretso sa Seminary Gym.

Walang kumibot. Walang huminga. Isa lang ang ibig sabihin nito…

Babaeng Unknown : I said yung mga mage-enroll for IACC, third year and fourth year students, dumiretso na kayo sa Seminary Gym. Pwede na kayong dumiretso. (*merong mandatory summer for third year and fourth year students, kagagawan ng proposed curriculum sa AMV, four years na lang ang accountancy, pero may 2 mandatory summers… oh well…*)

Wala pa ding umaalis. Nakupow. Lahat ba kami second year na naghahabol ng slots?!? Oh my gulay. Ang ikinaka-kaba ko pa, baka lahat ng mga to, Acc3 din ang binagsak. Susme. After ilang chismisan at pagkainip sa lobby… The gate finally flew up! Hahay!

Guard : Punta kayo sa Room 431 for advising.

Eh di lipad naman ang madlang pipol sa Room 431, kung saan din nangolekta ang sandatahang a2 nung April 08, 2008 ng clearance.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Text muna mga tao.

Teka, nauuhaw ako, labas muna, at makipag-bonding sa drinking fountain.

Lamig ng tubig. Whew!

Uy! Si Tero at si Dio ba yun? Teka, makikipagdaldalan muna ko. Take note, yung tinambayan namin, eh kaharap ng Dean’s Office kung saan nakapaskil na sa Room 402 yung advising, pero di ko nakita yun, at nalaman ko na lang na lumilipad na yung mga tao papuntang Room 402. Pagdating sa Room 402, lalo pa kong nanggalaiti, dahil sa dami ng tao, na, ayon sa isa Babaeng Unknown # 2, eh mauuna nilang asikasuhin.

Hayy. Basta, nakakairita. After that, nawala na ang lahat ng bahid ng professionalism sa katawan ko, nilamon na ng inis ang utak ko, at inaway ko na halos lahat ng taeng nagkalat sa daan.

Eniway, highway, after naman ng madaming daldalan at lokohan, naayos na namin ang lahat, at lumipad na kami patungong Seminary Gym (pero bago ako tumuloy sa Gym, nagpa-load muna ako, kasi, nagtext yung crush ko. Nyahahaha!).

—Sa Seminary Gym—

OA SA HABA ANG PILA!!!!!!!!!!! Pramis. As in OA talaga. Well, eniway, sumingit lang naman ako kay Karina at Jani. Inaway ko nga din yung babae na nag-assess sakin. Asshole kasi talaga yung bobitang yun. After everything else… Lumamon kami sa P.Noval dahil sa sobrang gutom, kailangan lagyan ng laman yung tyan namin. Ate lunch with Clau, Karina, Jani, Louie, Dio and Miguel.

Bonding-bonding.

Yosi bago pumasok ng USTe ulet.

Daldalan.

KWENTUHAN.

^_^

Ayos na araw ko, kahit sirang-sira ito nagsimula, masaya ako sa buhay ko. Hayy. Sarap!

Nokturnal

Tanawin mo ang aking mayumi ngunit makapangyarihang sinag

Pagmasdan ng mabuti ang aking hiram na ganda’t liwanag.

Kagandahan kong kahit saang lupalop ay kinababaliwan

Nahuhumaling lahat ng mga mapagsamantalangkalalakihan

Mga salita ko ma’y maledukada’t bulgaran

Mga hayok sa laman wala ni kaunting pakialam

Isa lamang naman ang nais nilang makamtan sa aking kandungan

Ang maranasang umindayog kasabay ng init ng aking mala-diyosang katawang lupa.

Ngumiti, umindak, alindog ko’y walang tigil na sumasaliw sa musika

Pagmasdan mo ko ng iyong buong pagnanasa…

…Pagnanasang tumatagos sa aking madungis na kaluluwa

Haplos ko’t mga halik walang ismid mong nilasap

Parehong nagpakalango sa sarap

Ni isa satin walang huminto, walang kumurap.

Pare-pareho lamang kayo,

Yun ang palaging sambit ko

Pero sa pagkakapare-parehas ninyo

Ikaw lamang ang tinibok ng puso ko.

Matapos ang gabing puno ng ibayong pagmamahal.

Yumapos ka sakin at inalok ako ng kasal.

Tumanggi ako. Pinigil ko ang sarili ko.

Hanggang sa tuluyan kang nilamon ng kabilugan ng buwan

Lumayo sakin at naglaho tungo sa kawalan

Napatigil ako. Napatunganga.

Sa aking pagtanggi…

..wala bang karapatang magmahal ang isang puta?

________________________________________________________________

Isasali ko dapat to sa “..”, kaso, nahiya ako, saka di ako umabot.

(Heart | Head) ACHE

Stupid people need stupid second chancesIf you’re not stupid, why not make it right the very first time?

Only stupid people would want some idiotic company.

You want my company

If a+b=c, what now?

Eto nagpapaulit-ulit sa utak ko. Kahapon pa. Tsss…

Kahapon ko naranasan ang pinakamasaklap na tulog ko sa buong buhay ko. Biruin mo, alas siyete ako gumising?! Alas dose kaya ang schedule ng gising ko pag bakasyon.

E bakit ka naman kasi gumising ng pagka-aga-aga?

Recognition ni Althea, and dahil lagi namang wala siyang kasama dito sa bahay, sabi ko nga kalat-kalat na tae ang pamilya namin, nahiya naman ako na hindi sumama sa pagkakataong to.

Dahil ambagal namin gumayak n kapatid ko, sabi ko susunod na lang kami.  Maaga pa din naman kaming dumating sa school nila. And to my disgust, uber late nagsimula yung ceremony.

Pag-uwi sa bahay, di na ko makakain ng maayos, at para bang sukang-suka na ko. At alam mo yun, yung sobrang sakit g ulo mo. As in, OA sa sakit. Parang pinapakuan, ngunit sa kabila ng lahat ng iyon, hinarap ko pa din ang computer.

tae, masakit na ang lahat sayo, inatupag mo pa din ang pagcocomputer!

O, sorry naman.

Nilagnat ako pagdating ng madaling araw. Ansakit ng everything.

MORAL LESSON : Wag gumising ng maaga.

Stupid people need stupid second chancesIf you’re not stupid, why not make it right the very first time?

Only stupid people would want some idiotic company.

You want my company

If a+b=c, what now?

Let us start… to end this crap.‘Cause you know,

You + Me = undefined

So better not believe in fairytales

It will only hurt the both of us.

I would kill…

Pag tinatanong ako kung sino ang gusto ko, sasabihin ko…

…siya lang naman talaga. Haha.

Tapos,. sunod niyan, hindi maniniwala mga tao.

Kinwento ko nga sa nanay ko nung minsang na-timing-an namin yung show niya. Sabi ng nanay ko, ano ba yan, bakit yan yung crush mo?

Sabi ko, bakit, sinong gusto mong crush ko, si Piolo? Yucky!


Hanggang ngayon di pa din nila magets na siya naman talaga ang tinitibok ng puso ko. (Nakups! contact ko pa naman siya sa multiply at sa friendster. kinilig-kilig nga ako habang ina-add ko pa lang siya… hayyy… lalo naman nung in-approve niya yung invitation ko. hahay. grabe.)

Saka, isang factor din kasi, pareho kami ng favorite pose…

…the THUMBS UP pose…

Ewan ko ah. Pero ang sakin lang naman, walang pakelamanan… Ang sinasabi ko na lang sa mga taong pakelamera na nangengelam ng kung sino yung magustuhan ko….


I WOULD KILL JUST TO DATE

 RAMON

O sige na, alam ko, abnormalities ako. sorry naman. haha.

Masaklap kasi ang childhood ko. Haha. ^_^

[photos from Ramon's friendster profile]

Panaginip

Ambisyosa : Hello! Gud Morning!

He-Who-Must-Not-Be Named : ‘Cnu k?’

Ambisyosa : Sabi ko na nga ba, yan itatanong mo saken. Kainis ah. Di man lang pala naka-save sa phonebook mo yung number ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ah. Pasensya na. Di naman kasi tayo close.

Ambisyosa : Ok fine. Tsss…

He-Who-Must-Not-Be Named : Anu ba yan. Big deal ba yun. Eto na nga o, naka-save na.

Ambisyosa : OO! Big deal yun sakin, bakit ba. Epal mo ah!

He-Who-Must-Not-Be Named : Hala! Ikaw na nga tong nang-iistorbo saken, ako pa yung tatawagin mong epal. Kamusta ka naman!?

Ambisyosa : E di sorry!

He-Who-Must-Not-Be Named : Wag kang galit.

Ambisyosa : [insert malumanay tone here] E di sorry.

He-Who-Must-Not-Be Named : Thanks nga pala.

Ambisyosa : San?

He-Who-Must-Not-Be Named : Nung isang gabi…

Ambisyosa : Alin dun?

He-Who-Must-Not-Be Named : Wala. Wala.

Ambisyosa : Ok.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : …

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Wag mo naman akong pahirapan.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha?! Baket? Wala naman akong ginagawa a!

Ambisyosa : Yun nga e. Wala ka kasing ginagawa. Tangina.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha? Di ko maintindihan.

Ambiyosa : Ano ka ba? Wag ka ngang uminom ng anaesthesia…

He-Who-Must-Not-Be Named : Ay, bahala ka nga! Labo mo!

Ambisyosa : Tangina.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Yan ka na naman e. Magsalita ka nga!

He-Who-Must-Not-Be Named : E bakit? Ayoko magsalita.

Ambisyosa : Magsalita ka. Naiilang ako.

He-Who-Must-Not-Be Named : Bat ka naiilang.

Ambisyosa : E malay ko ba kung ano na yang tumatakbo sa utak mo. Andami pa namang laman niyan.

He-Who-Must-Not-Be Named : Wag mo na kasi akong pakelaman.

Ambisyosa : Grabe o! Sakit nun a!

He-Who-Must-Not-Be Named : Bat ka ba nasasaktan. Pwede mo naman akong iwan sa isang tabi. Yaan mo na kong mag-moment dito.

Ambisyosa : Ayoko. Sasamantalahin ko ang pagkakataong ito.

He-Who-Must-Not-Be Named : Para san?

Ambisyosa : Para makausap ang taong gusto ko. Para makalapit sa taong mahal ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ha? AKo ba yun?

Ambisyosa : Lakas mo din a!

He-Who-Must-Not-Be Named : Ay sorry.

Ambisyosa : Oo, ikaw yun.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : …whew…

He-Who-Must-Not-Be Named : A.. Ok..

Ambisyosa : Explain that ‘ok’.

He-Who-Must-Not-Be Named : Bakit?

Ambisyosa : Manong, madaming maaaring ibig sabihin ang ‘ok’. For one, it may mean, ‘ok, but please, stay away from me, magulo ang relasyon ko ngayon, pero wala akong balak iwan siya. wag kang masyadong umabuso, please?’

He-Who-Must-Not-Be Named : …**insert malalim na buntong-hininga here**

Ambisyosa : So… I think i’ve explained it already.

He-Who-Must-Not-Be Named : …**insert mas malalim pang buntung-hininga here**

Ambisyosa : Ok lang yun tsong! Anu ba! Lalim ng buntung-hininga mo, nakakalunod!

He-Who-Must-Not-Be Named : …sorry…

Ambisyosa : Wag ka ngang mag-sorry, i took the risk, if i would be hurt, the blame’s all on me.

He-Who-Must-Not-Be Named : yaan mo na ‘kong mag-sorry. it’s the least i can do.

Ambisyosa : palipasin mo na lang yun. wala naman akong balak guluhin ka. ok lang ako dito sa isang tabi, patuloy pa din kitang gugustuhin. patuloy akong magaambisyon.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named : mas ok siguro kung wag mo na ipagpatuloy. ayokong magpaasa ng tao. ayokong makatapak.

Ambisyosa : Wusus! As if naman you have the slightest bit of care for me. Ulul mu! Tigilan mo nga ko. Lalo ka lang nakakasakit. Kasi, lalo lang akong umaasa na kahit papano, may pakelam ka sakin, kahit wala ka naman talagang pakelam. Shit.

He-Who-Must-Not-Be Named : Di naman! Grabe to!

Ambisyosa : Tangina. Wag ka nga magpanggap!

He-Who-Must-Not-Be Named : Di ako nagpapanggap tsong! Takte naman.

Ambisyosa : Puta! e di man lang nga naka-save yung number ko sa phone mo! Tapos, sasabihin mong… Pucha…

He-Who-Must-Not-Be Named : …so, big deal pala talaga sayo yun.

Ambisyosa : OO! BAKIT!? WAG KANG MAKIALAM KUNG BIG DEAL SAKIN YUN! fucker!

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Sorry, namura na kita ng madaming beses pare.

He-Who-Must-Not-Be Named : Ok lang. Naintindihan ko naman na ganyan ka na talaga.

Ambisyosa : Oo. Ganito na talaga ko. Pasensya. Ganito na talaga ko. Siraulo. Gago. Walang patutunguhan ang buhay. Kaya ako, di din naman ako umaaasang magiging close tayo, at lalaung-lalong di ako umaasang magugustuhan mo ko. Kahit pa ambisyosa ako, medyo kinokontrol ko pa naman yung sarili ko na “oi, ambisyosang bata, hanggang dito ka lang ine, wag masyadong high, baka lumagpas ka sa ether, at mabutas ang atmosphere.. ok?” ganun. kilala ko sarili ko.

He-Who-Must-Not-Be Named : sobra ka naman.

Ambisyosa : Ay, sobra ba? Dapat ba, di ko na lang sinabi sayo?!

He-Who-Must-Not-Be Named : hinde—

Ambisyosa : Sobra? Dapat hindi ko na pinagpilitan pang magsimula ng usapang to?! HA?!

He-Who-Must-Not-Be Named : di naman sa ganon—

Ambisyosa : Ha?! Ha?! Dapat ba, hindi na lang ako nagkagusto sayo?!? Ha?! Ang hirap kaya! Tangina. Akala mo ba nadadalian ako?!

He-Who-Must-Not-Be Named : Teka. Teka. Di naman ganun yung ibig kong sabihin… tssss… Pero sana, wag mo na akong gustuhin.

Ambisyosa : Sana nga. Ako din. Yun yung gusto kong mangyari. Sana, dun na lang ako magkagusto sa mga putanginang nagkukunwaring may gusto sakin. Sana, dun ko na lang ibinuhos yung pagmamahal ko. Kahit na kunwari lang yun, pwede ko ding laruin yun, at enjoy-in. Ako pa! Dun na lang sana ako. Para nag-enjoy pa ako. F*** Pero hindi e.

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : Ok na ko. Wag mo na pakelaman yun. Isipin mo na lang ham yun.

He-Who-Must-Not-Be Named : Haha.!

Ambisyosa : este, isipin mo na lang, “nananaginip ka lang ngayon” Lilipas din tong panaginip mo.

He-Who-Must-Not-Be Named : ….

Ambisyosa :

He-Who-Must-Not-Be Named :

Ambisyosa : O pano ‘pre! Sibat na ko. Tinatawag na ko sa inuman dun o!

He-Who-Must-Not-Be Named : Sige tsong…

Ambisyosa : **paints a smile on** Ambisyosa talaga AKO! Tsktsktsk.

Ambisyosa AKO!

Ambisyosa ako.

Bakit?

Kasi….

…Gusto ko ng smoke machine nung play namin sa RC at sa LIT102.

….Gusto kita.

Nais kong hatakin ang oras.

Pabalik…

Dun sa iilang minutong nakaakbay ako sayo…

…Pinapagaan ang loob mo.

…Nakikinig sa mga problema mo.

…Nagmamagaling na prara bang wala akong problema.

…Pinapatahan ka.

Sabihin man na mapagsamantala akong nilalang dahil sa ginawa kong pang-aabuso ng iyong pagkakaroon ng problema.

Ambisyosa ako.

Gusto kong mapalapit sayo.

Kahit dati, galit ako sayo.

Bakit?

Kasi, dahil sayo, bumababa ang tingin ko sa sarili ko.

Dahil sayo, napipigtas ang lubid ng paninindigan ko, na di ako magkakagusto sa mga taong katulad mo.

Galit nga ba ‘ko sayo noon?

Baka naman nadala lang ako ng aking emosyon dahil GUSTO KITA.

Gusto naman talaga kita.

Pero AMBISYOSA lang talaga ‘ko…

Ngayon… tumutugtog sa utak ko yung Migraine ng Moonstar88.

Oo nga pala, hindi nga pala tayo
Hanggang dito lang ako, nangangarap na mapa-sa’yo
Hindi sinasadya
Hahanapin pa ang lugar ko
Asan nga ba ako? andiyan pa ba sa iyo?

Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? asan ba ‘ko sa ‘yo?
Nahihilo, nalilito
Asan ba ‘ko sa ‘yo? AASA ba ‘ko sa ‘yo?

Naiinip na ako, naghihintay sa ‘yo
Masakit na ang ulo, kailangan bang lumuhod?
Gusto ko lang naman, yung totoo
Yung tipong ang sagot
Ay di rin isang tanong

Dahil, ‘di na makatulog
Dahil ‘di na makakain
Dahil ‘di na makatawa

Dahil, di na

Oo nga pala, HINDI NGA PALA TAYO
Hanggang dito lang ako

Nahihilo
Nalilito

Ngayon hindi ko na alam.

Pano na ko makakabalik.

Pano na magrorollback ang presyo ng gasolina.

Pano ko na pipigilin tong nararamdaman ko para sayo.?

Pano na, eh ambisyosa lang talaga ako.

I Was Right, but then…

Yes, I was right about everything…

but then, I wasn’t happy when I found out I was right…

…because I was right when I predicted that you would leave me.

*sigh*

it was fun while it lasted.

now the time for goodbye’s here.

thanks.

bye.

fine.

i surrender.

i now am gonna admit it.

i miss you.

i really do.

damn it.

: |

well, anyway…

it wasn’t made to last.

i was the one against for it to last.

too good to be true.

that was how it was.

thank you.

you ended your story just when i was starting mine… -_-

« Previous entries