Recap lang ng mga pangyayari ngayong araw na to.
Pumasok ng maaga para hindi mawalan ng chair sa MAS.
…[Maagang dumating, nakausap si Vince, bagong seatplan pala. WTF?! Ok lang naman na nasa likod ako nakaupo. Si Dayag kasi, malakas yung boses. E on leave si Dayag, so si Bobads na ata prof namin. Ayus naman, magaling din si Bobads, pero ang hina kaya ng boses niya mehn. Aantukin na naman ba ako sa likod? Gusto ko dun ako sa harap! Sa table ng prof! Para close kami ni Bobads, haha!
Eto pa. Wala si Sir. So sayang yung two hours. Dahil nagiging optimistic tayo, hindi dapat tayo mabadtrip. Isipin na lang ang mga oras na mailalaan mo sa pakikipag-bonding sa mga friendships mo. Yes!!! Woohoo! Kaso...]
HINDI NA KAMI KASAMA SA RETREAT!!!
Putangina lang mehn! Eto, maiisyu na naman tong pagmumura ko. Kasi mga taga-samin daw, mga santo, mga di nagmumura. Mga mabubuting tao. Pero ano tong ginagawa niyo samin?
Unang-una, hindi na nga consistent yang mga rules niyo. Pabago-bago kayo. Hindi alam kung alin ang mga pre-req ng subjects, kung pwede pa bang itong batch na to ay mag-MA, o hindi na. Kung alin ang ano, at alin ang hinde.
Nakakapaginit ng ulo, na ang aangas niyong sumagot, pag nagtatanong lang kami ng mga bagay-bagay. Sana na lang kasi, binigay niyo samin lahat nung mga orientation, para wala masyadong tanong.
Sabagay, batch nga pala namin yung guinea pigs. Ang experimental batch. Ang batch na palaging gustong itapon.
Bakit?
Example…
(third year irreg pa ata ako nito… last year)
Nag-aasikaso si X ng stuffs sa office para makapag-shift na sa ibang school dahil madedebar na siya. Nagmamadali, pabalik-balik na daw siya don, at gusto niya ng maayos, para makahabol sa mga exams ng ibang school.
Z : Dapat nga di na kayo inuuna kasi debarred na kayo.
Wow men. that’s bullshit. And we, the irregulars, the proud irregulars, striving to survive, kahit na pilit na kaming sinasakatan sa iba-ibang paraan. Tsktsktsk.
And I thought THE SYSTEM EXIST FOR THE PEOPLE, NOT THE OTHER WAY AROUND.
But here, it is. PWN me.
Tas ngayon?
Considered as third year nga daw naman kasi kami.
K FINE. RETREAT NGA LANG NAMAN TO. What’s so special about it anyway.
Sa mga taong mahilig sa diskriminasyon :
Sana lang, wag kayong idiscriminate pagdating ng judgment day.
Alam naming di niyo man naranasang maging irregular student, sana man lang, ilagay niyo ang sarili niyo sa sapatos namin.
Kung mamahalin niyo lang yung mga estudyante niyo, mamahalin din namin kayo.
Peace and love, mehn.
L-O-V-E.
P.S. Kung gusto po nating i-maintain yung standard ng ating mahal na eskwelahan, sana magsimula satin ang pagbabago. Nawa’y mabuksan ang ating mga mata sa mga kababalaghang nangyayari sa ating paligid, at wag hayaang mag-exist and mga grupong nagiging sanhi lang ng pandaraya.
Alam kong alam niyo to. Dahil alam to ng karamihan sa mga tao sa ating kolehiyo.
San nga ba nagsimula ang mga namumuno ngayon sa ating bansa na pilit nating kinokondena? Diba nagsimula din silang tulad natin?
Mga ESTUDYANTE?
Wag pikon. Tsss.






Comments