A Simple Guide To The Categories

A Simple Guide to the Categories

(I-don’t know why the hell the mothereffin’ owner of this blog made so many categories…Crap!)

Bahay-Bahayan : Mga pageemote at reklamo at pakairita at pagkatuwa at mga halo-halong emosyon dulot ng pagiging responsableng Ate sa bahay.

DaWho : Ang aking special category para lamang sa mga taong espesyal sa aking puso(?)n. Sa mga taong tatamaan, aba’y ilag-ilag lang. Magaling akong pumana.

Estupijante Mode : Paglalahad ng mga karanasan ni aKDa sa sa loob, labas, paligid, at suluk-sulok ng USTe, undecided pa din ako kung kasama dito yung mga sessions sa Mayric’s.. Hehe.

Fanatic!: Mga pagd-dramang mala-groupie. Pa-FC. At nakikiuso lang. FAN din naman ako ng mga tao sa mundo!

HAPPYness : Mga kwento ko sa buhay nung mga oras na ako’y punung-puno ng kaligayahan atnag-uumapaw sa katuwaan.Sabi nga sa Wowowee!, HAPPYNESS AND ENERGY, GO! Ay, sobra. Dito nakapaskil ang mga bagay-bagay na either sobrang lumawig ang aking imahinasyon kaya ako sumaya, o kaya’y mga nakakapanindig balahibong paglundag ng puso ko ng dahil sa sobrang tuwa. Happy nga e, need I say more?

iBeat : Mga suhestiyon lamang po. Wala akong sinabing pilitin niyo silang pakinggan. K? K.

Insomniac : Dito nagtatagu-taguan ang mga posts ko na nagawa ko, o nai-publish sa mga panahong dapat tinatabihan ko na ang unan at kumot ko sa pagtulog.

Isang Shot : Mga kung anu-anong kwento ng buhay ko. Pwedeng mga pagmumuni-muni moments ko, or kahit anong short stories.

Mixed Nuts : Mga halu-halong kwentong natambak sa utak ko ng dahil sa tagal ng hindi ko pag-update. Ayun, naging DingDong!

Nang Ako’y Magliwaliw : Travel stories. O kahit anong mga bago kong napuntahan. Pwedeng andito yung first time kong magpunta sa CR sa bahay ng kaklase ko. ^_^

Reklamadora : Mga reklamo ko tungkol sa mundo, sa buhay-buhay, at sa mga taeng nakakalat sa kalsada

Repost : Sapagkat ako’y ipiinanganak na isang gaya-gaya. Wag na magreklamo, punyeta!

Reviews : Well, reviews nga diba. The End.

Sa Paglipad ng Utak ng aKDa : Eto yung mga pumupuno sa espasyo ng mga pilas ng notebook/s, filler/s, scratch paper/s, yellow pad, photocopy/ies, at kung anu-ano pang papel/s, pag nakatunganga ako. Wag masyadong maniwala sa mga posts dito. Maaring ito’y kathang-isip lamang odi kaya’y lakas tama ko na namang inihango ito sa tunay na buhay. Bahala na kayong humusga. Basta, BAWAL ANG MASYADONG MANIWALA.

[UPDATE! : THIS CATEGORY WILL NOT BE / SELDOM BE UPDATED. FICTUITOUS POSTS FROM HERE ON WILL BE @piksyon]

Tag : Tag posts. Next!

Uncategorized : Eto yung purgatoryo ng blog ko. Di ko pa majustify kung san dapat nakalagay yung mga posts na andito. K? K.

Tumugon sa paskil na ito