Pressure Cooker

Eto ang isa sa mga paborito kong posts ng isa sa aking mga malalapit na kaibigan na si Caryl,

First Born Complex

At sinundan pa yan ng isa din sa aking mga matalik na kaibigan na si Wei,

Council of Elders

Nag-online ako sa YM dahil nagsend ng SMS yung tatay ko sa cellphone ng kapatid ko. Online daw siya. At eto ang highlight ng pag-uusap namin…

tatay-ni-aKDa: pagbutihan mo anak schooling mo kasi may kaibigan ako sa new zealand
tatay-ni-aKDa: baka abutan mo pa siya don
tatay-ni-aKDa: after graduate mo ba, pwede agad kumuha ng board exam?
aKDa: hmm.. opo, that year then, october ata ako makakakuha ng eam.
aKDa: *exam.
tatay-ni-aKDa: ah ok
tatay-ni-aKDa: kasi ok sa switzerland pwede mo kaming madala don lahat
tatay-ni-aKDa: medyo madali ang pag petisyon, unlike US and Canada
tatay-ni-aKDa: yung frien ko don, nakuha na niya family niya
aKDa: ahh… sige, tatry ko po… tatry ko tlga. ok naman ata dun tumira diba? ^_^ sana nga e.
tatay-ni-aKDa: ok din don, pero syempre iba sa sariling bayan
aKDa: sana matuloy. ^_^

Ako, wala naman akong reklamo diyan. Kasi, gusto ko din namang guminhawa ang buhay ng pamilya ko. Dati din nagkausap kami ni Papa, sabi niya naman, di ko naman kailangan pang pag-aralin yung mga kapatid ko, kasi, di ko daw responsibilidad yun, sa kanila daw responsibilidad yon. Ok. Sobrang bait ng tatay ko. At ok lang din sakin na sobrang pressure ang pinapatong nila sa akin.

Ayus lang talaga. No hard feelings.

Ang ayoko lang…

Eh yung anumang isusumbat nila pag na-disappoint sila.

Summer Classes

So, nakakuha ako ng slot for Acc3. So glad. So happy. Yung paggising ko ng maaga para lang mauna sa school actually paid off. Sabi kasi, first come first serve. Pero bago ako nakapag-enroll madami muna ang nangyaring kalokohan. –0– Alas sais y medya pa lamang, eh dumating na ko sa aking mahal na eskwelahan. Waw! Aga ko! But, to my disappointment, madami pa pala ang mas excited maagang dumating para mauna sa mga slots. Sa totoo lang, wala ako sa mood nung araw na yon para gumising ng maaga, pero, dahil sa chinismis ni Janina sakin na first come first serve nga daw, at dahil 298 kaming bagsak ng FinAcc, at dahil ayokong ma-delay, napilitan akong gumising ng masyadong maaga.

Babaeng Unknown : Yung mga na-advise-an na, yung mga regular students na mage-enroll for IACC, pwede na kayong dumiretso sa Seminary Gym.

Walang kumibot. Walang huminga. Isa lang ang ibig sabihin nito…

Babaeng Unknown : I said yung mga mage-enroll for IACC, third year and fourth year students, dumiretso na kayo sa Seminary Gym. Pwede na kayong dumiretso. (*merong mandatory summer for third year and fourth year students, kagagawan ng proposed curriculum sa AMV, four years na lang ang accountancy, pero may 2 mandatory summers… oh well…*)

Wala pa ding umaalis. Nakupow. Lahat ba kami second year na naghahabol ng slots?!? Oh my gulay. Ang ikinaka-kaba ko pa, baka lahat ng mga to, Acc3 din ang binagsak. Susme. After ilang chismisan at pagkainip sa lobby… The gate finally flew up! Hahay!

Guard : Punta kayo sa Room 431 for advising.

Eh di lipad naman ang madlang pipol sa Room 431, kung saan din nangolekta ang sandatahang a2 nung April 08, 2008 ng clearance.

Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak.Tik.Tak

Text muna mga tao.

Teka, nauuhaw ako, labas muna, at makipag-bonding sa drinking fountain.

Lamig ng tubig. Whew!

Uy! Si Tero at si Dio ba yun? Teka, makikipagdaldalan muna ko. Take note, yung tinambayan namin, eh kaharap ng Dean’s Office kung saan nakapaskil na sa Room 402 yung advising, pero di ko nakita yun, at nalaman ko na lang na lumilipad na yung mga tao papuntang Room 402. Pagdating sa Room 402, lalo pa kong nanggalaiti, dahil sa dami ng tao, na, ayon sa isa Babaeng Unknown # 2, eh mauuna nilang asikasuhin.

Hayy. Basta, nakakairita. After that, nawala na ang lahat ng bahid ng professionalism sa katawan ko, nilamon na ng inis ang utak ko, at inaway ko na halos lahat ng taeng nagkalat sa daan.

Eniway, highway, after naman ng madaming daldalan at lokohan, naayos na namin ang lahat, at lumipad na kami patungong Seminary Gym (pero bago ako tumuloy sa Gym, nagpa-load muna ako, kasi, nagtext yung crush ko. Nyahahaha!).

—Sa Seminary Gym—

OA SA HABA ANG PILA!!!!!!!!!!! Pramis. As in OA talaga. Well, eniway, sumingit lang naman ako kay Karina at Jani. Inaway ko nga din yung babae na nag-assess sakin. Asshole kasi talaga yung bobitang yun. After everything else… Lumamon kami sa P.Noval dahil sa sobrang gutom, kailangan lagyan ng laman yung tyan namin. Ate lunch with Clau, Karina, Jani, Louie, Dio and Miguel.

Bonding-bonding.

Yosi bago pumasok ng USTe ulet.

Daldalan.

KWENTUHAN.

^_^

Ayos na araw ko, kahit sirang-sira ito nagsimula, masaya ako sa buhay ko. Hayy. Sarap!

Karera sa Slots Bukas!

Nakasuot na sakin yung backpack ko. Ewan ko nga bat nakasuot na to sakin, samantalang, inaantay ko pa naman yung nanay ko, na nagliwaliw pa sa mall para mamalengke nung mga requirements niya, saka para magpakuha ng 2×2. Ang init nga e. Kainis.

Summer heat’s getting into me. Grabey.

Dadalaw ako sa Recto bukas para mag-shopping ng Prac1. Haha. Pero bago ang lahat, mage-enroll muna ko, dahil kelangan kong makipag-unahan sa slots bukas ng maagang-maaga, konti lang daw yung available na slots, eh sa dami naming mga bumagsak, 289 ata, or somethin like that, malamang, maubos nga yung slots. Pero di ko pa alam kung ilang section yung kukunin. Basta, kelangan kong makuha to ngayong summer, or else, madedelay ako, ng one year. And i don’t like that to happen. Sino bang gustong madelay ng isang taon. Tae.

Tatapusin ko na yung binabasa kong Dekada ‘70. At kelangan ko na ding pakitaan ng progreso yung ginagawa kong kwento. Lintek. Ang tamad tamad ko kasi talaga. Kasi, ansarap talaga matulog. Kahit ano pang mangyari, masarap talaga matulog. Haha! Di ko ipagpapalit sa kahit anupaman.

Got to read everythin’…

The Fallen Angel

pict0095.jpg

I was given away. But I do not hold even the slightest grudge against them. I know you need me more than anyone else. My light. My guidance. It did not even occur to me that you just continue to keep me because of my aesthetic beauty. Nevertheless, i still feel important.

 

For how many years, we’ve been together. But this exceptionally enticing moment, I felt fear. Strange isn’t it? Why should I feel fear when everything is in perfect place. You’re standing there. I’m sittin’ here. Nothing’s new. So why is this strange force driving me to go paranoid.

Then everything was still…

And in just an instant, you made me understand everything. In just that short stupid instance, you broke me. Flashes of our memories spent together. Places we’ve travelled. Stories you told me. You broke me. With just one stupid moment.

_______________________________________________________

Alternative title : Ang Nabasag na figurine ni Althea nung November 01, 2007. Hahaha.

Paulo Coelho

“What made you fall in love with a prostitute?”"I didn’t understand it myself at the time. But I’ve thought about it since, and I think it was because, knowing that your body would never be mine alone, I had to concentrate on conquering your soul…”

——–

That’s how it always happened in films. At the last moment, when the woman is just about to board the plane, the man races up to her, and brings her back to his world, beneath the smiling**, indulgent** gaze of the flight staff. The words “The End” appear on the screen, and the audience knows that, from then on, they will live happily ever after.

“Films never tell you what happens next,” she thought, trying to console herself. Marriage, cooking, children**, ever** more infrequent sex, the discovery of the first note from his mistress, the decision to confront him, his promise that it will never happen again, the second note from another mistress, another confrontation and this time a threat to leave him, this time the man reacts less vehemently, and merely tells her that he loves her. The third note from a third mistress, and the decision to say nothing, to pretend that she knows nothing, because he might tell her that she doesn’t love her anymore and that she’s free lo leave.

No, films never show that. They finish before the real world begins.

-Eleven Minutes

**di ko sure kung yan ung mga exact words sa book ni Paulo (close kami ganon?), panget kasi yung notes ko. Hahaha…

Di ko makita yung notes ko dun sa The Alchemist. Pero. so far, eto pa lang yung mga librong sobrang nakaimpluwensya sa pananaw ko sa buhay.

Unang-una. Yung The Alchemist, sobrang nabadtrip ako sa librong to, pero natuwa at the same time. Before kasi, sobrang strong nung mga prinsipyo ko sa buhay. Pero nung nabasa ko siya, imagine, mga letra lang siya sa papel, pero winasak niya yung mga prinsipyo kong iyon. Kahit yung mga matalik kong kaibigan, hindi nila nabaluktot yung mga prinsipyo kong iyon. Pero, ang hina ko pala, kasi, isang libro lang ang wawasak sa kanila. Haha.
Sa Eleven Minutes, sobrang dami ko ding natutunan. Woohoo… Basahin niyo din, para matuto kayo. Hahaha. Silang dalawa na siguro yung mga pinakamatino kong binasang libro sa buhay ko. Hahaha.

Ang pinakanakakatuwa kong natutunan, kahit anong gawin mo, ang pagmamahal, nagde-depreciate, parang building, bahay, equipments. Ganun. Ang desire, kasama din yang ni pareng pagmamahal, nagde-depreciate din yan. Lahat sa mundo, nagdedepreciate. Yun. Tapos. Kaya, pag sinabi ng tao sayo, hindi magbabago ang pagmamahal ko para sayo. Aba’y patayin mo na siya.